CHAPTER 24-1 (Alex's Side...)

23 0 0
                                    

(PART 1)


(THURSDAY... FRANCIS...)


Tatlong araw na din ang nakalipas mula nang makita namin si Raph na bugbog-sarado sa likod ng school. Tatlong araw na din mula nang naging kami ni Jamille Lenon. Finally, napa-oo ko na din sya.. kaso ang weird lang, kasi hatinggabi nang mangyari yun... hihihi.



Simula nung Tuesday, hindi na kami nagtutor sa Math Lab at dun ko na lang sa bahay tinutor si Jam. Mamaya mapahamak pa sya ng dahil sa Death Group na yan.. Isa pa, tuwing makalawa na lang din kami nag-aaral dahil sa wakas, ay nai-pasa na nya yung latest exam nila kay Ma'am Hernandez...


(Flashback! - After ng test nila)


"Weirdooooo! AHHHH!" Sigaw nya habang papalapit sya sa'ken.


"Oh? Ano na naman problema ng Sassyface ko?? Hahaha..."


"I passed! I passed!!" Sigaw nya sabay akap sa'kin.. "And it's all because of you. Tinuruan mo kong mabuti eh.."


"Huh... tinuruan palang mabuti... Eh nagsabunutan pa nga tayo nun eh..."


"Si Laby ko naman eh... Thanks talaga ha?"


(CHUUP)


"Ang sweat, este sweet mo ngayon ah." Sabi ko pagkakiss nya sa'kin. "Anong nakain mo?"


"Ayaw mo? Bawiin ko na?"


"Huh?! Ayoko nga. Binigay mo na eh! Akin na to hihihi.."


"You're so weirdo talaga... love you! -__-"


"Love you ka den.. hihihi.."


(End Flashback!)


Buti na lang din at mukhang umo-okay na ang lahat. Nung huli naming binisita si Raph, lagi pa rin syang tulog pero bumubuti na talaga ang kalagayan nya.


"Ingat kayo ni Khaela ha? Oy Khaela ingatan mo yang girlpren ko. Isa lang yan! Hahaha"


"Don't worry I will!"


Nagpaalam na silang dalawa sa'kin para umalis papunta kay Raph. Sa kasamaang palad, di pa ko pwedeng umalis ng University dahil may dalawang klase pa ko. Ngayon tsaka mamayang hapon kay Ma'am Hernandez. Samantalang si Khaela at yung girlpren ko eh bakante na sa buong araw.. Gusto pang sumama sa'kin ni Jam sa klase ko pero buti na lang, nag-aya na si Khaela para dalawin si Raph sa hospital.


"I LOVE YOU!!" sigaw ko sa girlpren ko habang tinitingnan ko silang papaalis..

MY ACCELERATED CRUSH (Filipino - Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon