CHAPTER 19

43 0 0
                                    

"Ate Jam! Andito na ko!"

"Hey Len-Len! How are you? I missed you little sister!"

Pinanonood ko lang silang dalawa pagkatapos pumasok ni Len-Len sa kwarto ko kung saan andun kami ni Sassyface. Nag-akapan sila, na akala mo ay sobrang close na nila.. Dalawang beses pa lang naman silang nagkikita ah?? Ang weird? Hahaha... Ewan... siguro ganyan lang talaga ang mga babae. -____-

"Oh Ate Jam, ang sweet mo naman.. Sana ikaw na lang talaga ang maging girlfriend ni Kuya.."

"Hmmmm..." Narinig ko yun kay Jam, habang ako din ay namula sa pinag-sasabi netong kapatid ko. Di ko naman mabawal kasi patuloy pa rin yung akapan nila. Di na lang ako nagsalita at tumalikod na lang sa kanila...

"Eh ate Jam, bakit ka nga pala andito?"

"Ohhh... yeah." Di sya makapagsalita pagkatapos. Napatingin sya sa'kin, habang nakatingin din ako sa kanya. Gusto ko din malaman kung bakit nga ba? Si Len-Len ba talaga ang pinuntahan neto...

"Oo nga naman Sassyface..." sabat ko na sa kanilang dalawa. Napatayo ako sa harap nila. "Bakit ka nga ba talaga pumunta dito huh?"

Nakita ko na sasagot na sana sya, kaso...

"Ahh oo nga pala kuya, muntik ko nang makalimutan! Tinatawag ka ni nanay sa baba. May sasabihin daw sya sa'yo."

TSSS! Galing lang ng timing ah... Mapapakanta ko na sana si Jam, kaso SOBRANG GALING TALAGA NI LEN-LEN!! >__<

"Ahhhh (sayang!)... Sige maiwan ko na muna kayo dito ah. Jam okay lang ba kayo dito nyan?"

"Yeah Alex, go ahead. We're good! Besides I wanna talk with your sister alone you know."

"Baket ano kaya ang problema kung andito ko??" Natatawa kong tanong.

"I don't want you to know what we're gonna talk about! Eavesdropper!"

"Nakaligtas ka lang kanina eh! Hahahaha..."

"Bleh!" Dumila sya sa'kin. Sabay umirap at natawa silang dalawa sa'kin.

"Ang kulit nyong dalawa kuya!"

"He!!! Sige lang! Pagchismisan nyo kong dalawa ah! Pffft!" Biro ko (kunwari naiinis ako) tapos lumabas na ko at bumaba. Medyo malakas yung pagkakasara ko ng pintuan. Naririnig ko pa silang nagtatawanan bago pa ko tuluyang makababa ng hagdan.

Pumunta na ko sa kusina kung saan andun si Nanay. Nagluluto sya ng ulam namin ngayong araw, at umupo lang ako sa mesa.

"Oh Nay, tinatawag nyo raw ho ako."

"Ahhh oo anak may mga itatanong lang ako sayo ah." sabay lapit sa'kin at umupo sa tabi ko. Medyo seryoso sya nung sinabi nya yun. Halata din naman sa mukha ni Nanay eh.. Parang importante yung pag-uusapan namin.

"Alex, meron lang sana akong gustong itanong sa'yo. Pero kelangan sabihin mo sa'kin ang totoo ah..."

Naku! Mukhang nabuking na'ko tungkol sa mga sugat ko! Sabi ko na hindi bibilin ni Nanay yung dahilan ni Jam eh!

Patay.. ano kaya ang magandang sabihin ko kay nanay?! Blanko yung utak ko ngayon na siguradong hindi na ko makakalusot. Parang kelangan ko ng sabihin na nagulpi ako nung kumag na yun (Kyle) kagabi...

"A-ano ho yun nay?" Medyo nakikiramdam pa ko sa mga galaw at expression ni Nanay. Hindi halatang kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari. Namamawis lang naman yung mga kamay ko at di ako makatingin ng derecho sa kanya.

MY ACCELERATED CRUSH (Filipino - Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon