Napahawak ako sa grab handle ng sasakyan dahil sa bilis niyang magmaneho. Nago-over speed siya pero parang wala siyang pakealam sa paligid, kasalukuyan naming binabaybay ang Kennon Road. Sobrang layo ng pinadpad naming dalawa mula sa pinagtratrabuhan ko, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, wala akong lakas ng loob na magsalita. Halos hindi ako makahinga dahil sa lakas ng hangin na sumasalubong saaking mukha sapagkat nakabukas ang bintana, maging ang pagsara nito ay takot akong gawin.
Inatras niya ang kambyo habang ang isang kamay niya ay kinocontrol ang manibela. Seryoso siyang nagmamaneho habang ang isang kamay ay nakapatong na sa pinto ng kotse. Sa kabilang banda ng aking isipan ay ang pagtataka kung bakit hindi siya nagtrabaho ngayon at sa halip ay narito, kasama ko. Itim na tshirt ang suot niya at naka shades siya ng kulay itim rin, biglang bumalik sakin ulit ang mga alaalang naisip ko kanina, dahil rin ang mismong suot niya noong una kaming nagkita.
Halos mawalan ako ng hininga noong may makasalubong kaming sasakyan na sobrang bilis din ang takbo sa sharp curve, muntikan na kaming magbangaan. Tinignan ko siya na umilag lamang at patuloy sa pagmamaneho na para bang walang buhay na mawawala sa oras na maaksidente kami. Zigzag ang roadway na lalong nagpapalakas sa nerbyos ko, sapagkat hindi mo makikita kung may paparating bang sasakyan o wala, at ang mas malala, bangin ang aming kakahulugan sa oras na ma-mali siya ng kontrol.
"Nago-over speeding ka" mahinang sambit ko habang mahigpit na nakahawak sa grab handle sa itaas
Pero hindi niya ako pinansin at patuloy lamang sa pagdri-drive. Huminga ako ng malalim at pumikit na lamang sa bawat sharp curve na tinatahak namin.
Nakarating kami sa gilid ng kalsada na kung saan isa itong parte na parang maliit na parking lot, ngunit wala itong harang, at kapag nasobrahan ka sa abante ay sa ibaba ng natarik na bangin ang bagsak mo. Walang kahit na anumang sasakyang nakaparada rito ngayon, pati mga kotseng dumadaan ay madalang rin.
Ihininto niya ang sasakyan sa posisyong nakaharap ito sa bangin, nagtaka ako ngunit hindi na ako nagsalita, hindi ko mawari kung ano ang nasa isip niya ngayon. Hindi niya pinatay ang makina ng sasakyan, itinigil niya lamang ito.
"Kailan ka pa nagsimulang maglihim at magsinungaling sakin?"
Sobrang lakas ng kabog ng puso ko kaya napahawak ako sa dibdib ko para pigilan ito.
Napasigaw ako at napaatras sa upuan nang bigla niyang kalampagin ang harapan ng sasakyan at tumingin sakin.
"Ganun nalang ba kalala ang takot mo sakin na pati ang kausapin ako ay nanginginig ka?"
Bigla niyang inagaw ang kamay kong nakahawak sa dibdib ko kaya umiling ako ng paulit-ulit. Tinignan niya ang kamay kong nanginginig kaya ikinuyom ko ito para hindi lumala. Napangisi siya at hinatak ako papalapit, inilagay niya ang aking kamay sa kanyang kanang dibdib.
"Cant you feel it?" pinilit kong agawin pabalik ang kamay ko pero mas idiniin niya ito "My heart only beats for you." sa sobrang higpit ng hawak niya ay parang mababali ang mga buto ko
Binitawan niya ang kamay ko at humawak sa manibela. Iniba niya ang posisyon ng kambyo at diretsong tumingin sa harapan.
"Do you love me?" seryoso niyang tanong
Napaawang ang labi ko at kumunot ang aking noo. Hindi ko siya maintindihan. Pinindot niya ang automatic control at naglock ang mga pinto ng sasakyan, pati ang bintana ay automatic na nagsara.
Bigla kong na-realize ang kanyang ibig sabihin noong i-andad niya pa-abante ang kotse. Nakaramdam ako ng panic at umatras sa upuan ko habang dahan-dahang gumagalaw ang mga gulong ng sasakyan.
"I am willing to die with you by my side."
"Eric, nababaliw ka na!" hindi ko napigilan ang emosyon ko at sinigawan siya habang umiiyak
Kaunting distansya nalang at tuluyan na kaming mahuhulog sa ibaba. Humagulgol ako at tinakpan ang mga mata ko.
"Eric pakiusap!" hinawakan ko ang braso niya habang nagiging emosyonal
"Im sorry, my love."
"Mahal kita Eric!"
Nang tumigil ang makina ay tumigil ako sa pagiyak at nanghina ang katawan, bumagsak na lamang ang aking ulo sa kanyang balikat.
"I l-love you.."
Tinakpan ko ang bibig ko at humikbi. Hindi siya gumalaw at hinayaan lamang ako sa ganoong posisyon.
"Nasan ang singsing mo?"
Iniangat ko ang ulo ko at tinignan siya. Nasa labas ang kanyang mga mata.
"Isusuot ko na! i-susuot ko na.." nagpa-panic kong hinanap sa bulsa ko ang wallet ko, nanginginig ang kamay kong binuksan ito at mabilis na isinuot ang singsing
Nang maisuot ko ito ay para akong nakawala sa isang taling nakapalibot sa leeg ko. Pakiramdam ko ay may sumasakal sakin na hindi ko makita. Napatakip ako saaking bibig para pigilan ang hikbi ko.
"You know what" nagsalita siya kaya tinignan ko siya "I love you more than the air that I breathe." tumingin ako sa labas ng bintana at napakagat sa labi ko "I can even kill someone just for you."
Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinagot siya "Its not love Eric, this is not love!" sumigaw ako sa harapan niya
Tumawa siya at galit na hinampas ang manibela ng sasakyan na naging dahilan para bumusina ito.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa ko para sayo? I did everything to make you mine and to make you happy!" tinaasan niya ako ng boses
"Hindi ako masaya! yun ba ang gusto mong marinig ha?"
"Anong gusto mong gawin ko Catelya? ang pumatay ng tao para lang makita mo kung gaano ka kahalaga sakin?"
Napahawak ako sa ulo ko habang umiiyak, pumikit na lamang ako at inilabas ang naipong emosyon ko.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa sitwasyon ito.
Lumapit siya sakin at hinawakan ang ulo ko bago ako siniil ng halik. Nanatili akong nakapikit habang hinahalikan niya ako.
This life..is tormenting me.
Hinayaan ko na lamang ang mga luhang umagos mula saaking mga mata.

BINABASA MO ANG
A Politician's Paramour
RomanceHe is a well-known politician from a prominent city, yet, bears a mysterious secret. Because he keeps a very important possession, his lady..his mistress. She's a normal-living college girl, trying to fulfill her dreams in a busy city. But no one tr...