CHAPTER 17-2

54 0 0
                                    

(PART 2)


"Kyle?! Ikaw ang may gawa neto?!"

Pagkakita ko sa kanya, lumingon ako sa paligid, at nakita ko na lang na nandito kami sa field sa likod ng arena. Sila Kyle at ang Death Group sigurado ang may pakana na patayin ang ilaw sa buong lugar para makuha nila ako...

Naiisip ko na kung ano ang mangyayari. Eto na nga yung sinabi ni Raph sa'kin kanina.

"Well... hello there Alex. I'm glad you can make it here... for your execution... "

Lumapit sya sa'kin habang nakatali yung kamay ko at nakaluhod. Umupo sya, tapos hinawakan nya yung mukha ko. Kitang-kita ko yung galit nya...

"Hayop ka Alex... you really think na maagaw mo si Jam sa'kin.. Mamamatay muna ako bago mo magawa yun!"

"Hayop ka talaga KYLE!" Nagpupumiglas akong kumawala pati sa pagkakahawak nya, tapos dinakma nya ko sa leeg.

"Yeah! You can call me that way, pero akala mo ba it would change my mind on what I'm gonna do to you right now?! THINK AGAIN! YOU B*TCH!!" Tapos tinanggal nya yung kamay nya sa leeg ko tapos sinikmuraan nya ko sa tyan gamit yun...

Bumagsak ako sa lupa... Sa sobrang sakit, napapaubo na naman ko, at may lumalabas nang dugo sa bibig ko. Nahihirapan akong huminga sa sakit ng mga suntok nila.

"Gago ka... ano ba talaga ang problema mo sa'kin?!" Sabi ko habang pinipilit kong itayo ang sarili ko. Pero inutusan nya yung dalawa nyang kaibigan na ibalik lang ako sa pagkakaluhod.

"Are you really gonna ask me that?! Ba't di mo tanungin ang sarili mo?! Huh?!" Nilapitan nya ulit ako tapos dinakma ako sa leeg, gaya ng kanina...

"You're gonna suffer for this Alex... MAGDUDUSA KA! Jacques, tanggalin mo yung tali sa kanya. LET HIM GO!"

Bumitaw silang dalawa, tapos tinanggal nung inutusan nya ang pagkakatali sa'kin. Pagkatapos nun, pinaligiran na nila akong apat. Hindi ko magagawang makawala ngayon dahil sa mahina na ko sa mga ginawa nila... Nakaluhod pa rin ako dahil maka-ilang beses na din nila kong pinabagsak... Nahihirapan ako lalo at patuloy lang ang pag-ubo ko ng dugo.

"Walang-hiya ka Kyle... ano bang gusto nyo sa'kin?!" sigaw ko sa kanila habang pinupunasan ko ng kamay ko yung dugo sa bibig ko. Tuluyan na din akong nakatayo at unti-unting lumapit sa harap nya...

Gaya ng sinabi ko kay Raph kanina, wala akong balak urungan sya. Problema naming dalawa to, kaya wag syang magkakamaling idamay si Jamille dito...

"LET'S START!!!" Sigaw nya sa mukha ko, habang nakatingin sya ng masama sa'kin. Umatras sya ng konti. Tapos nawala yung tingin nya sa'kin at parang may sinilip sya sa likod. Balak ko sana syang sundan at lapitan pero napalingon ako at biglang...

(WHAAAACK!)

"AHHHH!!!!"

May naramdaman akong sobrang hapdi na nanggaling sa likod ko... Dahil sa lumingon ako ng konti tumama rin yung pamalo sa tagiliran ko. Bumagsak ulit ako sa lupa sa sakit. Mukhang hinampas ako ng isang bagay nung kasama ni Kyle.

"Feels good doesn't it?!!!" Sabay tawa nya ng malakas Paglingon ko, yung Jacques pala yung humampas sa'kin. May hawak syang 2x2 (dos-por-dos) na kahoy. Namimilipit pa rin ako sa sakit.

Hindi ko na talaga mapigilan yung galit ko... Kay Kyle... sa mga kaibigan nya... Lumalabas na naman yung pagkahalimaw ko ngayon. Di ko na to kayang tiisin.

MY ACCELERATED CRUSH (Filipino - Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon