"Bear this in mind, birds are meant to fly and soar up high."
Tumunog na ang elevator at bumukas na ang pinto nito. Biglang ngumiti si Sir Fajardo at nauna nang lumabas babang naka-pamulsa ang mga kamay. Nagsara ang pinto at idiniretso ako nito sa third floor.
Pero noong aktong tatapak na ako sa pasilyo ng ikatlong palapag ay nag-alangan ako at napatingin sa classroom ko sa dulo. Alam kong kapag papasok pa ako ay pagtitinginan ako at papagalitan ako dahil isang oras na akong late. Inatras ko ang paa ko at napagdesisyonang pumunta nalang sa trabaho at doon magpalipas ng araw.
"Ang aga mo yata ngayon Catleya?" tanong ng isang ka-workmate ko, si Clarisse na nagpupunas ng mga vacant table
Isinuot ko ang brown na apron at itinali ang buhok ko "Wala kaming pasok ngayon" ngumiti ako at nagsinungaling
"By the way girl, tumingin ka sa gilid" nakangiting sambit ni Clarisse at sumulyap sa gilid
"H-ha?" takang tanong ko
Lumapit siya sakin at hinampas ako ng kaunti sa braso "Ano ka ba day! andiyan yung crush mo na Architecture Student" bulong niya
Kaagad na hinanap ng mga mata ko ang lalakeng tinutukoy niya nang makita ko na rin siya sa wakas. Bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan nang masulyapan ko siya. Tahimik at mag-isa lang siyang nagsusulat sa gilid na table habang naka-headphones. Sinisinagan siya ng araw ngunit wala siyang pakealam at naka-focus lang sa pag-aaral. Katabi niya rin ang backdoor kaya marahang hinahangin ang kulay-tsokolateng buhok nito, seryoso ang kanyang ekspresyon, ano kaya ang kanyang sinusulat? nahihirapan kaya siya? mukha siyang suplado sa totoo lang ngunit may kakaiba talaga sakanya na nagpapa-saya sa puso ko tuwing nakikita ko siya.
Habang nasa cashier ako ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na tignan siya sa kung saan siya nakaupo. Mabuti nalang at kitang-kita ko siya mula rito. Bagay na bagay niya ang suot niyang makapal na kulay green na hoodie at baggy jeans na pantalon. Mabuti siya at mukhang chinito, hindi ko alam kung may lahi ba siya o wala.
"Cute siya noh?"
"Oo--a-ano?" nagulat ako at hinarap si Clarisse na tumatawa sa likuran ko habang may hawak-hawak na itim na tray
"Ipunta mo 'tong order niya sa table niya teh" binigay niya ang tray sakin
Sumaludo muna siya bago naglakad paalis. Humigpit ang hawak ko sa tray at tumingin sa direksyon niya. Kinakabahan ako. Maingat akong naglakad para hindi matapon ang order niyang isang mint chocolate frappé, pansin ko na laging ito ang inoorder niya sa tuwing pumupunta siya dito sa café.
Nang makalapit ako sa table niya ay hindi ako nagsalita dahil inunahan ako bigla ng kaba at hiya, maingat kong inilapag ang drink niya sa mesa niya habang nanginginig ang kamay ko pero sa tingin ko ay hindi niya ito napansin kasi naka-focus siya sa ginagawa niya at parang hindi pa ata niya ako napansin. Naglakad na ako paalis at sinulyapan muna siya sa huling beses.
"Miss..?"
Bigla akong tumigil sa paglalakad at na-estatwa sa kinatatayuan ako, dahan-dahan akong lumingon nang magtama ang aming mga mata kaya humigpit ang hawak ko sa tray. Nakayuko akong lumapit sakanya.
"Im sorry but could you please pack this for a take out order?"
Nagsabi siya ng "sorry" kahit pa wala siyang kasalanan, magalang din siya magsalita ngunit seryoso ang kanyang tono. Lalo akong nahuhulog sakanya.
"No problem, Sir" umalis kaagad ako at kumuha ng pang-pack sa kanyang order for take-out
Nang makabalik ako sa mesa niya ay nililigpit na niya ang laptop at notebook na ginamit niya. Maingat kong inayos ang order niyang inumin para hindi ito matapon kung sakaling bitbitin niya pabalik sa school. Nang makita kong isinukbit na niya ang gray niyang bagpack ay mabilis kong iniabot ang order niya.
"Thank you" inabot niya ito nang magdikit ang aming mga daliri
Ngunit nagulat ako nang may biglang kumuha sa hawak niyang drink at biglaang ibuhos saakin. Napaatras ako at nakita kong napatayo ang ilang mga costumer na nakakita, biglang tumakbo si Clarisse sa tabi ko at nag-aalalang sinuri ako.
"What the heck, Ellie?!" galit na tanong nung lalakeng kausap ko sa babaeng may gawa nito sakin, kung tutuosin ay hindi ko pa pala alam ang kanyang pangalan
"You shameless freak! how dare you break up with me just for this cheap cafe waitress?!" galit na sambit ng babae sakanya habang nakaturo sakin
"What are you talking about? we were never in a relationship! you're being delusional!"
"Ako pa ang delusional? shame on you jerk!"
Tinignan ako ng lalake at napatingin din siya sa damit ko na basang-basa. Lumapit ito sakin at yumukod kaya nagulat ako "Im really sorry for this mess"
Ngunit bago pa ako magsalita ay hinila niya sa braso ang babaeng nageskandalo na masama ang tingin sakin palabas mula dito. Tinignan ko ang sarili ko na basang-basa at nanlalagkit.
"Girl halika na maligo ka muna sa cr habang wala pang peak hour" sambit ni Clarisse
Naligo ako sa cr ng cafe dahil hindi ako pwedeng umuwi ng ganito ang lagay. Nang magpapalit na ako ay naalala kong basa nga pala ang t-shirt kong puti, ngunit no choice ako kasi wala na akong ibang susuotin na damit, bibili nalang ako sa tabi kung sakaling may makita akong mura na ukayan.
Paglabas ko sa cr ay nagulat ako nang makita ko siyang nakasandal sa pader at mukhang may hinihintay ngunit ngayon ay nakasuot na lamang siya ng white na t-shirt. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil hindi pa ako gumagalaw mula sa kinatatayuan ko. Ako ba ang unang kakausap sakanya? kung ganun ay anong sasabihin ko? o lalagpasan ko nalang siya?
Napansin niyang nakatayo na ako sa labas pagkalabas ko ng cr kaya umayos siya ng tayo at lumapit sakin. Napalunok ako nang iniabot niya ang green niyang hoodie saakin kaya tinitigan ko ito.
"Please change and wear this, it might not be enough of a compensation for the mess awhile ago but--"
"N-no! its fine!" kaagad kong sagot at medyo nagulat siya, maging ako ay nagulat din sa sinabi ko "I mean..you dont have to" nahihiya at mahinang sambit ko
"Please accept this and in that way I would feel better. Think of it as doing me a favor."
Kinuha na ito ng mga kamay ko at mahigpit na hinawakan. Naglakad na siya ngunit hindi ko na napigilan ang sariling tawagin siya kaya naman lumingon ito.
"May I know your name? so that i c-could thank you?"
"You dont have to, it my fault anyways." simpleng sagot niya kaya tumango ako kahit pa gusto ko talaga sanang malaman kahit pangalan man lang niya "Earl." kaswal nitong sagot "My name is Earl."

BINABASA MO ANG
A Politician's Paramour
RomanceHe is a well-known politician from a prominent city, yet, bears a mysterious secret. Because he keeps a very important possession, his lady..his mistress. She's a normal-living college girl, trying to fulfill her dreams in a busy city. But no one tr...