Nathan's P.O.V
"Matthew!! kwento ka pa!" Pamimilit ni Gabriano kay Matthew wala pa kasing teacher kaya ayon ang mga abnoy lumipat muna dito saamin nakatanga ako ngayon iniisip ko pa rin yung sinabi saamin ni Matthew na hindi pala sila totoong magkarelasyon fake girlfriend lang ni Matthew si Zahaira dahil meron silang pagseselosan at mukhang alam ko na kung sino..
"Shut up! okay na yung kinwento ko wag kang mamilipit because I will punch you!" Naiinis na sabi ni Matthew at saka tumingin sa kung saan, napailing na lang ako hindi pa rin siya nagbabago siya pa rin talaga yung Matthew na nakilala ko.
Kung nagtataka kayo.... classmate ko
si Matthew ng junior actually mag-
kaibigan talaga kami o mas tamang
sabihin na besfriend. Nung lumipat
siya nagpumilit rin ako sa magulang
ko na ilipat ako kung saan ililipat si
Matthew pero nung malaman kung
sa ibang bansa siya mag-aaral ---syempre umatras ako lintik na yan
sa ibang bansa ba naman.Sabay kaming napalingon sa pintuan
ng bumukas yon, iniluwa non ay si
Zahaira na walang emosyon ang mukha. Mukhang may malalim na iniisip napansin ko din na marami siyang pasa sa mukha hindi katulad ng nakita ko kahapon, may benda na rin ang kanyang wrist. Kumuha siya ng earphones at isinalpak sa tainga niya, sa ganong paraan napagmasdan ko ang mukha niya kahit nasa dulo pa kami.Nakabukas ang bintana malapit
sakanya kaya sa t'wing papasok ang
hangin sa loob ay lumilipad ang buhok niya. Napasandal ako sa upuan ko nagcross-arms at sinamantala ko ang pagmasdan ang kanyang mukha, mas lalo ko pang nakita ang mukha niya ng masinagan siya ng araw mukhang hindi naman siya nasasaktan sa liwanag dahil nakapikit ito at siguro nakakapag-relax
siya sa ganyang bagay.Brown ang buhok niya at abot bewang ang haba nito bakit ko alam? kasi hindi naman niya tinatali ang buhok niya tulad na lang ngayon na nakalugay nanaman. Hindi makapal ang pilik mata niya at kilay niya bagay na nagustuhan ko---i mean namin....ng mga abnoy na to, sila chad basta mga classmate namin. Maputi siya hindi naman sobrang puti medyo lang matangos ang ilong niya at manipis rin ang pink niyang labi, sa tingin ko ay hindi siya gumagamit ng pampapulang bagay sa labi. Sadyang pink ang labi niya at hindi na kailangan pang maglagay ng kung ano-ano.
Pumasok na ang unang teacher namin
si Sir Alvarez, nag attendance muna
ito at saka niya sinumulan ang lesson
nag- focus naman ako, sinusulat ko
ang nakasulat sa whiteboard at minsan pag alam ko ay nagrerecite din ako pero ang naglalaban talaga sa recitation ay si Reishary at Keziah, ginagalingan nila masyado.Pagkatapos ni Sir Alvarez ay sunod
non ay si Sir Cruz, lumabas na kaming
lahat dahil kailangan daw namin pumunta sa gymnasium para sa P.E,
halos sabay kami ng mga abnoy pati
na rin si Matthew na pumunta sa locker, nagpalit lang kami sa cr and dumeretso na sa gymnasium, pagpasok namin nag-lalaro na ng volleyball ang Section D, kaya naman umupo muna kami para manood may sarili naman kaming bola pero mas okay na daw sabi ni Sir kung
hihiram na lang, hindi naman kami
tumutol dahil alam naming mababait
ang Section D, halos wala nga silang
kinakaharap na away.Napatingin ako sa entrance ng gym
pumasok na si Reishary, Keziah
Richelle at Emma at ang huli non
ay si Zahaira na mukhang wala sa
mood dahil hindi ko pa siya nakikitang ngumiti, ni hindi nga siya nag recite kanina. Umupo sa unahan ang mga babae habang kami ay naupo sa likod. Natapos na ang Section D kaya naman tumayo na kaming lahat."Hairaaaa!!" Nangibabaw sa loob ng
gymnasium ang boses ng babae kung
hindi ako nagkakamali ay ito ay si Kristell ang president ng Section D,
patakbo siyang lumapit sa gawi ni
Zahaira. "Mag kwento ka naman" Dinig kong sabi ni KristellNauna muna ang first row at Second
row sila muna ang mag-lalaro, ganito
kasi ang sinabi ni sir para hindi mag
kalituhan, mauuna muna yung mga
nakaupo sa unahan at pangalawang
nakaupo.
YOU ARE READING
PART 1: Stay With Me (ON-GOING)
ActionDumalo ka sa en grandeng' selebrasyon at may nakilala kang lalaki na hindi mo inaasahan na sasabihin niya sayo... Ang sabihin saiyo na maging (Fake girlfriend niya) Papayag ka ba? [Stay With Me 1] (ON-GOING)