CHAPTER 5-1

46 0 0
                                    

(PART 1)



I HATE YOU ALEX! I REALLY REALLY HATE YOU!!!


I HATE YOU ALEX! I REALLY REALLY HATE YOU!!!


I HATE YOU ALEX! I REALLY REALLY HATE YOU!!!



Humiwalay na ko kila Ramon at sa mga kaibigan ko (pati kina Eugene at Belle) pagkatapos ng mga nangyari sa pagitan ng "tribo ko" at ng Death Group ni Kyle dun sa gym. Hindi ko talaga mapapatawad yung kumag na yun sa nangyari.... Wala akong pakelam sa mga ginawa sa'kin ng lider nila eh... pero yung naging tingin sa'kin ni Jamille Lenon ang mas inaalala ko.



Habang naglalakad ako papauwi galing sa gulo na yun, sadyang paulit-ulit lang sa utak ko yung sinabi sa'kin ni Jam. May sirang plaka na ba sa loob ng katawan ko?? O mahirap lang talaga iabsorb yung sinabi sa'kin ng babaeng gusto ko pagkatapos nyang makita na sinuntok ko yung kumag na yun. Gusto ko nga, pero iba ang crush nya, at alam kong ipagtatanggol nya sa'kin yun...



Pero hindi nya alam kung ano ang kumpletong pangyayari.. Nasa utak ko pa yung listahan ng ginawa saken nung kumag na yun kanina...



-Hinamon sa basketbol (di na nya kami guguluhin o magdadrop-out ako sa school)

-Dinaya/nilamangan sa puntos (sabi nya 7 points na daw sya, pero 6 pa lang talaga...)

-Siniko sa panga

-Siniko sa tyan

-Tinisod papunta sa ring (mga limang beses lang naman, napagbintangan pa kong traveling... galeng)

-Sinuntok sa mukha (aksidente daw yun... Galing lang ah..)

-Na-clotheslined bago ako makapag-lay up sa ring (Alam nyo yung sa wrestling? ganun kaso "nasa air")



....pero sa kasamaang palad, mas nakita pa nya yung mga nangyari nung naging "halimaw" na ako... -__-



-Sinuntok ko si Kumag sa mukha dahil sa clothesline nya, kasi hindi na ko nakapagpigil sa mga pinaggagagawa nya ("kasaya" ko lang nung ginawa ko yun sa kanya... Sobrang bayolente nya eh... Hindi to WWE! -__-), kaso...

-...Napagbintangan na nag-umpisa ng away nung babaeng may crush sa kanya, na apparently eh gusto ko, pero ayaw nya sa'kin kasi gusto nga nya yung nakaaway ko (Naguguluhan ka na ba? ako din eh... Baka yung sa susunod malinawan tayo pareho, hehe), tapos...

-Nasabihan ng masasakit na salita galing sa babaeng gusto ko, na crush yung kaaway/karibal ko na sinuntok ko at hindi ako... (Magulo pa ren ba? bahala ka na nga! haha)



Pero sa totoo lang, kanina pa nagsink-in ng husto yung mga masasakit na salitang tinaggap ko. Sobrang nalungkot talaga ako dahil galit na galit sa'kin ni Jam. Ngayon lang ako nakakita ng ganung babae sa'kin. Yung taong gusto mo, sasabihan ka nyang "I hate you" kahit wala ka namang ginagawang masama, tapos hindi ka maaapektuhan? Syempre masaklap yun... Oo, aminado naman akong sinuntok ko si Kyle, pero sya naman ang may kasalanan nun eh. Kaso dahil na nga gustong-gusto ni Jam yung kumag na yun, syempre makikinig sya sa kahit anong sabihin ni Kyle at talagang ipagtatanggol nya to.

MY ACCELERATED CRUSH (Filipino - Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon