Umupo ako sa tabi ng kama nang umiyak habang naka-takip sa bibig ko.
Hindi ko na talaga kaya..
Ikakamatay ko kapag nanatili pa ako dito.
Tumayo ako at hinalughog ang isang box kung nasaan nakalagay lahat ng mga bag ko hanggang sa nahanap ko ang isang itim na travelling bag. Biglaan kong binuksan ang zipper nito habang bitbit papunta sa drawer ko kwarto. Inilagay ko lahat ng mga damit ko at ibinato sa sahig ang mga hanger na kinalalagyan nito, pagkatapos ay pumunta din ako sa bathroom para kunin ang mga toothbrush at sabon ko. Kinuha ko na din lahat ng mga gamit ko sa lamesa kagaya ng charger at pera..nang tumama ang mga mata ko sa susi ng SUV ay hindi na ako nagdalawang isip na kunin ito.
Isinukbit ko ang itim na bag sa katawan ko at binuksan ang pintuan. Naglakad ako palabas ngunit napasinghap ako nang may biglang humila sa katawan ko at niyakap ako sa likuran. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa aking tiyan habang ang kanyang ulo ay nasaaking leeg.
Inapakan ko ang kanyang paa na dahilan para kumalas siya mula sakin. Tumakbo ako pababa ng hagdan habang ang puso ko ay sobrang lakas ng kabog na para pang sasabig ito dahil sa kaba na baka mahuli niya ako, at takot na kapag naabutan niya ako ay hindi na ako magkakaroon pa ng chansang makita ang liwanag sa labas. Umiiyak ako habang sumisigaw dahil naririnig kong nakasunod siya saakin mula sa likod.
"Tulong!" sumigaw ako nang papalapit na ako sa malaking pintuan
Pero nahablot niya ang itim kong bag na dahilan para sumama ang katawan ko. Sinampal ko siya at itinulak ng malakas bago muling nagtangkang buksan ang pinto pero bago ko pa mahawakan ang door knob ay natumba ako dahil sa lakas ng pagtulak niya saakin
Umatras ako habang nanatiling nakaupo sa sahig. Nangangatal ang buong katawan ko, ang mga kamay ko ay hindi ko na maramdaman dahil sa panginginig. Naghihintay ako ng tamang oras para makatayo at makatakbo papunta sa pintuan, hinihintay ko lamang siyang mas makalapit.
Pero napasigaw ako nang umupo siya at hinawakan ang dalawang braso ko ng mahigpit.
"Bitawan mo akong hayop ka!" sigaw ko sa harap ng pagmumukha niya
"Natuto ka nang sigawan ako Catelya" pwersahan niyang ibinaba ang mga braso ko
Umiyak ako nagmakaawa sakanya, nanghina ako at nagpadala sa mahigpit niyang pagkakahawak saakin. Tumungo ako bago tumingin sa mga mata niya.
"Nakikiusap ako Eric, palayain mo na ako. Maghiwalay na tayo"
"Hintayin mo munang mamatay ako" seryosong sambit niya kaya napa-pikit ako, nang bigla siyang tumawa kaya natigilan ako at sumigaw dahil sa kawalan ng pag-asa at galit.
Nakaharap ako ngayon sa isang baliw.
Sinipa ko ang kanyang pagkalalake kaya napasigaw siya. Kinuha ko na ang pagkakataong ito para pumunta sa pintuan, ngunit bigla akong napasigaw nang tumama ang isang bala ng baril at lumusot sa malaking kahoy na pintuan. Napatakip ako sa bibig ko at takot siyang tinignan na ngayon ay nakatutok ang baril diretso saakin.
Umiling ako.
Mabilis siyang lumapit sakin bago ibinaba ang baril, hinila niya ang mahabang buhok ko at pwersahan akong dinala sa kusina at Itinapon niya lahat ng gamit sa malawak na itim na lamesa bago ako ipinahiga. Ihinampas niya ang kanyang kamay rito at galit akong tinignan.
"T*angina Catleya!" sigaw niya at itinutok sa kanyang ulo ang baril
Nakaibabaw siya saakin na dahilan para hindi ako makahinga ng maayos. Ang tanging magagawa ko nalang sa ngayon ay ang maghintay kung anong klaseng kapalaran ang ibibigay saakin ni Eric. Ngayon ko napagtantong..hawak niya mismo ang buhay ko..maging ang hininga ko.
"Bakit mo ako iiwan? hindi ba sapat sayo lahat ng mga isinakripisyo ko?" nang ikasa niya ang pistol ay parang nagalaw rin ang aking buong kaluluwa "Sabihin mo sakin kung anong gusto mong gawin ko para lang makontento kang manatili sa tabi ko." hinawakan niya ang kaliwang balikat ko
"Natatakot na ako sayo Eric" tahimik akong humikbi
Hinalikan niya ang ibaba ng teynga ko na parang isang gutom na hayop. Parang pumapantig ang buong katawan ko sa kanyang ginagawa.
"Alam mo ba kung anong kaya kong gawin sayo?" mahina siyang nagsalita
"P-pasayahin ako" napapikit na lamang ako
Napasinghap ako sa hangin nang kumalas siya mula sakin at tumayo, inilagay niya yung baril sa lababo at inayos ang suot niyang black na polo shirt bago naghugas ng mga kamay. Tumayo ako at dahan-dahang naglakad paalis, patungo sa pintuan.
"Papayagan lamang kitang umalis sa oras na ibigay mo sakin ang iyong sarili."
Tumigil ako sa tabi ng lamesa habang nakahawak ang isang kamay rito bilang sporta. Ang tangi ko lamang naririnig ay ang agos ng tubig mula sa faucet hanggang sa mawala ito.
Dalawang kaisipan ang nasa isip ko ngayon. Nagkaroon ako ng pagasa nang marinig ko mula sa kanyang bibig ang sabihin pakakawalan niya ako, ibig sabihin ay...mag pagasa pa pala akong makaalis mula sa masalinoot na panaginip na ito, at ikalawa..ay ang hinihingi niyang kapalit.
Madilim sa loob ng bahay, ang ilaw na nanggagaling sa post lights sa labas mula sa bintana ang siyang nagsisilbing liwanag. Nilingon ko siya at nakitang wala na siya sa kusina at nasa guest room na narito sa unang palapag.
Matagal kong tinitigan ang pintuang nakasarado nang hindi namamalayang naglalakad na pala ako patungo dito.
Nang buksan ko ito ay madilim at tahimik na silid ang bumungad sakin, nasa harapan ko ang malawak na kama at naroon siya, nakahiga.
"Huwag mo akong pwinepwersa, dahil sa oras na hindi ako makapagtimpi ay alam mo na kung anong mangyayari--"
Tumigil siya sa pagsasalita noong tanggalin ko ang cardigan ko at nagpakita ang aking braso. Sunod kong tinanggal ay ang itim kong sando, kitang-kita niya na ngayon ang aking pang-itaas na katawan. Nakatingin ako sakanya habang inaalis ang butones ng suot kong pantalon na dumausdos mula sa balat ko, hanggang sa pati ang pang-ibabang tela ay aking tinanggal.
Bigla siyang tumayo at hinalikan ako, natulak ako ng malakas sa pader habang siya ay gutom na gutom saaking labi.
Bukas ng umaga ay wala na ako dito.

BINABASA MO ANG
A Politician's Paramour
Roman d'amourHe is a well-known politician from a prominent city, yet, bears a mysterious secret. Because he keeps a very important possession, his lady..his mistress. She's a normal-living college girl, trying to fulfill her dreams in a busy city. But no one tr...