CHAPTER 15-1

42 0 0
                                    

[Note: Mini-chapter ulit!! POV's ng mga biktima nila Khaela at Alex! Now,, P1 starring RAPH!! :D]


(PART 1)


(Raphael's POV!)


Kahit na masaya naman yung school fair ngayong araw, it was still a boring day for me. Dahil nga kasama ako sa Death Group ni Kyle, lagi akong nakasunod sa mga pinupuntahan nya, kaya hindi tuloy ako makagala sa sarili ko sa buong campus. Kelangan para kaming mga aso na nakasunod sa kanya, at hindi ko pa rin nakakalimutan yung ginawa sa'kin netong leader namin about dun sa relationship namin ni Khaela...


Speaking of her, nakita ko sya sa may arcade section ng fair nung naglalaro sila Kyle. I'm not really interested sa ginagawa nila so iniwan ko sila naglakad-lakad lang ako along the whole place. Tapos nakita ko sya sa isang arcade table, playing a game. Nakakatuwa, kasi ako yung nagturo sa kanya maglaro. Habang pinapanood ko lang sya sa malayo, napansin ko na she's really good now sa video games, unlike when we're together...


(Flashback! Isang beses na nagdate kami sa mall at naglalaro kami ng video games.)


Khaela: Raph naman oh! Lagi mo na lang ako tinatalo, nakakainis ka... >___< (tumalikod lang sya sa'kin pagkatapos nyang ma-game over sa Tekken)

Ako: Naku naman tong girlfriend ko... Tampo kagad, okay lang yan matatalo mo din ako, pag nagpatalo ako! Hehehe.

Khaela: Hmmmph nang-aasar ka pa! (pinalo nya ko sa may braso dahil inis na inis talaga)

Ako: (Nilapitan ko sya tapos inakap) Di naman eh... ba't ko naman aasarin yung mahal ko? Sorry ah! hehehe. Ikaw talaga! (tapos kiniss ko sya sa cheeks)

Khaela: Hmmmm, kung di lang kita mahal dyan eh... (binalik nya sa'kin yung kiss ko)

Ako: O sige enough na yung drama-rama hahaha, tuturuan kita para matalo mo na ko...

Khaela: Really? Haha,, thanks my Raph. I love you!! :)


(End Flashback!)


Nung naalala ko yun, nalungkot lang ako, dahil hindi na namin magagawa yun kasi kasama pa rin ako sa grupo ni Kyle... Hangga't hindi nagiging girlfriend ni Jamille Lenon si Kyle, walang mangyayari sa'kin. Nung lumingon sya sa likod nya, muntik na nya kong makita pero nagtago ako... Umalis na din ako tapos bumalik na kila Kyle. Baka mamaya pamanmanan na naman ako kay Ludwig at paghihinalaan na naman ako ng gago na yun...


Pagkatapos naming umikot-ikot sa buong campus, isa't kalahating oras lang kami tumambay sa mga tables sa may cafeteria... Walang masyadong tao dun kasi medyo malayo-layo yun ng konti sa place ng fair. Nakaupo lang kami dun tapos biglang dumating si Jam. Sinundan nya pala kami papunta dito.


"Hey... Kyle... Uhmmm. I'm... I just want to... tell you something...  about me.." Naku mukhang sasagutin na ni Jam tong sira-ulo na to. Sa itsura ni Kyle, naging excited sya sa mga narinig nya kay Jam..

MY ACCELERATED CRUSH (Filipino - Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon