CHAPTER FIVE

22 8 0
                                    

Tahimik kaming bumiyahe pauwi sa mansyon, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na gusto ako ni Claude, gusto ako ng kaibigan kong halos kapatid ko na, gusto ako ni Claude, pero hindi ko siya gusto. Ngayon alam niya pala na hindi ko siya gusto.. ang
bumabagabag ngayon sa isipan ko ay kung anong sasabihin niya kila mommy and daddy..

"Can I pick you up later?"

Natigilan ako sa pag-iisip ng magsalita
si Claude, lumingon ako sakanya pero
nasa harapan lang ang kanyang paningin, bumuntong hininga ako.

"S-Sige." May parte sakin na ayokong
pumayag, ayoko kasing ipagpatuloy
niya pa ang nararamdaman niya sakin, gusto kong umiwas pero paano?Magkasama kami mag practice sa kanta. Magkasama kaming kakanta.

"We're here" Hindi ko man lang namalayan na nasa bahay na kami,
lutang kasi ako, puro iniisip ang
sinabi ni Claude. Akma niyang
tatanggalin ang seatbelt ko pero
pinigilan ko siya

"Ako na. Salamat na lang" Sabi ko,
tumitig pa siya saakin at saka niya
ko ningitian, nanlumo ako ng hindi
yun umabot sa mata niya. Nagsisisi
akong nagtanong pa ko.

Hindi na'ko nagpatulong pang bumaba, kaya ko naman yun kahit mataas ang kotse niya. Wala pa rin kaming imik ng makapasok kami sa mansyon, sumunod lang saakin si Claude ng dumeretso ako sa living room.

"Good afternoon po tita, tito" Bati ni Claude ng madatnan namin silang lahat sa living room, lahat sila ay nakabihis na at mukhang kami na lang ang iniintay.

Tumayo si mommy and daddy, nakipag beso ako sakanila habang si Claude ay yumakap. Bumuntong hininga akong umupo sa mahabang sofa

"Kamusta ang pamimili?" Tanong ni mommy, lumingon ako kay Claude
pero ang paningin niya ay nasa magulang ko lang.

"Meron po pala akong binili para sainyo, tito tita." saad ni Claude, nagulat ako ng ilabas niya ang dalawang paper bag at saka niya binigay yon kay Mommy and daddy

"Wow! perfume thank you Hijo"
Yumakap si mommy kay Claude

"Thank you Claude" Ngumiti si daddy sabay tango.

"Welcome po."

Teka? para kila mommy and daddy
yung perfume? eh anong gift niya
kay Kristell?

"Akala ko gift mo yan kay Kristell"
Hindi ko na napigilang magsalita,
tumingin sila saaking lahat"A-Ah..
k-kasi akala ko gift mo yan kay-"

"May gift na talaga ako nasa
bahay" Nakangiting usal ni Claude.

"Ahh.." Tumatango-tango lang ako
at saka umiwas, nagkataon namang
nagsalubong ang paningin namin
ni ate na ngayon ay nakangiwi

"Ano yan suhol." Nakangiwi niyang
bulong pero nadinig ko kaya, sinipa
ko sa ilalim ng mesa ang paa niya,
kunot noo naman siya tumingin sa
baba at saka tumingin ulit saakin
"Problema mo?"

"Tsk!" Siniringan ko lang siya.

Lumingon kaming lahat kay Claude
ng tumayo ito na kila mommy and
daddy pa rin ang paningin

"Kailangan ko na pong mag ready sa party, susunduin ko na lang po si Zahaira mamayang 5PM" Saad ni Claude at lumingon saakin, umayos ako ng upo at tumikhim"See you later" Yun lang ang sinabi niya at saka siya naglakad papalayo.

"Suhol." Narinig ko nanaman ang
bulong ni ate, inis ko siyang nilingon
pero nasa libro na ang paningin niya,
kung bakit siya may hawak agad na
libro ay hindi ko alam.

PART 1: Stay With Me (ON-GOING)Where stories live. Discover now