Ano kayang pakiramdam na mabuhay ng normal? masaya kaya? o malungkot rin? kasi kung ako ang pa-papiliin, mas pipiliin kong bumalik sa panahon kung kailan wala pa akong kamuwang-muwang sa mundo. I wish I could restart and forget everything that I went through, I wish i was able to enjoy my life as a 21 year old girl who's only trying to fulfill her dreams in a busy city. Was I born to be this way? ipinanganak lamang ba ako para lang makita kung gaano kalupit ang mundong ibabaw?
I covered my body using this thick fur clothing that would cover myself. I feel to dirty, duming-dumi ako sa sarili ko, pakiramdam ko ay hindi na ako kayang linisin pa ng kahit na anong klase ng sabon. Sobrang nandidiri ako na para bang hihilingin ko nalang na mamatay. I was lying in bed while staring at the empty space in front of me, tears slowly fell right from my eyes.
Madaling araw pa lamang at wala pang ilaw sa labas ngunit nakikita ko ang kanyang galaw na nagpapalit na siya ng damit. Dumaan siya sa harapan ko nang makita kong nakasuot siya ng barong tagalog. Nang maibutones niya ito ay lumingon siya sakin na tulala sa kawalan at para bang wala sa sarili. He walked towards me and sat on the bed, hinawakan niya ang kamay ko ngunit hinayaan ko lamang siya, wala na akong pakealam, ginalaw na niya ako, ano pang pipigilan ko sakanya? hindi ko siya tinignan at ipinikit ang aking mga mata. Ayoko siyang makita dahil kumukulo ang dugo ko.
"I--" bigla siyang tumigil sa pagsasalita na para bang may pumigil sakanya "Pupunta ako sa Malacañang, ipinapatawag kami ng Presidente. Hindi ko alam kung ilang araw akong mamamalagi doon pero I want you to be safe, that is why im placing some guard outside the house para bantayan ka."
Bigla ko siyang tinignan habang naka kunot ang noo "Tinatanggalan mo ako ng karapatang lumabas?"
"Its not like that, you can go to school kagaya ng dating ginagawa mo."
"Gusto mong ipasunod ako para malaman mo kung anong mga ginagawa ko ganun ba?" natatawang tanong ko
Hindi siya nagsalita pero alam ko na kung ano ang sagot.
"You gave me no choice but to do this Catleya. It was your fault in the first place."
Bigla kong inagaw ang kamay ko at alam kong nagulat siya sa ginawa ko. Aktong hahawakan na sana niya ang mukha ko pero tumigil ang kamay niya sa ere, tumayo na siya at tinignan ako.
"About that green hoodie.." nakuha niya ang atensyon ko "I'll have it washed and have it properly given back to you."
Nang tumayo siya ay umiyak ako na naging dahilan para matigilan siya. Tinakpan ko ang bibig ko upang walang tunog na marinig ngunit wala parin itong silbi dahil kumakawala ang emosyon ko. Lumingon siya sakin at nakita ko ang konsensya sa kanyang mga mata habang tinitignan ako, para bang gusto niya akong hawakan at laiptan ngunit may pumipigil sakanya.
"Fuck!" iritado niyang sambit at biglang umupo sa gilid ko at niyakap ako ng mahigpit
Napabangon ako ng kaunti dahil sa kanyang ginawa, hindi ako gumalaw at hinayaan lang siya. Kumuyom ang kamao ko habang nakatingin sa repleksyon naming dalawa sa salamin saaking harapan. Tumutulo ang luha ko habang nakatingin sa kanyang likuran.
Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ito "Im sorry my baby."
"Umalis ka na, may trabaho ka pa." walang buhay kong sambit at pinilit siyang ilayo mula sakin
"Babalik ako kaagad pagkatapos ng trabaho ko, I promise." bulong niya sa teynga ko bago dahan-dahang kumalas at hinalikan ako sa labi
Hindi ako gumalaw o gumanti, tanging siya lamang ang nagdadala. Biglang humigpit ang hawak ko sa braso niya nang diinan niya ang paghalik sakin na para bang kinakain niya ang aking labi, nilalaro niya sa loob ang kanyang dila habang ako ay hinahayaan lamang siya. Isinandal niya ako sa headboard bago hinawakan ang aking mukha at bumaba ang kanyang mga halik sa leeg ko, tinignan niya ako na para bang uhaw na uhaw siya, ang kanyang mga braso ay nasa magkabilang gilid ko na para bang ikinulong niya ako sa kanyang mga bisig.
Unti-unti niyang tinanggal ang butones ng kanyang barong noong mapagtanto ko kung ano ang balak niyang gawin. Kaagad kong pinigilan ang kamay niya nang makita ko ang kanyang puting sandong panloob, tinignan niya ako bago ngumiti at hinaplos ang buhok ko.
Tumayo siya at inayos na ang sarili. "Wait for me, my princess." kinuha niya ang eyeglass sa side table bago ito isinuot at lumabas na sa pintuan
Dumausdos ako pababa sa higaan at napasinghap ng hangin, para akong nasu-suffocate rito sa loob para kapusin ako sa hangin.
Pinilit kong tumayo pero bigla akong napahawak sa side table nang muntikan na akong matuma. Ang s-sakit ng aking binti, para akong hindi makakalakad ngayon ngunit pinilit ko parin ang sarili at nagpunta sa bathroom. Binuksan ko ang shower at napatingin sa salamin, nanginginig ang kamay kong hinawakan ang repleksyon ng sarili ko, ako pa ba ito? sarili ko pa kaya ang nakikita ko sa harapan ko? kasi natatakot ako..na baka ibang tao na ang nasisilayan ko.
"Ahhh!" sinuntok ko ang salamin at sumigaw habang umiiyak, hanggang sa isinandal ko na lamang ang aking ulo sa pader habang hinahampas ang salamin
Nagagalit ako sa sarili ko dahil sa sitwasyong sinapit ko ngayon, kung sana lamang ay hindi ko na piniling magtrabaho doon ay sigurado akong hindi ako hahantong sa ganito.
Hindi ko malaman kung ilang oras na akong tulala habang nakaupo sa tiles ng bathroom at pinapatakan ng malamig na tubig mula sa shower.
Pero bakit ngayon ko lang naisip?
na sa larong ito ay hindi ako kailanman makakatakas.
Lalo lamang akong nasasaktan sa tuwing pinipilit kong kumawala mula sa kulungang ito.
At kung ganun, mas maiging sumabay na lamang ako sa agos.
Kung anong sakit ang ipinaramdam niya sakin ay sisiguraduhin kong ibabalik ko ito ng doble.
Dahil hindi ako papayag na isang tao lamang ang ko-kontrol sa larong ito.
BINABASA MO ANG
A Politician's Paramour
RomanceHe was a well-known politician from a prominent city, yet, bears a mysterious secret. Because he keeps a very important possession, his lady..his mistress. She was a normal-living college girl, trying to fulfill her dreams in a busy city. But no one...