4

2.1K 22 0
                                        

"Yes sir, im fine" yumukod ako bilang respeto

"Im sorry if asked such awkward question, but I saw you earlier rushing and..crying" pinilit niya na huwag gawing offensive ang kanyang tono

Naka bulsa ang dalawang kamay niya sa itim niyang slacks. "Its okay Sir" i replied

"Okay then, kindly proceed to our room. We'll be having our lecture this first period"

Yumukod ako nauna nang naglakad, binilisan ko ang lakad ko papunta ng classroom. The whole hour wala ibang ginawa kundi ang nakinig kay Sir Fajardo habang ineexplain niya yung nasa powerpoint presentation.

While I was looking at him, I realized na he was good-looking, malakas ang dating niya, he's charismatic, tall, manly, bagay sakanya ang brown na polo. But he's 35 years old, and was already married.

"Catleya, pinapatawag ka sa office ni Sir Fajardo" tinawag ako ng isang classmate ko na nakaupo sa mesa

Tumayo ako at kinuha ang slingbag ko para dumiretso sa faculty room. Nasa ikalawang palapag ang office ni sir, medyo malayo sa classroom namin.

Nang makarating ako ay kumatok muna ako "Permission to enter, Sir"

"Permission granted."

Pumasok ako at isinara ang pinto. Mag-isa lamang niyang nandito sa faculty room na ito, since isa siyang head teacher. Maayos ang kanyang opisina, kaunti lamang ang gamit, pero maaliwalas kung tignan. Ang kanyang bintana sa likuran ay natatanaw ang entrance ng university.

"Please take a sit"

Nang umupo ako sa harap ng desk niya ay inilabas niya ang isang document. Inabot ito sakin kaya binasa ko ng tahimik. Nagulat ako nang makitang may dalawa akong tres sa grading sheet. Kaagad kong tinignan si sir at mahigpit na napahawak sa strap ng bag ko.

"What happened to you Ms Ferrer? alam mo naman sigurong isa kang scholar diba?" mahinahong tanong niya

Halos hindi ako makasagot. "Matatanggal ka as a Dean's Lister at hindi ka makakahabol sa Latin Honors kapag hindi mo ito maaayos. Parehong major subject ang bumaba, worse, bumagsak. You're an outstanding and hardworking student, now, may I ask, is there something bothering you?"

"Working student po kasi ako Sir, and..there are times na absent ako sa dalawang subjects kapag sinabihan ako ng supervisor kong mag overtime o di kaya ay pumasok ng maaga sa trabaho."

"So you prioritized your work more than your studies?"

"No Sir" sumagot ako kaagad at napatungo

"Anong gusto mong gawin natin ngayon para maayos ito, Ms Ferrer?" kalmadomg tanong niya habang nakatingin sakin

Kinagat ko ang labi ko dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ako pwedeng bumagsak, at kailangan kong mag remain as a Dean's Lister, hindi rin ako pwedeng matanggal as a candidate for Latin Honors. I-i cant f-fail..

"Pwede po akong mag stay every dismissal for remedial activities, i am more than willing to accept any project from my instructors."

Mag-tiis ka Catleya, malapit ka nang magtapos sa pag-aaral.

Bumuntong hininga si Sir at sumandal sa kanyang upuan habang naka-krus ang dalawang braso. Napatango-tango siya.

"Alright then, Ill try to help you by providing a note with my signature once na kausapin mo sila."

"Thank you so much, Sir" yumukod ako sakanya

Tulala akong lumabas mula sa faculty room. Everything is in chaos, this day is a total mess for me. Hindi sang-ayon ang araw na ito para sakin. Maganda ang panahon ngayon kaya nasa labas ng building ang mga estudyante, may ibang naka tambay sa labas, naglalaro ng baskteball sa court, at naglalakad sa tabi-tabi. Maaga ang dismissal ko ngayon, at didiretso ako sa trabaho.

Pagkarating ko sa resto ay nagpalit kaagad ako ng uniform. Hindi pa lunch break kaya kaunti pa lamang ang mga tao, pero once na nag alas-dose, dadami na ang mga customers. Una akong nag-hugas ng mga plato sa kusina, nilinisan ang mga stove, oven at refrigerator bago ako lumabas ng kusina at nag-mop ng sahig. Hindi ko nakitang may taong papalabas pala ng cr kaya nabangga niya ang stick ng mop. Kaagad akong humingi ng pasensya.

"Cat, okay ka lang? para kang absent minded today" nakita pala ng supervisor ko ang nangyari

"Pasensya na po ma'am" agad akong humingi ng tawad

Napatingin ulit ako sa hallway ng cr nang may pumasok na alaala sa aking isipan.

Naalala ko bandang April yun this year. Maganda ang sikat ng araw noong panahong iyon, madaming mga customer na kumakain dito sa rest, Sabado yun. Kakalabas ko lang mula sa kusina para umihi, pagkatapos nun ay lumabas na ako ng may bigla akong nabanggang isang matangkad na lalake.

Kaagad niya akong inalalayan para hindi ako matumba sa pamamagitan ng paghawak sa beywang ko. Napatingin ako sakanya at nagulat, kaagad akong lumayo at yumuko. Maputi, singkit, at naka eye glass siya, halatang may lahi siyang chinese.

"Im so sorry, Sir. It was my mistake, hindi ko po kayo nakita"

"Its okay, no need to say sorry" parang ayos lamang sakanya ang nangyari

Linagpasan ko siya at naglakad pero hindi pa man ako nakakalayo ng lubusan ay nagsalita ulit siya kaya lumingon ako.

"May I know your name?"

Doon nagsimula ang lahat.

Noong mga panahong iyon ay hindi ko pa siya kilala, hindi ko pa alam ang kanyang katauhan, at tunay na ugali.

A mistake that turned my life this way.

Bumalik ako sa trabaho at tinapos lahat ng kailangan kong tapusin. Lumabas ako nang utusan akong ilabas yung basura kaya ginawa ko. Sinegregate ko lahat, mula sa nabubulok at hindi nabubulok.

Habang hinuhugasan ko ang kamay ko ay lumapit sakin ang isang ka-work mate ko habang inaabot ang cellphone ko.

"Kanina pa may tumatawag sayo nung nasa labas ka. Walang pangalan, hindi yata naka save ang number"

"Thank you" kinuha ko ang phone ko at tiniganan kung sino ang tumatawag

Napaawang ang labi ko nang makitang naka 5 calls na siya at puro missed call lahat. Kumabog ang puso ko, hinintay ko ulit ang isa pang tawag at kaagad itong sinagot ng walang alinlangan.

"H-hello? im sorry.." napa-pikit ako ng mga mata

[Nasan ka?]

[Nasa..nasa school.] hindi niya pwedeng malaman na may part time job ako [Bakit ka napatawag?]

[Cause I need to know kung anong ginagawa ng ASAWA KO. Kung nag-aaral ba siya ng mabuti o..may iba na siyang ginagawa.]

[A-anong ibig mong sabihin?]

[Lumabas ka, ill be waiting for you in 2 minutes]

Nanlaki ang aking mga mata at kaagad na tumakbo palabas ng resto. Hinanap ng aking mga mata ang pamilyar sa modelo ng sasakyan na lagi niyang gamit ngunti wala akong makita sa paligid, puro mga sasakyang dumadaan ang nakikita ko.

Napatingin ako sa gilid nang may marinig akong busina ng sasakyan. Kulay itim ito na Mercedes Benz.

Nahuli niya ako, nalaman niyang nagtratrabaho ako.

A Politician's ParamourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon