CHAPTER 5-2

29 0 0
                                    

(PART 2)

Pagkatapos akong kausapin ni Ma'am Hernandez kahapon tungkol dun sa patuturuan nya sa'kin na estudyante... (na aksidenteng kilala ko ng husto...), natuwa ako. Ngayon may pambawi na ko. Hindi ko na to palalampasin.


Pero kelangan ko ng tulong eh. Isang paraan lang ang naisip ko para makipagsabayan ako sa kanya... Kaya tinawagan ko agad si Fritz para manghingi sa kanya ng mga "advice." Kasi nga... magaling syang mang-asar... hihihi...


Gaya ng sabi sa'kin ni Ma'am, kelangan ko daw maging strikto para daw maturuan ko ng mabuti yung estudyante nya. Naisip ko, nung huli ko syang nakabangga, wala akong nasabi sa kanya. Hinayaan ko lang na kayan-kayanan nya ko.. Kung ganun din ang ipapakita nyang ugali sa'kin sa tutoring class namin, eh wala kaming matatapos at hindi ko sya matutulungan sa mga problema nya sa mga tests nya kay Ma'am Hernandez. Kaya kelangan ko syang talunin pagdating sa asaran... Yun bang kahit pahirapan ko sya sa mga pagagawa ko, maa-appreciate din nya yung mga yun.


Malay natin tumalab? Baka pag natapos tong tutoring na to, biglang mag-iba na yung trato nya sa'kin...di ba? :D


Nung gabi na yun, pinaghandaan naming mabuti ni Fritz kung paano sya aasarin. Eh sa text lang naman nangyayari yun, pero nagkaka-idea naman ako kung ano ang dapat kong gawin para inisin at turuan sya ng maayos at the same time.


(Flashback! - Kagabi...)


Fritz: Ganito lang naman kasi yan Alex. Di ba galit na galit naman sa'yo yan? Simple lang... Edi lalo mo syang galitin. Sabihin mo sa kanya lahat ng pwede nyang ikagalit sa'yo. Yun bang mga atraso mo, kahit di naman talaga. Tapos pag binalik nya yun sa'yo, sagutin mo lang ng sagutin. Ganun lang! Haha!
Ako: Naku pare paano pag sinaktan ako nyan? Alam mo na, sa salita pa lang, brutal na yan eh...
Fritz: Hmmm sa bagay... Ehhh hayaan mo lang! hahahaha Kelangan isakripisyo mo din yang mukha mo. Sige ka, baka mamaya di gumana yung plano mo na yan. Edi walang mangyayare...
Ako: Ganyan ba talaga yan? Ikaw kasi eh... sanay ka na pagdating sa mga pang-aasar na yan. Pinaiyak mo pa nga si Aira nun eh! Isa ka talaga sa pinakamabagsik na buskador na kilala ko. Ibang klase ka talaga pare...
Fritz: Ulul! Hangaan ba ko? Nasanay na lang akong maging pang-asar pare. Kita mo pag si pinsan Ramon ang tinitira ko, wala syang masabi! Hahaha. Tsaka mali yun no! Pag naiinis na talaga ako sa tao tsaka ko sya papaiyakin. Kasalanan naman ni Aira yun noon eh. Sampalin ba naman ako ng nerd na yun?! Hahaha. Oy pagtuunan mo din ng pansin yung pag-aaral nya. Mamaya di mo na maturuan kaka-asaran nyo.
Ako: Oo naman, eto nga gumagawa na ko ng mga tanong na pwede kong ibigay sa kanya bukas eh.
Fritz: Ahhh very good! Oh sige tapusin mo muna yan at itetex ko na lang sa'yo yung ibang pwede mong gawin sa kanya... hihihi.


(End Flashback!)


Syempre hindi lang naman yun ang gagawin ko. Ano bubwisitin ko lang sya sa buong oras na nagtututor ako sa kanya? Baka yariin naman ako ni Ma'am sa mga pinaggagawa ko! Kelangan kong pag-aralan kung ano yung mga chapters kung saan kami magfofocus.. Mamaya may ma-miss sya, hindi nya masagutan sa test, patay. Kelangan ko ding maghanda ng sandamakmak na examples at problems para maturuan ko sya ng mabuti. Nasasakanya na kung paano nya to iintindihin para pumasa sya sa subject na to.

 

Pero nung nakita ko yung test paper nya, nakita ko din kung paano nya sagutin yung mga equations. Hindi sya ganung ka-efficient.. Sagot lang.. walang solutions... Kaya di rin ako masyadong pamilyar kung paano nya i-approach yung mga problems. Kaya bukas, sana sagutin nya ko ng maayos sa mga tanong ko. Kasi baka mamaya, pag nagbigay ako ng madaling problem, baka mas mahirapan naman sya... Kelangan tingnan ko muna kung ano ang nalalaman nya sa Math (namely College Algebra... :) )


[NOTE NG NAGSULAT... Ano akala nyo, Calculus?! Pahirap lang ah! hahaha]



(Martes... Francis...)


(After School)


(BRRRR! BRRRR! BRRRR!)


Nagba-vibrate yung CP ko... Binunot ko kagad dahil hinihintay ko yung text nya na yun. Siguradong si Fritz to...


(Text Message)


From Fritz:


Oy Pare! gudlak sa panggu-goodtime mo dun sa magiging studyante mo dyan ah. Pagbutihan nya kamo sa tutoring nyo. Basta tandaan mo lang yung pinag-usapan naten kagabi at mananalo ka sa kanya pagdating sa asaran, hahahaha. Tsaka wag naman puro panggagago ah! Turuan mo din naman yang alaga mo! Hahaha Sana gumana yang plano mo! Sge gudlak din daw sabi nila insan monra tsaka ng tropa naten dito,, naikwento ko kasi sa kanila yung pinaggagagawa mo dyan sa francis eh hahahaha... gege ingat!


(End Message)


Tapos na din ang klase namin. Ibig sabihin, umpisa na ng pagtututor ko dun sa estudyante ni Ma'am Hernandez. Pagtapos idissmiss yung mga kaklase ko, pinaiwan nya ulit ako sa huli. Ibibigay pa ni Ma'am yung susi ng lab at tsaka pina-alalahanan nya ulit ako ng huli kong gagawin sa tutoring na yun. (Math class yung huli kong subject kaya malamang ire-remind ako ni Ma'am.).


"Mr. Perez, I already told that person to stay with you every after school for the tutoring, and to go straight to the Math lab para makipag-meet sa'yo. So don't worry about it anymore. Pagbutihan mo yung pagtuturo sa kanya ha, kase sa'yo nakasalalay yung pag-pass nya sa course na to. When something happens or if you have any questions, just report it to me everyday during lunch okay? Here are the keys to the Math Lab and some more examples you can give. Pwede ka nang pumunta dun ngayon dun para makapag-setup ka na ng materials mo at makapagstart na kayo agad. Good luck Mr. Perez. Sana makatulong ka sa kanya."


"Salamat po Ma'am Hernandez. Makakaasa po kayo sa'kin." Kahit kinakabahan din ako ngayon, syempre kelangan kong sabihin yun para may confidence si Ma'am sa'kin. Gusto kong patunayan na tama sya sa pagpili sa'kin bilang tutor ng estudyante nya. Isa pa, kelangan ko din ng boost para na din magawa ko ng mabuti yung plano ko... hehehehe.


"Okay your dismissed..."


Nung lumabas ako sa classroom, nakita ko si Belle at Eugene sa may corridor. Mukhang hinihintay pala nila ko. Halos buong araw ko nga naman kasi silang hindi nakita dahil sa pagpe-prepate ko sa tutoring na to. Siguradong dahil dun, dadalang na din yung pakikisabay nila sa'kin, maski yung sa service....


"Hey Alex, do you wanna come with us sa Mall? Bibili lang kami ni Eugene ng supplies sa activity namin para sa AP class."


"Oo nga pare sama ka na sa'min. Kelangan mo din ng break. Kahapon kasi di ka namin nakasabay. Don't worry, ihahatid ka na namin."


"Naku, hindi ako pwede eh." sagot ko sa offer nila. Nakangisi pa ko sa kanila na parang may masama kong binabalak.


"Why, are you gonna do something after school?? And what's up with the face?" tanong ni Belle, na nagtataka kanina pa kung bakit ako masaya buong araw...


"Ahhh actually ganito yan eh. May tuturuan kasi ko sa Math Lab every after school sa mga susunod na araw, kaya pasensya na kasi di muna ko makakasabay sa inyong dalawa. Isa pa, baka maka-istorbo lang ako sa inyong dalawa! Hahahaha.."


"Adik mo Alex!"


"Ohh... Ganun ba? Oh well, pero sino ba yang tuturuan mo ngayon Alex?" tanong naman ni Belle sa'kin.


"Yeah sino ba yang pagkaka-abalahan mo pare? Bagong chiks ba yan? Dami kasing nagpapaturo sa'yo dito eh."


"Lul! Tara nga dito kayong dalawa..." Pinalapit ko sila sa'kin tapos binulong ko sa kanila kung sino. Eh marami pang nagkalat na estudyante dun sa may corridor kaya ayoko marinig ng iba. Ayoko din sanang ipaalam sa kanilang dalawa pero talagang matalik ko nang kaibigan tong dalawang to kaya hindi naman nila siguro paaalam sa iba yung tungkol dito. Gaya ng makita ko yung test paper nya kahapon, nanlaki din ang mga mata ni Belle at Eugene pagkasabi ko sa kanila kung sino...


"SYA?! REALLY?!" Sabay pa talagang napasigaw yung mag-couple... Akala nila, hindi pa ko nakakahalata sa kanila ah... hahaha


"Oo. Sya. Maski ako nagulat din nung tinawag ako ni Ma'am para turuan sya eh."



"Ayun sya ah!" sabay turo ni Eugene sa may dulo ng corridor. Ayun nga sya...


"Di naman siguro pare... Parang di naman ata pupunta sa Math Lab yan.. baka nagkakamali ka lang Alex." andun lang kami sa kabilang dulo ng corridor habang nagmamasid lang kami sa kanya.
 

"But Alex?! Kilala ko sya! Napaka-smart nya talaga eh!" sabi naman ni Belle, na hindi pa rin makapaniwala.



"Shhh! Wag kayong maingay! Hahaha." sagot ko sa kanila. "Naku kung nakita nyo lang yung laman ng test paper nya, baka hindi yan ang mga reaksyon nyo ngayon. Tsaka oy pabor lang, kaming tatlo lang ni Ma'am Hernandez ang nakaka-alam eh, kaya wag nyo na lang din sabihin sa iba. Alam ko namang di nyo sasabihin dahil kaibigan ko kayo kaya pinaalam ko na..."


"Don't worry. Our lips are sealed. So now, what's your plan for this Alex?" nagkakamot pa si Belle habang tinatanong nya. Ayun sinabi ko kung paano ko sya tuturuan.


"...yun lang talaga ang paraan eh. Alam nyo naman yung nangyari nung nakaraang araw di ba? Kaya... yun. Sana gumana.." Sabi ko tapos ngumiti ako sa kanilang dalawa..


"Well Alex, goodluck sa gagawin mo ah." Nakangiti ding sabi ni Belle. "Sana nga magwork yang plan mo... Makakabawi ka na sa kanya ngayon..."


"Oo nga pare. Sabi ko sa'yo may time pa eh. Hahaha basta pagbutihan mo na lang dyan at turuan mo syang mabuti. Sige mauna na kami sa'yo. See you tomorrow!"


At iniwan na ko ng dalawa. Kelangan ko na ring mag-prepare sa taas. Isa pa gusto kong mas maagang dumating. Baka unahan pa nya ko dun eh... hehehe.


Pagkatapos naming mag-usap, dali-dali na kong pumanik sa 2nd floor. Andun sa gitna ng hall yung Math Lab eh. Sya lang naman ang tuturuan ko kaya pagdating ko, sarado pa at hindi pa sya dumarating. Pagpasok ko, syempre walang tao. Mukhang busy pa ata yung estudyante ko. Nung nakita kasi namin sya sa baba, lakad ng lakad at marami pang ginagawa... Kaya baka matagalan sya.. Hmmm sasabihan ko nga yun mamaya na wag nang magpapa-late...
 

Pagdating ko sa harapan ng room, binaba ko na muna yung gamit ko sa teacher's desk tapos umupo lang muna ako para hintayin sya. Nagmasid-masid muna ako sa paligid ng lab na to. Halatang hindi nagagamit... Sira yung lock ng pintuan ng room, tapos napaka-alikabok lang ng mga cabinet na nasa likod ng mga desks. Yung isang cabinet naman sa tabi ko, puro lumang abacus ang laman na mas matanda pa ata kay nanay. Nagagamit pa kaya yun? Yung isa naman sa kanan ko, puro compass tsaka yung mga materials na ginagamit para maggraph ng equation (protractor... triangle... meter stick... ruler... alam nyo na yun!).


Habang nakaupo lang ako at nakatunganga, iniisip ko na agad yung mangyayari pagpasok nya dito sa lab... Ano kaya ang magiging reaksyon nya?


-Matutuwa? (Malabo pa sa mata ni Belle yan.. )
-Maiinis? (Eto sigurado yun...)
-Magagalit? (Ay OO naman... hahaha)
-Magugulat? (Malamang...)


Kung ano man yun, di ko na masyadong iisipin. Bahala na kami sa magiging tratuhan namin sa mangyayaring pagtututor na to. Gaya nga ng mga inadvice sa'kin ni Fritz kagabi, pag nainis, lalong inisin. Pag nagalit, lalong galitin.. Pag naging bayolente.... ewan ko na lang kung kayanin ko pa... -__-


(8 MINUTES LATER....)


Napakatahimik ng buong room. Ang boring naman pala dito, lalo na pag yung hinihintay mo, hindi pa dumarating! Bakit nga ba wala pa tong tuturuan ko?! Ang kupad naman nya... o baka naman hindi pa tapos sa mga ginagawa nya sa baba??

 
Kanina pa talaga ko naghihintay dito eh... nakakainip lang... Napalingon ako sa gawing kanan na side ng room. At pagkakita ko, natuwa ako, kasi meron palang radyo na pwede kong gamitin dito. Ba't di ko to napansin kanina? Nilapitan ko yun at sinaksak. Mukhang okay pa. Gumagana ng maayos. Tutal wala pa naman sya, edi makikinig muna ko.


Usually kasi pag nasa bahay ako, nakikinig lang ako sa radyo para makapagrelax. Pag tulog ako, nakabukas lang yung radyo sa kwarto ko magdamag. Nasanay na kasi akong may music habang tulog. Kaya katuwa ko lang nang makita ko to sa may tabi ng shelves  dito. Kaya nilagay ko na sa favorite station ko at bumalik na sa kinauupuan ko.. Napagod din naman ako sa mga klase ko kanina, kaya relax-relax muna. May time pa naman eh.

 

(NP: Join the Club - Paano Sasabihin)



Ilang saglit sa isipan, biglang wala ka na
Ang panaginip ay hindi pala tunay
At pano maitatangi, hinahanap pala
Sana’y madama muli ang sandali


Uy! Join the Club tong pinapatugtog ah! Hahaha... Nakatyempo ako ng magandang kanta. Isa kasi sa favorite kong banda yan eh. Alam ko namang marami pang mga bagong kanta dyan, pero napapangitan na ko sa mga yun eh. Eh eto, kahit medyo matagal nang nilabas hindi pa rin pumapangit... Yung iba nga mas lumuluma, mas gumaganda eh. Ewan? Siguro may taste lang ako sa mga old stuff...


Nakaupo lang ako sa desk, sabay taas ng paa ko sa lamesa. Wala namang tao eh, kaya magpapaka-don muna ko dito...


Paano sasabihin sa iyo?
Ililihim ko pa ba?
Paano kung mayroon ka ng iba?
Malilihim ko pa ba?

 
Habang nakikinig lang ako, naisip ko lang yung mga nangyari netong mga nakaraang araw. Yung mga nakilala ko, yung mga nakaaway ko, yung mga nangyari na sa'kin dito sa school. Tapos eto ngayon... yung tuturuan ko na hindi pa rin dumarating..


At talaga lang naman.. naisip ko pa lang sya, biglang...


(Tok-tok-tok!...)


(Tok-tok-tok!...)


Alam kong sya na tong kumakatok sa pinto. Nag-iba na agad ang expression ng mukha ko. Medyo kinakabahan, pero umpisa na ng pang-aasar, este ng pagtuturo ni Alex! Hehehe...


"Bukas yan!" Dahil late sya, hindi ko sya pagbubuksan... hindi naman naka-lock yung pinto eh... kaya.. kaya nya yan... parte na din to ng plano eh..


Bumukas na yung pinto. Ayun... parang hingal na hingal pa habang papasok sya ng lab at papalapit kung nasaan ako. Gulo-gulo yung mga gamit nya at nakayuko lang sya habang inaayos nya to...


(Tuloy pa rin yung kanta...)
Nilalayo ang isipan, ayaw ng balikan
At bakit ba kay kulit, hindi naman maiwan
Ilang saglit sa isipan at parang kay tagal
Sana’y madama muli ang sandali


"Late ka ah....?!" sabi ko ng medyo mataas na boses para makuha ko yung atensyon nya.. nagmadali na sya pumunta sa harapan habang patuloy lang sya sa pag-aayos ng mga notebooks at libro nya...


"Ohh... I'm very sorry sir... I'm late. My classmates and I were cleaning our room after the class and we just finished right now."


Sinabi ko lang na late sya, ang dami namang sinabi neto agad... tinanong ko na ba kung bakit?? Haha...


"Sa itsura mo nga ngayon, mukhang hindi ka pa ready eh...."


At ilang sandali pa, tumingala na sya sa'kin... "No sir, I am... Sorry again. I'm now ready... for...... the........


....TUTORING.....?"


Napahinto sya sa pagsasalita nang makita nya kong nakaupo sa teacher's desk at nakapatong pa rin yung paa ko sa lamesa.


Gaya ng inaasahan ko, nanlaki yung mata nya... kumunot yung noo nya, at parang laser pa rin ang titig nya sa'kin ngayon. Alam kong nagulat sya sa nakita nya.


"Oh....? Bakit napahinto ka sa sinasabi mo sa'kin?" Sabi ko sa kanya, habang nakangiti. Sa expression ng mukha nya ngayon, mixed yun. Kalahating galit at kalahating shocked na hindi makapaniwala dun sa taong tinatawag nyang "Sir.."








"...sige lang...  ituloy mo lang yung sinasabi mo... JAM..."





"YOU?!?!"




"Oh.... Hi Ja-, I mean Ms. Lenon pala... hehehe... you're late for your tutoring...." napangiti ako lalo nung napasigaw sya sa gulat..


(Tuloy pa rin yung kanta...)
Paano sasabihin sa iyo?
Ililihim ko pa ba?
Paano kung mayroon ka ng iba?
Malilihim ko pa ba?



(Hindi ko alam kung bakit pero parang sakto naman talaga yung kanta sa pagpasok nya...)


Tama... si Jamille Lenon nga ang tuturuan ko sa Math... Sa kasamaang palad, sya pala talaga yung estudyante ni Ma'am Hernandez na mahina sa subject na to. Hindi pa rin ako maka-get over sa mga pinagsasagot nya sa test paper na yun... Sabi ni Belle, napakarunong nya.. Hindi ko rin maisip kung bakit sya "accelerated??"  Kaya maski ako, nagulat nung malaman kong pinapa-tutor sya sa'kin ni Ma'am. Siguro nga kelangan na nya ng tulong ko.



Paano sasabihin?
Paano sasabihin?
Paano sasabihin?
Paano sasabihin?


"ARE YOU FREAKING KIDDING ME?!?! WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE?!?! WEIRDO?!?!"



Tumatawa lang ako ngayon sa expression nya. Parang eto lang yung nangyari sa'min nung nasa Bigboy kami at kinukuha ko yung order nya, kaso marami na kong panlaban sa mga ibabato nya sa'kin ngayon.


Eto na din ang pagkakataon ko para makabawi sa kanya. Papatunayan kong mali sya ng pagkakakilala sa'kin, gaya ng pinipilit na ipakita ng Death Group sa kanya...


Paano sasabihin?
Paano sasabihin?


Galit na galit lang syang nakatingin sa'kin ngayon. Magiging masaya to... >:))



(END PART 2)


END CHAPTER 5!

MY ACCELERATED CRUSH (Filipino - Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon