Dalawang gabing hindi siya umuwi. At sa loob ng dalawang araw na yun ay halo-halong emosyon ang aking naramdaman. Gabi-gabi akong umiyak, nakaupo sa harap ng mesang punong-puno ng mga papel, libro, at dokumento. Sobrang pressured ako, ang dami kong hinahabol na mga gawain, dahil alam kong kailangan kong ituwid ang direksyon ko sa pag-aaral, hindi pwedeng mag-settle ako sa ganto lang. At higit sa lahat, naramdaman kong mag-isa ko lamang.
Hinanap ko ang presensya niya, dahil siya ang inaasahan kong dadamay, at tutulong sakin, ngunit...wala siya.
Tumingin ako sa wall clock at ala-una na ng madaling araw, muli kong tinignan ang pintuan, hindi parin siya umuuwi. Wala siyang kahit na anumang text o tawag, hindi na kami nag-usap magmula noong nangyari ang insidenteng iyon.
Nagpatuloy ako sa pagbabasa sa booklet habang nililista sa notebook ang mga importanteng detalye na kailangan kong tandaan. Midterms na namin mamayang umaga, pero nag-aalala akong baka hindi ako makapag-focus dahil kulang na kulang ako sa tulog.
Nakaramdam ako ng pagka-ginaw kaya tumayo ako mula sa upuan at binuksan ang wardrobe nang mapatitig ako sa mga damit niya. Ilang segundo akong nanatiling nakatayo hanggang sa kinuha ko ang isang puting cardigan bago ito isinara ulit.
Nakarating ako sa university ng past 6. Kaunti palang ang mga estudyante, ang iba ay nasa bench sa field na naguusap, may ibang naglalaro ng volleyball kahit sobrang aga pa, habang yung iba naman ay nasa hallway o di kaya ay nasa classroom na nagrereview kagaya ko. Lima pa lamang kaming nasa loob ng apat na sulok na ito, umaasang makapasok sa Latin Honors ngayong huling semestre.
Inayos ko ang kulay abong jacket ko na siyang nagsisilbing proteksyon ko sa lamig ng panahon. Basa pa yung ground na sanhi ng matinding pag-ulan kagabi, pero himalang maganda ang sikat ng araw ngayon. Napahawak ako sa ulo ko at pilit na ginising ang sarili, nawawala ako sa focus at walang pumapasok sa isipan ko kahit na kanina pa ako nagrereview.
"Umayos ka, Catleya." bumulong ako
Nag-sound ang cellphone ko. Pero nang buksan ko ito ay ibang notification ang nagpakita. Lalong nag-iba ang pakiramdam ko, kahit isang text man lang ay wala. Hindi niya rin ako pinadalhan ng susundo sakin kaya nag-commute ako kanina.
"Cat, pinapatawag sa opisina ni Sir Arevalo"
Tumayo ako at naglakad palabas nang tawagin ako ng kaklase ko. Bumaba ako sa First floor para pumunta sa faculty A.
Kumatok ako nang mapansin ako ni Sir sa bintana kaya pinapasok niya ako. Dalawang teachers pa lamang ang narito sa loob.
"Is there a problem Sir?" tanong ko kaagad, as long as I know nagpass ako kaninang madaling araw ng mga catch up activities
May iniabot siyang isang papel kaya kinuha ko ito. Nagbago ang pakiramdam ko nang makita ang numerong nasa card ko.
"Pasensya ka na Catleya, hindi umabot ang grado mo, I have extended my understanding and patience pero sa huli wala parin itong nagawa."
Tumango ako at pinilit na ngumiti "Its okay Sir, thank you so much po" yumuko ako bago naglakad paalis
Muli kong tinignan ang card ko at nakitang bagsak ako. Tumigil ako sa gilid ng pasilyo at humawak sa gilid, pinipilit kong isipin na hindi ako matatanggal sa Dean's List.
Pagbalik ko sa room ay nakita kong busy silang naguusap lahat at nakikinig sa isa kong kaklaseng lalake na nasa teacher's table.
"May initial list na daw ng mga nasa Latin Honors"
"Talaga? omg! sana kasali ako"
"Pero huwag niyo munang ipagkakalat, atin-atin lang ito" mahinang sambit niya
"Alam ko na kung sinong Summa, matik na yan si Ferrer" tumingin silang lahat sakin noong binanggit ng isa kong kaklase yung apeliedo ko
Pero nahihiyang umiling si Johnrey. "Si Megan ang Summa" nagulat silang lahat at pumalakpak
"Magna daw si Mariones!" tumawa sila at tinukso ang isang kaklase ko na masayang tumatalon
"Bale Cum Laude si Ferrer? ayos lang yan, pasok parin naman siya" umaasa ako, na sana nga.
"Im sorry" tinignan ako ni Johnrey "Pero wala yung apeliedo mo sa list"
Natahimik silang lahat at halatang-halata ang pagtataka sa kanilang mga mata, marahil ay nagtatanong sila kung bakit at anong nangyari sakin. Consistent Dean's Lister ako mula 1st year college ako, ako ang unang-una sa rank.
Tahimik akong umupo at pilit na tinapos ang exam. Pagkatapos nun ay nagmadali akong umalis sa school at nag-para ng taxi. Bumaba ako sa lugar kung saan alam kong walang makakakita at makakakilala sakin.
Gumilid ako sa tulay at tinignan ang paligid, hanggang sa napatalikod ako at umiyak. Isang pagkakamali ko lang ay nawala na ang pinaghirapan ko, ilang taon..ilang taon akong nagsipag, na halos isakripisyo ko na ang pagiging kabataan ko para lang sa pagaaral..
Nilakad ko ang daan pauwi sa lugar kung saan para lamang akong isang preso. Binuksan ko ang malaking gate na nagsisilbing malaking pader para hindi ako makatakas mula sakanya.
Nandito ang kotse niya, naka-park. Ibig sabihin ay nakauwi na siya.
Pagdaan ko sa sala ay naroon siya at nakaupo, mukhang may hinihintay. Nilagpasan ko lang siya nang magsalita ito.
"Anong oras na hindi ka pa nakakauwi?"
Ang galing, kumpara sa dalawang gabing wala ka rito.
"Sinong kasama mo? kaibigan mo? groupmates mo? o baka naman mga lalakeng nilalandi mo?"
Biglang nagiba ang pakiramdam ko at ibinaba ang slingbag ko.
"Hindi ba totoo? na pagkatapos mong manggaling sa eskwelahan ay pumupunta ka sa kung saan-saan para lang manlalake--"
"Huwag mo akong sinusumbatan!" galit ko siyang hinarap
Ito ang kauna-unahang beses na sinigawan ko siya at galit na kinausap ng ganito.
Tumayo siya at naglakad papalapit sakin.
"Dahil hindi mo alam kung anong pinagdadaanan ko!" dinuro ko siya
Mahigpit niyang hinawakan ang dalawang braso ko "Sige sabihin mo sakin ngayon nang malaman ko" parang nanghahamon ang boses niya
"Maghiwalay na tayo."
Nagiba ang reaksyon niya. "Anong sabi mo?"
Pilit akong kumalas mula sa pagkakahawak niya at tumakbo papunta sa ikalawang palapag. Kaagad kong ikinandado ang pintuan at umiyak.

BINABASA MO ANG
A Politician's Paramour
Storie d'amoreHe is a well-known politician from a prominent city, yet, bears a mysterious secret. Because he keeps a very important possession, his lady..his mistress. She's a normal-living college girl, trying to fulfill her dreams in a busy city. But no one tr...