CHAPTER 3

58 0 0
                                    

O sige Jam, pwede bang sabihin mo kung ano ba ang ginawa ko sa'yo at nagagalit ka sa'kin ngayon? Tsaka bakit nasali si Kyle dito? Ano ang kinalaman nya sa'tin??



I don't know! I just can't stand you right now! And you're asking me why Kyle is included here?! Because you're the reason! He just told me earlier that you made fun of him yesterday after school! What's wrong with you??? Do you even know what that means to me?!?



Inaasar?? Jam hinde... Wala akong ginagawa sa kanya... Tsaka... bakit mo ba pinagtatanggol yung kumag na yun?? Jam naman, ako pa nga yung sinuntok nya eh... Eto yung pasa sa mukha ko oh...



Really?? Do you expect me to believe that, huh?? Then how come he also has a big pasa on his face?! Siguro you're the one who started this! You're such a LIAR, Weirdo! >__<



Ha?! W-wala akong alam dun, maniwala ka! Di naman ako yung gumawa nun eh! Pramis Jam hindi ako nagsisinungaling sa'yo kase.... hindi ko masasabi ngayon pero Jam maniwala ka lang... kung pwede lang talaga...



Kung pwede lang na ano huh?! You're gonna do something to him?! You know what, I don't care about your explanations anymore, Weirdo! Basta from now on, I DON'T WANT TO TALK TO YOU AGAIN! AND JUST STAY AWAY FROM MY CRUSH!!



(REWIND! - Kahapon...)



Miyerkules ngayon. Maagang nakarating yung service namin sa Francis. Isang buwan na ang nakakaraan simula nung unang pumasok ako sa university na to. Pero kahit medyo nakakatagal na ko, sadyang hindi pa rin ako makapag-adjust sa buhay-kolehiyo, maging sa mga taong nakakasalamuha ko dito.



Ganun pa din, di ako sanay na sobrang yayaman nila kesa sa'kin. Oo may-kaya naman kami pero hindi katulad nila na may mga magagarang kotse, o may magagandang gamit sa klase. Bukod sa adjustment, problema ko pa yung Death Group ni Kyle. Hindi natatapos ang araw-araw sa skwela ng hindi ko sila nakikita at pagsasabihan ng kung ano-anong threats at panlalait. Kung hindi naman, babanggain ako pero hindi ko na lang pinapansin. Hindi ako yung taong mahaba ang pasensya, pero alam kong nasa dulo na ko ng pasensya ko pagdating sa Death Group nya...



Pero kahit naman may mga ganyan dito ngayon ay hindi naman to nakakaapekto sa mga grades ko. Isa ko sa mga nagli-lead pagdating sa klase ko. Hindi lang yun, marami na din akong mga kakilala sa school. Karamihan nga eh mga babae. Hindi ko alam kung bakit pero sa high school pa lang, kaya naiinggit sila Ramon sa'kin eh kasi puro nga daw babae ang lumalapit sa'kin. Nagpapaturo lang naman sila sa mga klase namin?? Parang si Belle ngayon.. Tsaka andyan din naman si Eugene na naging kasama na din naming dalawa... 



(Isang beses na kumakain akong mag-isa sa cafeteria, wala si Belle dahil may tinatapos na lecture, may biglang umupo sa tapat ng mesa ko.)

MY ACCELERATED CRUSH (Filipino - Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon