21

326 4 0
                                    

Habang inaayos ang bag ko ay hindi ko napansing kumpleto na pala kami sa loob ng classroom, nasa harap na din si Johnrey bilang ang Student Governor namin.

"May contest na mangyayari next week--"

"Uyy ano yan?" reaksyon agad ng ilang mga kaklase ko

"Pageant ba gaya last year?"

"Teyka lang kasi" biglang naasar ang tono ni Johnrey at tumawa naman kami, hindi pa kasi nila siya pinapatapos magsalita "Makinig muna kayo ta ayaw ko ng paulit-ulit nakakastress! so ito na nga, yes tama pageant ang ganap natin ngayong taon and this time rush na lahat kasi kailangang magawa ang pageant na ito before graduation bale ito na ang last activity natin kung saan ay involved tayo. This time, department natin which is Psychology will be collaborating with the department of Architecture, tag-iisang kandidata ang pipiliin and napagdesisyonang babae saatin, while lalake naman sa kabila."

"Diba dapat Criminology ang partner natin kasi yun naman last year?" tanong nila, oo nga naman Criminology noong last at mula sa kabilang section yung naging kandidata

"Napunta daw sila sa Medtech. Anyways, this time galing na sa section natin ang candidate for the pageant, any suggestion kung sino or baka may makapal ang mukha na gustong mag volunteer diyan?" tumingin siya saaming lahat

Natahimik kaming lahat at mukhang nagiisip kung sino ang inonominate, tutal hindi naman ako kasali ay tinuloy ko nalang ang pagaayos sa gamit ko kasi quiz na sa next subject.

"Si Catleya na, tutal siya naman yung pinakamaganda dito. Matangkad na nga matalino pa" napatingin ako sa lalakeng kaklase ko na nag nominate sakin at kinindatan ako

Matagal nang nagbabalak manligaw sakin si Romnick kaso hindi ko siya pinapansin. Bukod kasi sa hindi nagseseryoso sa pagaaral ay mabisyo din ito, lagi silang nahuhuli ng mga kasama niyang umiinom sa rooftop ng school building namin kaya nakailang suspend siya, hindi ko alam bakit gragraduate siya sa ganung mga pinaggagawa niya.

"Okay Ms Ferrer, its final ikaw na whether you like it or not." seryosong sambit ni Johnrey

Itinaas ko ang kamay ko para magtanong "Pwede ko bang malaman kung sino yung kasama ko from Architecture Department?"

"Si Earl Masatoshi"

Narinig ko ang iba't-ibang reaksyon mula sa mga kaklase kong babae sabay tingin sakin, hindi na ako magtataka kung bakit ganun ang reaksyon nila. Pero sumilay ang ngiti sa labi ko nang malamang siya ang kasama ko, sadya bang pinaglalapit kami ng tadhana?

Nang makita ni Johnrey na pumasok na ang susunod naming instructor ay pumunta na siya sa kanyang upuan. Tinignan naman ako ng instructor at yung dalawang estudyante sa may pintuan namin.

"Ms Ferrer sisimulan niyo na raw ang practice niyo this day, therefore you're excused for this subject."

No wonder kung bakit may itsura si Earl, may lahi pala siyang Japanese, ngayon ko lang nalaman dahil sa apeliedo niya kasi kung titignan naman siya ay hindi siya ganun ka-singkit. Napagtanto kong sa department nila kami magprapractice kasi doon kami papunta ngayon kasama ang kanyang mga ka-department na mga nasa 3rd to 4th year.

"Pumunta ka nalang sa room A305 nandoon na si Earl, susunod nalang kami kasi need pa namin danaan yung susuotin ninyong costume para sa fitting kung kakasya sainyong dalawa."

"Sige po" magalang na sagot ko sa ate na pina-una ako

Dahan-dahan kong binuksan yung pintuan para walang marinig na tunog kasi nakita kong may katawag si Earl pero bigla kong inatras ang aking paa nang may marinig akong hindi inaasahan.

"I love you too babe, yes yes..ill fetch you later after class. okay, bye." pinatay na niya ang tawag kaya umatras ako kaagad

Sumandal ako sa pader, naiiyak ako ngayon, nararamdaman ko nang mamumuo ang mga luha sa mga mata ko pero im trying to stop myself. I admired him for a year, ganun katagal..tapos malalaman ko lang na may girlfriend na pala siya. Sa isang iglap ay nawala lahat ng excitement na naramdaman ko kanina, nasasaktan ako sobra, siya yung dahilan kung bakit maganang-magana ako pumasok araw-araw, laman siya ng search bar ko sa lahat ng social media apps, lagi ko siyang iniisip kaysa sa mismong asawa ko.

Inayos ko na ang sarili ko at pumasok na sa room kasi baka makahalata siyang sobrang tagal kong dumating. Pagkapasok ko ay lumingon siya at ngumiti ng kaunti kaya ganun din ang ginawa ko, nakaupo siya ngayon sa may harapan habang ako ay naghanap sa gitna. Sobrang naiilang ako sa ere na meron kami ngayon sa loob ng silid na 'to, kaso nang tignan ko siya ay parang wala siyang pakealam kasi nakaupo lang siya at may ginagawa sa cellphone niya na parang naka-chill lang.

"Umm.." lumingon siya sakin at sabay kami biglang nagsalita

Hindi ko alam ang gagawin nang magkatitigan kami "30 minutes na pala tayong naghihintay.." nahihiyang sambit ko at kinagat ang labi ko bago umiwas ng tingin

"Baka biglang dumating yung instructor nila, hindi kasi sila excused naghahanap lang sila ng vacant para turuan tayo" ito yung first time na marinig ko siyang magsalita sa tagalog, buong akala ko ay conyo siya pero hindi pala, maalam siyang mag-tagalog

"Ganun ba" nahihiyang response ko

Tinignan ko si Earl noong tumayo ito at pumunta sa may teacher's table kasi may keyboard piano dito na nakalapag, umupo siya at sinimulan itong tugtugin. Tinugtog niya yung kantang "Perfect" ni Ed Sheeran. Pinanood ko lang siya, pero ang tingin ko ay sakanya at hindi sa instrumento. Mas lalong lumalala ang pagtingin ko sakanya, bakit ganun? kahit na alam ko namang may girlfriend na siya.

"Marunong ka palang tumugtog ng piano" nakangiting komento ko nang matapos niya ang kanta

"Oo, self taught lang naman. It started nung 1st year ako"

Napatango na lamang ako sa kanyang sagot. "By the way, alam mo ba kung paano kumanta?" tinignan niya ako at sa oras na ito ay lumakas yung kabog ng puso ko, diretso niya akong tinitigan sa mga mata

"O-oo"

"Sabayan mo ito" then he started playing the tune

"Hearts beats fast, colors and promises" paunang linya ko habang nakatitig kay Earl na tumutugtog "How to be brave, how can I love when im afraid to fall. Watching you stand alone, all of my doubts..suddenly goes away somehow..one step closer~"

Nang bigla niya akong sabayang kumanta.

"I have died everyday waiting for you..darling don't be afraid I have loved you for a thousand years.." I stopped singing and listened for him to say the last line "I love you for a thousand more.."

Sa tingin ko ay hindi ko kayang magparaya, hindi ko pala siya kayang bitawan kahit pa may nagmamay-ari na sakanaya.

A Politician's ParamourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon