Naiilang ako kasi kanina pa nakatingin saamin yung mga customer na kumakain din kaya lagi kong tinitignan si Eric na dedma lang sa paligid. Wala talaga siyang pakealam.
Bigla niyang inilagay yung karne sa plato ko. "Kainin mo yan habang mainit pa, hiniwa ko na yan para sayo" at nagtuloy na siyang kumain
Nahihiya kong isinubo ito at kinain. Pati yung mga crew ay nakatingin saamin, yung iba ay kinikilig at naiinggit habang yung iba naman ay kumukuha ng mga litrato kaya sineside view ko ang aking mukha.
Noong ilalagay niya ulit sana ang ulam sa plato ko ay bigla ko itong hinarang gamit ang kutsara kaya tumaas ang kanyang kilay at seryoso akong tinignan. Nagulat siya sa ginawa ko.
Mahina at nahihiya akong nagsalita "Pwede bang..bilisan nating kumain? m-masama kasi ang pakiramdam ng tiyan ko" pagrarason ko para lang makaalis na kami sa lugar na ito
Nagulat ako nang tumayo siya at ilapag sa mesa namin ang bayad ng pagkain. Lalo akong nagulat nang lumapit siya sakin at kunin ang kamay ko bago ako hinila palabas ng kainan. Pagkalabas namin sa entrance ay tumigil ako sa paglalakad.
"Saan tayo pupunta?"
"Dadalhin kita sa ospital"
"Huwag na" sagot ko kaagad
"Hindi ba masama ang pakiramdam mo?" he looked at me
"N-nawala na..ngayon lang"
Napatingin ako sa maliit na stall ng tindahan ng ice cream at mukhang napansin niya ito kaagad dahil tinignan din niya kung ano ang tinitignan ko. Hinatak niya ang kamay ko at hindi ko inaasahang didiretso kami doon.
"Anong gusto mo?" tanong niya habang nakatingin sa listahan ng mga iba't-ibang flavors
Bahagyang nagbukas ang labi ko dahil sa gulat, sobrang mahal ng mga sorbetes! ang pinakamababang presyo lang ay 150 pesos habang ang pinakamahala ay 250 pesos! anong klaseng..
"Pero ang mahal.." lumapit ako sakanya at mahinang bumulong habang nakatingin sa nagbabantay na mukhang hindi naman nakatuon ang atensyon saaming dalawa
"Walang-wala yan sa pagmamahal ko sayo."
Mas lalong nagbukas ang labi ko dahil sa gulat. A-anong pinagsasabi niya?
Nang napatingin ako sa kanyang bulsa dahil tumunog ang cellphone niya at mukhang may tumatawag. Tinignan niya ang nagbabantay na ngayon ay nakaharap na saamin habang nakangiti.
"Please serve my wife with whatever she wants, ill pay it when I come back, ill just take this call."
"Noted Sir. Which one do you want ma'am?" ibinaling niya ang tingin niya saakin at itinuro ang listahan nila ng flavors na pagkadami-dami
Tinignan ko si Eric na naglakad palayo saakin habang may katawag sa cellphone bago ako muling lumingon sa stall. Napalunok ako nang tumama ang mga mata ko sa ice cream na may pinakamahal na presyo, pero hindi naman siguro siya magagalit hindi ba? barya lamang sakanaya ang presyo nito.
"Yun po" nahihiya kong itinuro ang flavor na gusto ko
"Noted ma'am, kindly wait for 5 minutes" mabait siyang ngumiti bago prinepare ang order ko
Tumalikod ako mula sakanaya at hinanap siya ng mga mata ko ngunit hindi ko siya makita. Ganun ba ka-importante at ka-confidential ang kanyang katawag na tao kaya ayaw niyang marinig ko ito?
Hindi ko mapigilang mag-taka kung sino ang kausap niya at kung ano ang pinaguusapan nila, pero bakit naman niya sasabihin sakin? at hindi rin naman ako ganun ka-interesado, dahil ang katotohanan ay..hindi ko rin naman siya mahal.
Biglang humapdi ang sugat ko sa leeg kaya hinawakan ko ito ngunit nabigla ako nang bigla siyang nagpakita at hinawakan ang kamay ko para pigilan akong mahawakan ang aking sugat.
"Ako na ang titingin." he seriously looked at me as if may kasalanan akong ginawa
Dahan-dahan niyang binuksan ang gauze sa leeg ko at maingat na inihipan ito. Maayos niya ring ibinalik ang gauze.
"Ma'am, Sir, here's your order" sabay kaming tumingin sa nagbebenta
Binayaran niya na ito at iniabot saakin ang ice cream. Naglakad na kami paalis at napagtanto kong pabalik na kami sa parking lot na medyo malapit lang naman sa kung nasaan kami kumain. Maganda ang lugar na ito dahil napapalibutan ito ng mga kahoy at malalawak na lupain, maraming mga lugar na pwede mong pasyalan, napako ang aking mga tingin sa malaking mansion ng Camp John Hay at naalala noong araw na sinundo ko siya rito ng lasing pagka-galing konsa eskwelahan, tinignan ko siyang naunang naglakad.
Tumayo ako sa gilid at hinintay na buksan niya ang kotse kaya naisipan kong kainin muna ang hawak kong pagkain, ngunit para akong isang estatwang napako sa kinatatayuan ko nang bigla siyang pumunta sa harapan ko at yumuko bago namin sabay n kinagat sa ice cream ng magkabilaan.
Nakatingin siya sakin na para bang may sinasabi ang kanyang mga mata bago umayos ng tayo at pinunasan ang kanyang labi. Binuksan niya ang kotse nang nakangisi habang nasa akin parin ang tingin. Dahan-dahan kong tinignan ang hawak kong pagkain at hindi ko na alam ang aking gagawin.
Bumusina ang sasakyan na para bang sinasabihan akong pumasok na. Umupo ako sa likuran at isinara ang pintuan, ngunit nagtaka ako noong lumingon siya mula sa driver seat. Tinanggal niya ang kanyang shades para mas makita ako.
"Sinasadya mo ba akong asarin?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Sit down here in front before I get out and carry you."
Kaagad kong binuksan ang pintuan nang marinig ko ang tipid niyang pagtawa dahil sa algigaga akong sundin siya sa halip na hintayin pa siyang bumaba. Nang makaupo ako ay tahimik lamang ako habang inuubos ang pagkain ko habang siya ay ilang beses na akong sinusulyapan, nagpapanggap lamang ako na parang walang nakikita.
Napansin kong ang daang tinatahak namin ay hindi ang daan pauwi kundi patungo sa Loakan Airport at nalagpasan na namin kanina pa ang Camp John Hay. Palubog na ang araw at ang anino ng dapit-hapon ay tinatakpan ng mga pinetree na aming nadadaanan sa gilid ng kalsada. Mabilis ang kanyang pagmamaneho kaya ang hangin ay tumatama saaking mukha at inililipad nito ang aking buhok.
Tumigil kami sa isang bakanteng lote na kung saan ay may ilang mga kotseng nakaparada, ang mga bahay ay malayo-layo rin kung tatanawin, bumaba na siya kaya bumaba na rin ako. Medyo madamo rito ngunit hindi naman ganun kahaba, nakita kong lumapit saamin ang isang lalakeng kanina ay nakasandal sa isang motor.
![](https://img.wattpad.com/cover/364227271-288-k747401.jpg)
BINABASA MO ANG
A Politician's Paramour
RomanceHe is a well-known politician from a prominent city, yet, bears a mysterious secret. Because he keeps a very important possession, his lady..his mistress. She's a normal-living college girl, trying to fulfill her dreams in a busy city. But no one tr...