20

185 4 0
                                    

He was driving along the busy road of Baguio City and as usual, I was sitting here on the passenger side, beside him. Isang kamay lamang niya ang nagmamaneho at ang sabi niya ay iuuwi daw niya ako dahil tapos naman na ang klase ko, pinayagan niya akong magtrabaho pero hindi niya ako pinapunta ngayong araw kasi sabi niyang magpahinga nalang daw ako. Naka close lahat ng bintana kasi ayaw niya na nauusukan sa usok galing sa mga sasakyang dumadaan kahit alam niyang may motion sickness ako pero good thing na im learning little by little how to overcome it.

"Ahhh aray" kaagad kong hinawakan ang leeg ko dahil humapdi ang dating sugat ko

Tinignan niya ako ng nag-aalala "Bakit? anong nangyari?"

"Sumakit ang sugat ko" tinignan ko ito gamit ang reflection sa cellphone screen ko nang makitang dumudugo ang gauze na nakalagay

Itinabi niya ang sasakyan sa highway at ibinaba ang kamay ko para siya mismo ang tumingin sa sugat ko.

"Masakit ba?" he looks so worried habang maingat na tinatanggal ang gauze

"Oo" I honestly answered at pinipigilan ang hapdi

"Teyka lang"

"Saan ka pupunta--" hindi niya ako pinatapos magsalita at lumabas ng sasakyan

Tinignan ko siya mula sa loob ng kotse na patakbong pumasok sa isang convenience store sa harapan kung saan nakatigil ang kanyang sasakyan. Anong gagawin niya doon?

Pagkatapos ang ilang minuto lamang ay mabilis siyang lumabas at tumakbo kaagad papunta dito, may hawak siyang isang clear na plastic bag. Nang makasakay siya ay binuksan niya na ang isang betadine at inalis din ang seal ng cotton balls bago naglagay ng gamot dito. Tinignan ko lamang siyang gawin ito.

"Im sure this will sting pero kailangan ito para gumaling ang sugat mo." aktong ia-apply na sana niya ito sa leeg ko pero tinignan niya ako ng ilang segundo

"B-bakit?"

"Lumapit ka ng konti dito, hindi ko maabot ang leeg mo"

Tumango ako at umusog ng upo papalapit sa driver seat. He gently dabbed the cotton ball into my neck with the medicine on it, nakaramdam nga ako ng hapdi kagaya ng sabi niya lalo na at medyo mahaba ang sugat na ginawa ko noong nilaslas ko ito. At ngayon ay ito ako, nagdudusa dahil sa sarili kong kagagawan.

"Does it still hurt?" ang lapit niya

Umiling ako at hinayaan lang siyang gamutin ang sugat ko. After that he then gently unpacked the gauze that he seemed to have bought from that store, nagulat ako kasi dalawang pack ang binili niya at sobrang dami nito, ilang pieces pa man din ang nasa loob nito.

Akala ko ay tapos na siya kasi iniligpit na niya yung mga binili niya pero bigla niyang inihipan ang aking leeg para mawala ang hapding natitira rito, hinarap ko siya pero hindi niya ako pinakealaman at tinuloy parin ang ginagawa niya. I-i cant believe that he's doing this.

"Ill keep this medecine inside the car incase that would hurt amd bleed again" binuksan niya yung compartment sa harapan ko kaya inusog ko ng kaunti ang aking binti para mailagay niya ito

Nang maisara niya ang compartment ay dahan-dahan siyang umayos ng upo at tinignan ako before kissing my neck below my ear. "I hope my kiss would heal that" ngumiti siya bago hinawakan ang manibela at iniatras ito bago bumalik sa highway

Pagdating namin sa bahay niya ay nauna na akong pumasok sa loob nang magtaka ako sa nakita ko. Bakit ang daming box ng mga bagong sapatos at mga bag sa sofa?

Nilingon ko siya nang sumunod itong pumasok at naglakad sa likuran ko. "Para sayo yan. I hope you'll use them" at umakyat na siya sa ikalawang palapag

Matapos ko siyang tinignan ay lumapit ako sa mga bagay na nasa sofa nang makitang puro branded ang mga ito, binuksan ko rin yung isang box ng sapatos at nakitang color white ito na sandal at size nga siya ng paa ko, madami ring bag ang nandito, mga nasa walo at iba't-ibang klase at kulay. Paano niya ito binili? tsaka pano siya namili ng mga style?

Inunti-unti ko itong iniakyat sa kwarto ko dahil sa dami nila at inayos na rin. Pinagtatapon ko na rin yung mga lumang slingbag ko na gamit ko pa since highschool ako hanggang ngayong gragraduate na ako sa kolehiyo. Sa pagod ko ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako kahit pa ang sabi ko ay iidlip lang ako saglit. Pagbukas ko ng mga mata ko ay madilim na sa labas kasi bahagyang nakabukas ang kurtina sa balcony, umupo muna ako saglit sa kama ko bago tumayo at nagsuot ng tsinales at naglakad patungo sa sliding door para ayusin yung kurtina. I was about to go back in bed and sleep again nang mapatingin ako sa bathroom kasi nakarinig ako ng tubig na lumalabas mula sa shower. Andito ba siya?

Dahan-dahan akong naglakad para tignan kung siya nga ba yung nasa loob, may dalawang pintuan naman ito, isa sa pasukan at isa papunta sa shower pero glass door ito. Nagdalawang-isip akong buksan ang pinto kaso mas nangibabaw ang nasa isip ko. I was about to open the door but my hand stopped when I heard his voice answering a call, so it was really him. Babalik na sana ako pero there's something inside me na gustong makinig kaya I stayed outside.

"Nevermind, just stop. Its all useless" rinig kong sagot niya kaso

Mas lalo akong na curious sa narinig ko. Stop what?

"Patigilin mo na kung sino man yang binayaran mo para mag-imbestiga at bigyan mo ng malaking halaga, siguraduhin mo lang na hindi yan magiingay kundi magkakaproblema tayo dito."

Kumunot ang aking noo, ano bang tinatago niyang sikreto? sino o ano ang pinapaimbestiga niya?

"Ilang taon na pero wala pa kayong nahahanap? nagtratrabaho ba talaga kayo ng maayos?" tumaas ng kaunti ang boses niya, nagagalit na siya "Pabayaan mo na at pauwiin mo na yan. Nagsasayang lang tayo ng oras dito." sa tingin ko ay ibinaba na niya ang tawag at huminto na din ang pagpatak ng tubig mula sa shower

Mabilis akong naglakad pabalik sa higaan ko at nagkunyareng natutulog. Inayos ko ang kumot ko at inipikit ang aking mga mata nang ilang minuto ang lumipas ay tumabi na siya sakin sa pagtulog.

"You shouldn't hear things you're not supposed to know." sambit niya

Gulat kong iminulat ang aking mata at nakitang nakaharap siya sakin habang nakapikit ang mga mata at nakahanda nang matulog. Alam niyang nakinig ako sa tawag niya kanina.

A Politician's ParamourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon