Busy akong nagseserve ng mga drinks sa mga customer kasi peak hour namin ngayon, dismissal na kasi ng mga estudyante sa kalapit na universities kaya dito sila dumidiretso para tumambay, bukod kasi sa budget-friendly yung prices ng café namin ay intagram-worthy pa ang ambience kaya talagang worth it puntahan. Tumingin ako sa full glass wall at nakita kong malapit nang dumilim, pero hindi muna ako makakauwi ng maaga kasi kailangan kong mag-overtime ngayon.
"Girl grabe ka magtrabaho ha, baka mamaya napapabayaan mo na pag-aaral mo niyan" tumabi sakin si Clarisse at nag-aalala akong tinignan habang tinutulungan akong ligpitin yung pinagkainan ng mga customers
"Hindi okay lang, nag-iipon kasi ako" nginitian ko siya
"Anong pinag-iipunan mo? bakit parang mangingibang-bansa ka yata?" biro niya at tumawa siya
Bigla akong nagseryoso, ang totoo niyan ay nag-iipon ako para makalayo sakanaya sa oras na grumaduate ako. Kung kailangan kong mangibang-bansa para lang hindi niya ako mahanap ay gagawin ko. Bahagya din akong nalungkot kasi naalala ko yung nawalang Latin Honors ko, sobrang nasasayangan talaga ako na kahit man lang sana Cum Laude ay ibinigay nila sakin, pero ang masakit ay ipinagkait pa.
"Joke lang ikaw naman" tumawa siya at umalis hawak-hawak ang tray sana na ililigpit ko
Nang umalis si Clarisse ay kinuha ko yung mop sa gilid para linisin yung sahig kasi medyo madumi na pero tumigil ako nang maramdaman kong mag-ring yung cellphone ko.
Nakita ko yung number niya at walang alinlangang sinagot ito kaagad.
"Hello?"
"Good evening ma'am, this is the manager of the bar where Sir is located right now. Mukhang kailangan na pong umuwi ni Sir Lorenzo, kanina pa po kasi siya umiinom. Kayo po yung tinawagan namin ma'am kasi number niyo yung nakalagay sa emergency list na ibinigay ni Sir."
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. "S-saang banda po yan?" tanging nasabi ko na lamang
"I-tetext na lamang po namin yung address ma'am"
"Sige po" pinatay ko na yung tawag
Bumuntong-hininga ako ng tahimik at tinanggal yung apron ko habang naglalakad papunta sa counter. Nakita ako ni Clarisse at nagtaka akong tinignan.
"Clarisse, sorry hindi ko pala magagawang i-close yung shop ngayon may emergency kasi ako kailangan ko nang umalis"
"Okay lang girl, ako na muna ngayon pero basta ha? ikaw na bukas?"
"Oo promise"
"Sige sige mag-ingat ka"
Kumaway kami sa isa't-isa habang naglalakad ako palabas ng pintuan. Paglabas ko sa café ay lumakas bigla yung buhos ng ulan kaya tinakbo ko nalang papunta sa highway, mabuti nalang at may dumaan na taxi. Habang nakasakay ay tinignan ko yung text message mula sa tumawag na manager at sinabi sa driver yung location.
"Nako ma'am balak niyo po bang uminom doon?" nagulat ako sa sinabi ni manong driver na matanda na
Umiling ako sa backseat at kaagad na tumanggi "Nako hindi po, may susunduin lang po ako"
Napatango siya "Ganun ba hija, yung lugar kasi na yun puro mga VIP ang laman. Sigurado akong makakatagpo ka ng maraming bigtime doon o di kaya ay mga foreigner na mayayaman"
"Wala po akong interes sa mga ganun"
"Mabuti naman kung ganun, pero sino bang susunduin mo?" tumingin siya sa front mirror
"Asaw--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko sa hindi malamang dahilan
"Pasensya ka na hija masyado yata akong maraming tanong" tumawa si manong at nag-focus na sa pagmamaneho
Hindi ko alam kung bakit basta na lamang yun ang muntikan nang lumabas sa bibig ko. Ni minsan hindi ko inaming asawa ko siya, sa kahit na sinuman, kasi sa labas ng bahay niya..isa pa akong dalaga, o sa ibang salita, single. Bigla kong naalala at nilabas yung singsing sa wallet ko at sinuot ito kasi baka makita niyang hindi ko ito suot at magalit siya. It took me an hour to arrive at the place, it was already dark. Habang papalapit sa entrance ay may isang crew na lumapit sakin base sa uniporme niyang naka kulay black na polo at logo ng kanilang bar.
"Ma'am please follow me this way po, dito po yung room ni Sir Lorenzo" magalang nitong sambit
Nagtaka ako kasi bakit hindi kami pumasok sa loob ng bar at sa halip at dumiretso sa may likod. Kahit madilim ay nakikita ko pa naman yung daanan kasi puno ito ng mga decorated lanterns sa labas, rinig na rinig ko yung malakas na tunog ng music ng DJ sa loob ng bar at nasisilip ko yung makulay na disco lights sa loob kahit madilim, maraming mga sumasayaw at nagiinuman sa gilid na mga table.
"L-lasing na lasing ba siya?"
Lumingon yung lalakeng crew at tumango "Yes po ma'am kaya kinakailangan po namin kayong tawagan." sagot nito
Natahimik ako habang sinusundan lang siyang maglakad. Umakyat kami sa rooftop kung saan wala akong nakikitang kahit na isang customer o crew, open space ito pero sapat ang ilaw dahil sa mga dekorasyong lantern, parang hindi bar ang dating ng mga design nila dito sa taas kumpara sa babang floor.
Hindi ko napansin na nawala bigla yung crew na kasama ko kanina dahil sa pagsusuri ko sa kabuoan ng building na ito. Tumingin ako sa paligid pero wala akong makitang kahit sino, saan ako pupunta? hindi ko alam kung naasang room siya..
I faced in front and suddenly saw him, nagtataka ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa kasi bakit parang hindi siya lasing kagaya nung sabi ng crew na yun? bakit parang mukha naman siyang okay?
"Eric? hindi ka ba lasing?" nagtatakang tanong ko
"Happy Monthsarry, my love."
Ngumiti siya at napatingin ako sa likuran niya kung saan may isang dinner table na punong-puno ng pagkain at nakaharap sa bulubunduking tanawin ng Baguio City na puno ng ilaw.
"E-eric.." gulat kong reaksyon, ibig sabihin ay hindi pala siya totoong lasing?
Hinayaan ko siyang lumapit sakin pero nanlaki ang aking mga mata noong iluhod niya ang isang tuhod niya sa sahig at tiningala ako.
Sinubukan ko siyang pigilan "Teyka lang ano bang ginagawa mo--"
He stopped my hand and opened a small red box in front of me "I am willing to make our relationship known in public, gusto kong ipagsigawan at ipaalam sa buong mundo na ikaw ang asawa ko Catleya." napaawang ang labi ko sa aking narinig nang kunin niya ang kamay ko at isuot ang isang singsing na may disenyong diyamante "Handa ulit kitang pakasalan sa simbahan sa harap ng Diyos, at sa mga pamilya at kaibigan nating dalawa, Catelya Ferrer-Lorenzo."
![](https://img.wattpad.com/cover/364227271-288-k747401.jpg)
BINABASA MO ANG
A Politician's Paramour
RomansaHe is a well-known politician from a prominent city, yet, bears a mysterious secret. Because he keeps a very important possession, his lady..his mistress. She's a normal-living college girl, trying to fulfill her dreams in a busy city. But no one tr...