CHAPTER 17-1

37 0 0
                                    

(PART 1)


(Balik sa mansyon ng mga Scott...)


Isa't kalahating oras lang ang lumipas at nakabalik na din kami sa mansyon ni Khaela galing sa mall. Ang galing nilang kasama, kasi yung iba sobrang tagal maghanap ng gagamitin nila para sa mga ganitong okasyon, samantalang sila ay napakabilis. At ang ganda pa ng mga napili nila, katulad ng damit ko. Kami lang sana ni Raph ang bibili ng isusuot, kaso pati pala si Khaela, bumili na rin ng para sa kanya. Nakakahiya din, kasi sila pa yung nagbayad ng isusuot ko mamaya (kahit sinabi ko nang may pambayad ako... syempre gusto ko din magpa-impress kay Sassyface.. hihihi)


Pero salamat na din sa kanila, kasi talagang tinutulungan nila kong dalawa pagdating sa mga ganito. Ang bait talagang mga kaibigan ng dalawa na to... :D


"Oh yan pare, okay pala yung pinili ko sa'yo eh!"


Tinutukoy ni Raph yung pinasukat nya sa'kin na damit kanina sa mall. Long sleeves yung polo ko tapos nilagyan ko ng kurbata at vest. Tutal mainit naman at sa tingin din ni Raph ay mukhang mas okay yun, tinupi ko na lang yung mga sleeves. Isa pa ayoko ding kargahan ng... kwan... Alam nyo na yun...

 

Yung suot ko namang pang-ibaba ay yung pinili kong itim na tight jeans at tsaka medyo pormal na sapatos. Pwede na siguro to. Nung prom namin nung high school, ganito lang din ang attire ko, except di ko tinupi yung sleeves ng shirt ko. Marami din namang lumapit na girls sa'kin nun... Pero syempre joke lang yun.


"Uy Raph, hindi ba ako mukhang waiter dito sa suot ko?? Parang konti na lang kasi magkakahawig na kami ni Mr. Vincent!" Sabi ko sa kanya habang nakatitig lang ako sa salamin.


"Huh?! Hindi naman! Ikaw naman Alex, ang astig nga ng suot mo eh." Sabi nya habang nagbibihis ng binili nya para sa dance. Short sleeves naman yung sa kanya at may vest din kaso imbis na ordinaryong tie, gumamit sya ng bow tie.


"Sigurado pagtitinginan ka ng mga girls dun, lalo na syempre si Jam mo..." pang-aasar nya habang lumalapit sa salamin para ayusin din yung suot nya.


"Jam ko talaga ah?....Nakuuu sa panaginip pa lang yun Raph kasi hindi ko pa sya girlfriend. Mukhang pahihirapan pa ako nun sa panliligaw ko sa kanya."


"That's fine Alex, kasi nagdaan din naman ako dyan. Nung una lagi din akong ini-snob nyang si Khaela... kaya tyaga lang ang kailangan mo dyan." Kinuwento din nya kung paano sila nag-umpisang magkakilala ni Khaela. Yung mga unang date nila, tsaka kung ano yung mga ginagawa nila pag magkasama silang dalawa.


Marami akong nalaman sa panliligaw dahil sa mga sinabi ni Raph. Ayoko naman syang gayahin kaya gusto ko na ako ang didiskarte ng mga gagawin ko sa panliligaw ko kay Jam.


"Hey Raph, gusto mo... ituloy kaya natin yung double date??"


"Huh? Anong double date?? May plano na ba kayo ni Khaela tungkol dyan?"


"Ahmmm hindi, kasi ganito yun. Nun kasing nagpapanggap kami ni Mikhaela, inaya kami ni Jam para makipag-double date. Silang dalawa daw ni Kyle tapos kaming dalawa. Eh ayun, hindi na nga natuloy kasi... maayos na tayong lahat, kaya naisip ko... pwede na kaya nating gawin yun? Gusto ko din surpresahin si Jam eh. Pero ngayon, kaming dalawa ang magka-date, tapos kayong dalawa ni Khaela. Ayos di ba??"

MY ACCELERATED CRUSH (Filipino - Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon