CHAPTER 2

92 0 0
                                    

Ngayong school year na 'to, kelangan kong pagsabayin ang eskwela at pagta-trabaho ng part-time job ko. Syempre, hindi naman ako yung bata na aasa lang na mabibigyan lagi ni nanay ng baon araw-araw. Meron kaming maliit na negosyo sa tabi ng palengke (mini-restaurant) samantalang si tatay naman ay nasa abroad dahil nakuha sya bilang engineer dun. Pero kahit na medyo nakakaluwag naman kami dahil sa mga trabaho nila, gusto ko pa rin na nagkakapera sa sarili kong hirap.



"Alex, pakilinis mo na yung mga empty tables para maupuan na ng ibang customers", sabi sa'kin ng manager ko habang tinuturo nya yung mga mesang may pinagkainan pa ng mga umalis na kostumer.



"Yes, sir." Kinuha ko yung mga pamunas at isang spray ng tubig na may sabon at pumunta na para linisin ang mga mesa.



Isa akong service crew dito sa BigBoy, isang fastfood chain restaurant. Tutal ayokong binibigyan ako ni nanay ng perang pambaon paminsan-minsan (kase nahihiya den ako), naisip kong kumayod na lang sa sarili ko, kaya nung sinabi sa'kin ni Ramon na merong opening dito, nag-apply ako agad. Hindi naman nila ko dineny kahit wala pa kong experience, dahil na din siguro magaling yung best friend kong magpakilala sa'kin... Hihihi.. Isa pa hindi naman ganung kahirap yung trabaho dito. Ayos lang naman. Mabait din yung mga kasama ko. Bukod sa extra na experience na pwede kong ilagay sa resume ko pagdating ng araw, nagkakaroon din ako ng sapat na panggastos sa loob ng isang buwan para pambili ng mga bagay na kailangan ko o mga gamit sa skwelahan.



"Pare, andito ka na pala. Kamusta naman yung unang araw mo sa Francis?" Bungad sa'kin ni Ramon pagpasok ko sa likod ng reataurant pagkatapos kong kunin yung mga dumi sa mga tables.



"Namimiss ka na namin agad sa 'Frontier' (College) eh.. sa'ting magbabarkada, ikaw lang ang wala dun... ."



"Wuuuuuuu, namimiss ah.. Baka tuwang-tuwa pa kayo na wala ako dun eh! Hahaha" biro ko sa kanya. "Tsaka ayos naman ako sa skwelahan na yun, kaso may nangyari din kaninang hindi maganda.. Naiinis lang ako pag naalala ko eh..."



"Oh bakit naman?? Sino na naman yan? Tara resbakan na naten! Walang tayong uurungan sa mga yan maski sino pa sila! Hahahah" sabi naman nya, habang nagbibiro na sinusuntok yung nga kamay nya sa hangin..



"Adik! Nainis lang, mag-aamok ka na agad... Tsaka kung aawayin ako ni Kyle at nung 'DEATH GROUP' nya, eh kaya ko naman... Hahahah." Kinuwento ko din yung mga nangyare sa'kin sa skwelahan, yung 'encounter' ko kay Kyle, pati yung mga nakilala ko...



"Eh mukhang ayos naman pala yung araw mo ngayon eh, except dun sa ginawa sa'yo nung Kyle na yun. Dapat kase dun ka na lang sa skwelahan namin eh... Masaya pa... Haha..."



"Kayo talaga, eh alam nyo naman kung bakit dun ako nag-aaral ngayon di ba? Yun na lang ang gusto kong gawin para mapasaya ko si nanay. Busy kase lagi yun sa restaurant nya eh, hehehe." sagot ko naman sa kanya habang hinuhugasan ko na yung mga platong galing sa mga nilinis kong mesa.

MY ACCELERATED CRUSH (Filipino - Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon