CHAPTER 11-1

42 0 0
                                    

(PART 1)



"Alex!"



Isang pamilyar na boses ang narinig kong tumatawag sa'kin. Paglingon ko, si Eugene pala yun, at kasama nya si Belle na tumatakbo papunta sa'kin. Sa totoo lang, namiss ko tong dalawa na to. Mula kasi nung nag-umpisa kong turuan si Sassyface every after school, hindi ko na sila masyadong nakakausap. Siguro naiisip nila na masyado na akong nagiging busy sa mga "bagay-bagay."



"So Alex, how's your tutoring with Jam??"



"Oo nga pare, tsaka bakit napansin namin na absent ka nung Friday? Kung saan-saan ka namin hinahanap. Pumunta din kami sa Math lab para bisitahin kayong dalawa kaso wala ka rin dun..."



"Ahhh... teka lang! hahaha." Sabi ko sa kanila dahil umpisa pa lang pinauulanan na nila ako ng mga tanong nila.



"Matagal ko lang kayong hindi nakita pero ang dami nyo nang tanong ah! Yung kay Belle muna... Eh okay naman si Jam, nung umpisa lagi kaming nag-aaway pero mukhang umo-okay na yung sitwasyon naming dalawa ngayon. Natuturuan ko na din sya ng maayos kahit papaano."



"Ohhh, that's good." Reply naman nya. "It's only a matter of time at malapit na kayong magkaayos. Kaya mo yan Alex!"



"Naku... sana nga tama yang sinasabi mo... Tungkol naman nung Byernes, hindi ko sinasadyang umabsent dahil kay Mikhaela...



"Mikhaela??" Tanong ni Eugene.. "Di ba sya yung student body president ng batch natin?



"Ah oo, hahaha... Eh yun nga, nakita ko kasi syang nalasing nung gabi ng Thursday eh."



"Ikaw pare ah, dami mong babae.... joke. Eh ano naman ang nangyari sa inyo na hindi kayo nakapasok?? Napansin ko din kahapon na wala sya the whole day eh. Classmate ko din sya sa isa kong class eh."



Habang sabay-sabay kaming papunta ng classroom, kinuwento ko sa kanila ang lahat ng nangyare. Ang dami kong binibigyan ng recap ngayon! Para na nga kong naka-unli kakaulit ng storya ko. Nung Sabado lang, kay Ramon, tapos kagabi kay Fritz (na humihingi ng update sa pang-aasar ko kay Sassyface), tapos ngayon naman sa dalawa ko pang prends sa school... Kahirap talaga pag hindi mo sila nakikita lagi, pero ayos lang naman. Masaya naman akong napagsasabihan ko sila ng mga bagay sa buhay ko dito.



(LUNCH...)



Habang naglalakad ako papuntang cafeteria...


MY ACCELERATED CRUSH (Filipino - Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon