"Teyka lang..sandali" binawi ko bigla yung kamay ko at umatras "Hindi pwede" umiling ako
Tumayo siya "Ano bang kinakatakot mo Catleya? nandito ako, kaya naman kitang protektahan, kaya ko namang ibigay ang mga bagay na gusto mo. Hindi pa ba sapat? ano pa bang kulang?"
Nagsimula na akong umiyak at naglakad paalis, binilisan ko ang mga hakbang ko papalayo pero bigla akong napatigil nang maramdaman kong may yumakap saakin mula sa likuran. Pinilit kong tanggalin ang kanyang mga braso sa aking beywang pero hindi ko ito magawang kalasin, mahigpit ang pagkakayakap niya sakin habang ang ulo niya ang nakasandal sa balikat ko.
"Please sabihin mo sakin kung anong kulang, gagawan ko ng paraan. Please"
Hindi ako sumagot at sa halip ay pinilit paring makawala mula sa pagkakayakap niya "Eric ano ba!" naiinis kong sambit babang pumapatak ang mga luha
Hindi siya nagsalita habang ako ay sinusuntok ang kanyang mga kamay para lang pakawalan niya ako pero ako na mismo ang kusang sumuko nang mapagtanto kong walang mapupuntahan ang lakas ko. Tinakpan ko nalang ang aking mga mata at umiyak.
"Hearts beat fast, colors and promises." hindi ko alam kung nananadya ba ang pagkakataon "How to be brave, how can I love when im afraid, to fall?" nagsimula siyang kumanta "Watching you stand alone, all of my doubts.. suddenly goes away somehow.."
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa oras na to, nananadya ba ang tadhana? sinisigurado ba niyang makokonsensya ako dahil sa nararamdaman ko? gusto ba niyang masaktan ako para lang ipamukha sakin na tinatalikuran ko ang sariling asawa ko para sa ibang lalake?
"One step closer." he held my arm and made me face him in front and kissed me
Hawak niya ang pisngi ko gamit ang dalawang kamay niya habang hinahalikan ako. Hindi ako gumalaw, hindi ako umiwas o gumanti, nanatili lang akong nakatayo at hinayaan siya. Pero noong matauhan ako ay itinulak ko siya at hinihingal kaming nagtitigan, bigla niyang hinatak ang kamay ko at aktong ilalagay na sana ang singsing pero binawi ko kaagad yung kamay ko.
"Catleya please wear this ring" para bang desperado ang kanyang itsura
"No..no..i cant" tumalikod ako at tumakbo paalis
"Catleya!" sinisigaw niya ang pangalan ko pero hindi ako lumingon at nagtuloy sa pagtakbo paalis mula sa lugar na yun
Pumara kaagad ako ng taxi bago pa niya ako maabutan kasi alam kong gagawa at gagawa siya ng paraan para mahabol ako gamit ang kanyang kotse. At hindi nga ako nagkamali kasi paglingon ko sa sasakyan ay umandar na kaagad ang itim nitong kotse.
"Saan po tayo ma'am?" tanong ng driver na nakatingin sa front mirror
Pinunasan ko ang mga mata ko kasi mukhang nahalata niya "S-sa.." hindi ko alam ang sasabihin ko, saan ba ako pupunta? "sa Town po"
Ilang minuto lang ang binaybay namin pero panay ang lingon ni kuya sa side mirror "Ma'am kilala niyo po ba yung driver ng black na Ford sa likod? kanina pa po kasi tayo sinusundan"
Biglang lumakas ang kabog ng puso ko at lumingon sa likod. Tama nga si kuya, sinusundan ako ni Eric. Humigpit ang hawak ko sa slingbag ko at nagsisimula na ring magbasa ang mga palad ko. Ngayon palang ay hindi ko na maisip kung anong gagawin niya sakin sa oras na maabutan niya ako, at pati si manong driver ay baka madamay pa ng dahil sakin, kilala ko siya, alam ko ang ugali niya kapag galit siya at ayoko na ulit itong maranasan pa.
"Kuya please pakibilisan po ang pagmaneho, dadagdagan ko po yung bayad basta mai-lihis niyo lang po yung daanan natin"
"Sige po ma'am"
Lumiko pakanan si kuya at sumingit sa halos tatlong sasakyan, pinaharurot din niya yung taxi at umaasang makakawala kami sa paningin ni Eric pero nagkamali kami, dahil pagtingin ko sa likod ay naka-buntot parin siya habang naka over speed.
Nanginig bigla ang kamay ko nang makita ang number niyang tumawag sa cellphone ko, hindi ko ito sinagot at pinabayaan lang habang nakasandal sa upuan ng sasakyan at nakapikit ang mga mata habang nagdarasal na sana ay hindi niya ako maabutan dahil hindi ko na alam kung ano pang kakahinatnan ko sa oras na ito ay mangyari.
"Ma'am nawala na po yung itim na sasakyan"
Ibinukas ko ang mga mata ko at tumingin sa likuran at wala nga siya, bigla akong nakahinga at para bang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Pawis na pawis ako kahit pa wala naman akong ginawa, hinawakan ko ang dibdib ko at pinilit na patahanin ito sa kaba. Nang makalayo kami ng kaunti ay nagsalita ako.
"Dito na lamang po ako" sambit ko kay kuya at iniabot ang 300 pesos
"Pero maam wala pa po tayo sa Town, magiging okay lang po ba kayo?" nagaalalang tanong niya
"A-ayos lang po ako" mahinang sagot ko at bumaba na
Hindi ako pwedeng umabot sa sentro kasi alam kong doon niya ako unang hahanapin kasi alam niyang wala akong ibang mapupuntahan. Alam kong ipapahanap niya sa lahat ng mga hotel ang pangalan ko kung mag check-in ba ako. Tumingin ako sa paligid at nakitang may ilang malalamimg bahay dito, wala rin halos dumadaan na mga kotse at sa gilid ko ay isang malawak na bakanteng lote, sa tingin ko ay private village itong napasukan namin habang umiiwas kami kay Eric.
Binuksan ko yung cellphone ko at nakitang 9 pm na ng gabi, nakita ko rin na may 9 missed calls siya saakin, sa ibaba nito ay text message ni Clarisse na siyang nagpalabas ng mga luha ko.
"Good afternoon Cat, kumusta ka? okay ka naman ba? day off ko pala bukas nakalimutan kong sabihin sayo kaya hindi muna kita masasamahan bumili ng heels na gagamitin mo sa pageant niyo sa school. Mag-iingat ka ha! huwag mong papabayaan sarili mo."
- Clarisse 8:53 PMTinakpan ko ang bibig ko habang humihikbi para walang makarinig sakin. Sa totoo lang ay hindi ko na alam kung anong nangyayari sa buhay ko, sobrang napapagod na ako, para akong nakakapit sa isang manipis na sinulid para lamang magpatuloy na mabuhay. Hirap na hirap na ako.
Pero nanigas ang katawan ko nang may tumigil na itim na sasakyan sa gilid ko lalo na noong bumukas ang bintana nito at nakita ko ang hindi ko inaasahang makita.
Nakatutok ang baril niya sakin.

BINABASA MO ANG
A Politician's Paramour
RomansaHe is a well-known politician from a prominent city, yet, bears a mysterious secret. Because he keeps a very important possession, his lady..his mistress. She's a normal-living college girl, trying to fulfill her dreams in a busy city. But no one tr...