CHAPTER 21-1

26 0 0
                                    

(PART 1)

"Zip it okay Alex?!?! I knew what I saw!!"

"N-nakita mo... lahat? Sorry talaga Ja-"

"I told you to JUST SHUT UP WEIRDO!! UHMMMM!!!"

(PAK!)

(10 HOURS EARLIER...)

(Ringtone: Magbalik - Callalily)

(Sassyface (JAM!) - Calling...)

"Hmmmm... HELLO...?"

"Hey Weirdo! Hihihi.."

Nakahiga pa ko habang nakatapat lang yung CP ko sa tenga ko. Alas-syete pa lang ng umaga nun at tumawag na agad tong si Jam sa'kin. Halatang excited talaga to sa pupuntahan namin ngayong araw.

"Uhmmm... baket ba Sassyface?? Ang aga-aga mo namang tumawag eh..." Nakapikit lang ako habang kausap sya... Sobrang inaantok pa ko dahil sa hindi nga ako nakatulog agad kagabi...

"Duh?! You should get ready, that's why I called you! I wanna wake you up. Remember, we're gonna have our first date today!"

"Hmmm... Oo nga eh, parang hindi ka masyadong excited no? Parang ayoko na nga ding sumama eh.."

"And why is that, Mr. Weirdo??"

"Kase... inaantok pa ko..? Alam mo naman na... hindi ako nakatulog agad di ba?"

"Wuuuu so ayaw mo kong makasama mamaya?? Hmmp!"

Napadilat at napatayo ako pagkatapos kong marinig yun. "HINDI AH!" Sabi ko ng malakas.

"Good! Sige na Alex, get ready na. Khaela just texted me na they will pick us up in an hour okay?"

"Hmmm... sige sige... Kulit mo Sassyface..."

"Pffft...Bye Weirdo.... See you later!" Tapos pinatay na nya yung linya nya.

Kahit naghihikab pa ko habang nag-aayos ng kama ko at ng isusuot ko, kelangan ko talagang gumising.. Excited din naman ako, kasi sabi nga ni Jam.. unang date namin to. Alam ko namang kasama namin sila Raph at Khaela mamaya pero hindi naman sila siguro magiging problema sa'ming dalawa...

..pero sa totoo lang, may bumabagabag pa rin sa utak ko.. Hindi ko alam kung si Aira ba yun? O si Kyle ba na baka guluhin ulit kami. O kinakabahan ako dahil ngayon lang ako makikipag-date sa buong buhay ko... Iba talaga pag walang alam... or first time.. -___-

Naligo na ko kahit malamig yung tubig.. kelangan ko yun para magising ako ng tuluyan... Pagkatapos kong gumayak, bumaba na ko at nakita ako ni nanay... Naku kelangan ko pa nga palang magpaalam...

"Alex, saan ang punta mo? Mukhang bihis na bihis ang anak ko ah." Sabi nya habang nakatingin sa'kin dun sa may kusina. Umupo lang ako sa mesa namin.

"Ahmm Nay.. inaya ho kasi ako ng mga kaibigan ko sa school. Pupunta ho kami ng amusement park ngayon..."

"Ahhhh ganun ba? Mukhang masaya yan ah.. Sino ba ang mga kasama mo dyan?? Kasama nyo ba si Jam??"

Nagulat ako nung tinanong ni nanay yun, pero kelangan ko pa rin sumagot.. "Ahmm yung dalawa ho naming kaklase si Raph tsaka si Khaela... tsaka... si Jam nga Nay... hehe.."

Natawa din si Nanay nung hindi ako makaimik pagkatapos kong sabihin yung pangalan ni Jam.. "Ikaw naman Alex. Ayos lang naman sa'kin na kasama mo si Jam. Alam ko naman na gusto nyo na yung isa't isa... hehehe.."

MY ACCELERATED CRUSH (Filipino - Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon