19

164 4 0
                                    

Papunta ako sa second building kung saan located ang department ng mga Architecture habang hawak ko ang isang white na paperbag at laman nito ang kanyang damit. Nang papalapit na ako sa classroom nila ay parang bigla akong nagdalawang-isip kasi nakikita kong nagsisilabasan ang kanyang mga classmates. Napatigil din ako ng makita ko yung lalakeng athlete na nagbalak akong ligawan, he was walking towards my direction with his friends while laughing, ngunit nang makita niya ako ay nawala ang mga ngiti sa labi niya at napalitan ng lungkot. Aktong papansinin ko na sana siya pero nilagpasan niya lang ako kasama ang mga barkada niyang nagtataka akong tinignan, pero ayos lamang sakin yun kasi I understand where it's coming from.

Sunod kong namataan si Earl na naglalakad na sa hallway papunta sa kabilang direksyon kaya hinabol ko siya pero nang mapagtanto ko ito ay naglakad nalang ako at binilisan para mahabol ko siya.

"Earl" I called his name

Narinig niya ito at humarap sakin, nagtataka niya akong tinignan mula ulo hanggang paa at pati ang hawak ko. "Do you study here?"

"Ahh" na realize ko na hindi pala niya alam dahil nakilala niya lang ako sa cafe, ipinakita ko yung ID ko "Oo, 4th year BS in Psychology"

Simple lang siyang tumango at hinintay kung ano pang sasabihin ko. Nakaramdam ako ng pagka-ilang nang namayani ang saglit na katahimikan sa pagitan namin. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at nahihiyang iniabot ang puting paperbag.

Tinitigan niya muna ito "What is this?" kaswal nitong tanong

"Ito pala yung hoodie na ipinahiram mo sakin last last week, nilabhan ko na rin yan. Pasensya na at natagalan ang pagbabalik ko"

Kinuha niya ito "Thank you" at umalis na

Para akong naiwang estatwa rito, g-ganun ba talaga siya? ayaw niya ba akong kausapin? nahihiya ba siya? nagulat ako kasi nage-expect ako na may iba pa siyang sasabihin pero wala na talaga.

"Catleya" bigla akong nagulat at napahawak sa aking dibdib nang lumingon ako at nakita siya

Hindi ko inaasahang makita siya dito. At isa pa ay, baka may makakita samin lalo na't nasa school kami, ano bang binabalk niya? napatingin ako sa paligid nang makitang wala ng mga estidyante dito da hallway bukod saaming dalawang dahil bumaba na silang lahat sa cafeteria.

"What are you doing here?"

"You look so startled" tumawa siya ng bahagya which was very unlike him

Ngumiti ako ng kaunti "Ginulat mo kasi ako" pasimple akong lumungon para tignan si Earl pero hindi ko na siya nakita kaya nakahing ako ng maluwag

"I visited the owner of this school para mag donate ng funds, after all, dito nagaaral ang asawa ko." lumapit siya sakin

I wasn't expecting him to be like this, pero totoo nga bang he would change? for me? ang tanong ay...kaya ba niyang maging sincero sakin? pagkatapos ng lahat ng mga pagpapahirap na ginawa niya sa buhay ko?

Naka formal siyang suot ngayon at naka black leather shoes, sigurado akong may importanteng tao siyang kakausapin bukod sa may ari ng eskwelahang ito. Nakita ko din sa bandang likuran niya ang dalawang bodyguards na hindi naman niya kadalasang kasama. Hindi kay ay VIP ang tatagpuin niya?

"Sino yung lalakeng kausap mo kanina?" napalunok ako at kaagad siyang tinignan, ibig sabihin ay nakita niya, kung ganun ay..n-narinig din ba niya kami? "Pagka-labas ko sa elevator ay nakita kong umalis na kaagad yung kausap mo, tungkol saan ang pinagusapan niyo?" nanghuhuli ang kanyang tono, I knew it. Nasa kanya parin ang pagdududa at hindi niya ako pinagkakatiwalaan kahit pa ganun ang mga sinabi niya sakin noong nakaraang araw.

"Tungkol sa trabaho, workmate ko kasi siya cafe kaya tinatanong ko siya kung anong lagay doon. Hindi na kasi ako nakakapasok sa trabaho." mabuti na lamang nakapag-isip ako ng rason, hindi ko pwedeng sabihin na dahil sa project kasi mas lalong mabibisto niyang nagsisinungaling ako sakanya, ayaw na ayaw niya sa lahat ay yung naglilihim ako sakanaya ng katotohanan.

"Kung ganun ay ano yung binigay mo sakanaya? tungkol din ba sa trabaho yun Catleya?"

"Uniform yun na pinamimigay ng Manager namin"

"Bakit hindi pa niya ibigay ng diretso sakanaya? bakit kailangang ikaw pa ang personal na magbigay?" humigpit ang hawak ko sa kamay ko, hinuhuli talaga niya ako sa mga tanong niya

"E-eric hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan?"

Ngumiti siya at inakbayan ako kaya nanlaki ang aking mga mata, nakaharap kami mismo sa CCTV ngunit parang wala siyang pakealam at parang sinasadya pa niya.

"You're my wife, and I deserve to know everything about you." bago diretsong tumingin sa CCTV

Biglang nagbago ang emosyon ko at lumakas ang kabog ng puso ko, papaano ko yun nakaligtaan? bakit hindi ko ito naisip? oo at tinanggal na niya ang mga bodyguards ko at pinahinto na rin siya ang pagpapasunod sakin pero hindi talaga ako makakatakas mula sakanaya. Tinitigan ko ang CCTV at napagtantong mino-monitor niya ako gamit ito, lalo na at..pwede mong marinig ang mga usapan gamit ito.

Tinangka kong lumayo mula sakanya noong narealize ko ito pero malakas niya akong hinatak pabalik at mahigpit akong hinawakan sa balikat. "Kung wala kang tinatago ay hindi mo kailangang kabahan."

"Pero ang sabi mo sakin ay hindi mo na ito gagawin?"

"Pero wala rin akong sinabing hindi ako gagamit ng ibang paraan para mabantayan ka."

Napaawang ang labi ko at tinignan siyang nakangiti ngunit iba ang ibig sabihin ng kanyang mga ngiti. Parang bumalik na naman ang tinik saaking leeg nang marinig ko ang kanyang sinabi, nahirapan na naman akong huminga na para bang kinakapos ako sa hangin.

Isa kang sinungaling, I was a fool to believe you.

A Politician's ParamourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon