CHAPTER 6-2

49 0 0
                                    

(PART 2)





[Oo, Join the Club pa rin yung kanta...]
Paano sasabihin sa iyo?
Ililihim ko pa ba?
Paano kung mayroon ka ng iba?
Malilihim ko pa ba?

Paano sasabihin?
Paano sasabihin?

"ARE YOU FREAKING KIDDING ME?!?! WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE?!?! WEIRDO?!?!"

Sa itsura ni Jam na nakikita ko ngayon, mukhang ayaw na ayaw nya talaga akong makita... Alam kong paulit-ulit na to, pero kasalanan ni Kyle at ng Death Group nya 'to eh... Sinira nila yung tingin sa'kin ni Jam, kaya tuloy kelangan kong patunayan na hindi talaga ganun ang ugali ko... Isang chance lang ang meron ako para itama 'to, at eto na yun. Kaya sana magawan ko pa 'to ng paraan. Sana yung pagtuturo ko kay Jam, maging way para makabawi ako sa mga "kasalanan" ko sa kanya.

Yung mga susunod na 'pang-aasar' na gagawin ko ngayon, magiging pansakay lang habang galit na galit pa sya sa' akin. Kunsakaling pagdating ng mga susunod na araw at medyo umayos na yung pagtrato nya sa'kin, saka ako titigil. Tapos baka yun na ang pagkakataon para makapagpaliwanag ako tungkol sa'kin at sa mga ginawa sa'kin ni Kyle. Pag nakuha ko yung trust nya, baka maniwala tsaka makikinig na sya sa mga paliwanag ko...

Pero sa ngayon, isasantabi ko muna ang 'kabaitan' ko. Dahil hostile pa kami sa isa't isa, kelangan ko ngayon ipakita ang ibang side ni Alex Perez... ang pagiging THE TERROR TUTOR! Hehehe...

"Hindi mo ba napapansin? Nakaupo ako sa desk ng teacher... So... Malamang ako ang magtuturo sa'yo sa Math. Bilisan mo at umupo ka na dito sa harap. Wag mong aksayahin ang oras ko..."

"NO!!! NOT THIS?! WHAT'S HAPPENING TO ME!!! UGHHHH!!" Sigaw nya. Medyo inaasahan ko na din to. Nasa gitna lang sya ng room pero ang lakas-lakas na ng boses. Parang di sya napagod sa paglilinis kanina ah??

At parang di rin talaga sya makapaniwala. "A stupid, a**hole Weirdo knows Math?! Wag mo na kong gawing tanga okey?! You're lying again aren't you?!"

"Ahmmmm... Ang malas mo lang talaga Jamille, kasi hindi po ako nagsisinungaling... ako nga ang magiging tutor mo... Hehehe.."

"NO SH*T!!! Just stop fooling around with me Weirdo! Where's the teacher?!"

"Ano ba?? Hahaha Eh nasa harapan mo nga yung teacher!" Hindi ko maintindihan kung bakit, pero may inis din pala akong mararamdaman kay Jam sa ganitong sitwasyon. Ngayon nakikita ko na ang iba pang mga sides nya... Ngayon, ang kakulitan nya.. Pero gaya ng sinabi ni Fritz.. kelangan kong makipagsagutan sa'yo..

"No way!"

"Yes way! Tanungin mo pa si Ma'am Hernandez ngayon!!"

"Get lost Weirdo!! I'm out of here... This is soooo ridiculous!"

Habang nagsasagutan kami, gigil na gigil talaga ang mukha nya. Parang sasabog na ang bulkan. Kaya pagkatapos nun, nagdabog na syang naglakad papuntang pintuan ng Math lab para lumabas na. Syempre hindi ko pwedeng hayaan tong babaeng to na lumayas kase ako ang mapapagalitan ni Ma'am, kaya tumayo na ako agad sa kinauupuan ko at napatakbo sa likod para pigilan sya. Muntik na syang makalabas ng room, kaya bago pa sya nakalakad, humarang ako sa dadaanan nya sabay sara ko ng pintuan ng lab.

Hindi na pwede to! Kelangan ko nang kontrolin si Jam... Ang sassy at mataray na si Jamille Lenon!! >_<

"Oy! Teka lang Jam! Hindi ka pwedeng umalis!"

"No! Hindi ikaw ang tutor ko, okay?! Besides, if for some reason you really are the one whose supposed to teach me Math, ayoko pa ren! Hindi ako pumapayag! So get away!"

MY ACCELERATED CRUSH (Filipino - Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon