CHAPTER 8-2

34 0 0
                                    

(PART 2)



(POV ni Mikhaela Scott!)



(FRIDAY MORNING...)



Ughhhhh... Ang aga-aga namang ang sakit-sakit ng ulo ko... Nakakasilaw pa yung sikat ng araw galing sa window sa likod ko habang nira-rub ko yung noo ko. Hmmmm umaga na pala...



Teka! Umaga na?? Asan ako? Wala ata akong maalala na ginawa ko kagabi!



Bakit nasa kama ko na ako?? Hmmmm... siguro pagkatapos kong uminom nakauwi pa naman ako ng matino. Pero how come na I don't remember anything at all?? Nakapajama na ko, at hindi ako amoy alak. The last thing I remember eh lumabas ako ng "The Pines", yung malapit na bar sa school ko na St. Francis. Pagkatapos nun, wala na. Everything all went blur...



Hayyy... pumikit pa ko sandali kasi bukod sa inaantok pa ko, hindi masarap ang may hangover... Sinubukan kong itaas yung kamay ko para ayusin yung buhok ko, pero bakit parang someone is holding it? Lumingon ako sa gawing kanan ko....



HALA!! Sino tong nakahawak sa kamay ko?! Nagulat ako kasi may boy na nakahiga sa tabi ko.  Akala ko yung mga pillows ko lang, pero yun pala, sya. Nakapajama din sya at tumutulo pa yung laway! Ewwwww! Biglang nawala yung antok ko at sobrang natakot ako na baka kung anong gawin nya sa'kin kaya...




"AAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!"




Napasigaw ako, bumitaw ako sa pagkakahawak nya, at lumayo sa kama ko papunta dun sa mga shelves ng mga libro ko... Bigla syang nagising dahil sobrang lakas ng pagkakasigaw ko at napansin nyang hindi na ko nakahawak sa kanya. Lumingon-lingon sya tapos nakita nya ko sa may likod nya.



"Hey you! Ano ginagawa mo dito? Ba't ka natutulog kasama ko?"



He replied na parang walang nangyari "Gising ka na pala. Kamusta na pakiramdam mo?"



Pakiramdam ko? Pakiramdam ko eh gusto ko syang suntukin sa face! Kasi hindi ko alam kung bakit dun sya natulog sa tabi ko. Isa pa sinabi ko din sa kanya na I don't know him, at tinanong nya ko kung hindi ko raw ba naaalala yung kagabi?? Sinubukan ko naman, pero wala talaga. Kaya bumalik yung inis ko sa kanya.



"Ahmmm kase.." Sinubukan nya kong lapitan pero winarningan ko din sya! Baka mamaya kung ano gawin nya sa'kin.



"AHHH! WAG KANG LALAPIT STRANGER!" Hindi pa rin sya tumigil kaya binato ko yung hawak hawak kong unan.

MY ACCELERATED CRUSH (Filipino - Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon