CHAPTER 1

109 0 0
                                    

"ALEX... ALEX, GISING NA, ALAS SAIS IMEDYA NA. GAGAYAK KA PA."

"Teka lang 'Nay.... pwede bang... 10 minutes pa....? Pramis babangon na talaga ko..."

"WALA NANG 10 MINUTES-10 MINUTES. GISING NA. HINDI KA NA PWEDENG MAGPA-LATE SA UNANG ARAW MO SA SKWELA. IBA NA ANG COLLEGE SA HIGH SCHOOL KAYA BUMANGON KA NA DYAN HA?"

Naalimpungatan lang talaga ako sa lakas ng boses ni Nanay. Umaga na pala nun, o siguro hindi lang ako nakatulog mabuti kagabi dahil hindi ako makapaniwala na ganun lang kadali natapos ang bakasyon. Bitin na bitin naman kasi eh. It's that too short... Parang kagra-graduate lang namin nila Ramon noon sa High School, tapos June na pala ulit.

Alam mo ang mas masakit? Hindi na kami magkakasama sa isang school gaya nung nakaraang 4 years. Kanya-kanya na kami....

kasi ngayon, mga students na kami sa college.

Kaysa marinig ko pa ulit yung boses ni nanay sa baba, tuluyan na kong bumangon sa kama ko. Habang nagtutupi ng kumot, medyo nakapikit pa rin ako, kasi sobrang nakakaantok naman talaga.

Wag na lang kaya akong pumasok? Alam kong joke lang yun, pero kung pwede lang talaga, handa na kong tumalon sa kama ko at bumalik sa pagtulog. Kaso kahit gustuhin ko naman, hindi rin pwede, kaya dali-dali na kong pumunta sa banyo para maligo at gumayak.

Naghihikab... napatingin lang ako sa salamin. It was a long stare to myself.

"Hay. Eto na naman tayo Alex... apat na taon na namang pahirapan ang mangyayari sa buhay natin... Tssss..."

Kahit na ilang taon na din akong nag-aaral (mula nung Kinder hanggang ngayon), hindi pa rin ako sanay. Nakakabaliw pa rin pumasok sa school at mag-aral, especially ngayong college student na ko.

Pagkabihis ko, bumaba na ko agad para makakain man lang ako kahit konti. First day ng school eh, at pag tumagal-tagal na ang school year, siguradong madalas na kong maghahabol sa oras. Katulad na lang nung high school na habang nagsusulat ako ng hindi pa tapos na 10-page assignment (dahil akala ng teacher namin eh kaya naming yun tapusin sa loob ng isang araw), may nakasubong kutsara na may kanin sa bibig ko.

"Ui, maagang nagising si Len-Len ngayon ah. Good morning.", sabi ko sa kapatid kong bunso na nakaupo na sa table at kumakain na ng agahan.

"Oo naman kuya, Grade 7 na ko eh!" Sagot nya sa'kin. "Excited na kong pumasok kasi wala naman akong ginawa dito nung bakasyon. Hayaan mo na ko kuya!"

Tama. High school na nga sya at ngayon din yung first day nila. Hindi ko magets kung bakit mas excited pa yung kapatid ko kaysa sa'kin... siguro natatamad lang talaga ko ngayon.

"Ganun ba? Hayaan mo, pag nakaka-kalahati na ng school year, magsasawa ka rin dyan. Basta wag ka munang magpapaligaw ah! Sisipain ko yung mga lalapit sa'yo!" Biro ko sa kanya.

"Naku anak, tigilan mo na muna yang kapatid mo at kumain ka na din. Baka dumating na yung susundo sa'yo," sabi ni nanay pagkaabot nya sa akin nung plato na may kanin, itlog at isang pirasong hotdog.

"Basta Alex, pagbutihan mo yung pag-aaral mo sa St. Francis para maging worth it ang scholarship na na-receive mo. Alam ko naman na kaya nating i-afford yun, pero mas maganda ang pinaghihirapan sa sarili di ba? Wag kang mag-alala. Lagi kitang susuportahan ha?

Kung hindi naman dahil kay Nanay, di naman ako papasok sa 'Francis', o St. Francis University. Isa tong exclusive na Private School. Sabi nila, pang-mayayaman lang ang nakakapag-aral dito. May kaya naman kami, pero gusto ko din i-earn yung mga ginagawa ko kaya ang swerte ko na lang na nakakuha ako ng scholarship nung nag-apply ako dito.

MY ACCELERATED CRUSH (Filipino - Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon