CHAPTER 20

37 0 0
                                    

<Note: Medyo may konting sensualidad ang Chapter na to... so yun.. warning lang, hehe okay back to the storya! :D >

"A-AIRA?! IKAW NA BA SI AIRA?!"

"Hahahaha... Alex Perez... Ang tagal na din pala nating hindi nagkita no?"

Nakatayo lang ako sa gitna ng karsada habang kaharap ko pa rin si Aira... Di talaga ako makapaniwala na sya na pala ito. Kanina lang ay nakabangga ko sya sa mall, tapos eto na sya sa harap ko ngayon. Hindi ko na sya makilala dahil sobrang nag-iba ang itsura nya mula nung high school pa lang kami... Maliit lang at kung kumilos ay parang inosenteng bata noon. Pero ngayon... wala talaga akong masabi... Halos magkasingtangkad na kami dahil sa taas ng heels nya, iba ang pananamit, maganda, at higit sa lahat ay mukhang nagmature sya ng husto.

Ako naman ay kinakabahan pa rin. Nagkakatitigan lang kami sa isa't isa. Hindi ko alam kung bakit pero ganun na ang pakiramdam ko mula kanina, noong nabangga ko sya. Akala ko, normal lang yun dahil siguro kasama ko si Jam... pero hindi pala.

Lumapit pa si Aira lalo sa'kin habang patuloy ang panlalamig ng katawan ko. Nakangiti at nakakunot lang ang noo nya. Nakakabobo ang itsura nya.. para sa tingin pa lang ay kaya na nya kong patayin. Di nagtagal ay magkalapit na ng husto ang mga mukha namin. Parang laser ang mga titig nya sa'kin ng malalaki nyang mata (gawa nung contact lenses na suot nya)..

"Hmmmm Alex..." sabi nya habang unti-unti nyang nilalagay ang mga braso nya sa balikat ko... Nanlaki talaga ang mga mata ko sa gulat habang ginagawa nya ito.. ang weird talaga eh!

"Alex... namiss kita! Haha..."  sabay ngiti at tumawa ng malakas... at bigla nya kong inakap!

Hindi ko na nagawang umilag o mag-react dahil biglaan yung ginawa nya eh. Ang higpit ng pagkaka-akap nya sa'kin at sobrang naging tuod na lang ako sa gitna ng karsada kaya parang hindi na ako makagalaw.

"A-Aira? O-okay ka lang?" Tanong ko sa kanya habang naka-akap pa rin sya ng mahigpit. "Hindi ka ba... galit.. sa'kin?"

"Hahahahaha..." Napatawa sya tapos bumitaw na agad sa'kin pero magkalapit pa rin kami sa isa't isa. "To be honest Alex, I was... Nagalit ako noon kasi I will never forget yung mga nangyari sa'tin the last time we're together..."

Naku patay...

"Ehh.. So-sorry na... Aira. Mga bata lang kasi tayo nun kaya... kung ano-ano lang ang mga pinagsasabi ko sa'yo..." Gusto ko nang manghingi ng patawad tungkol dun pero bago ko pa man nagawa yun...

"However... nung nakita ulit kita sa mall kanina, I realized something. Bumalik sa'kin yung lahat ng yun, kaya sinundan kita tsaka yung kasama mong girl."

"So nakita mo na ko kanina pero hindi mo lang ako nilalapitan?!" Ang weird talaga.. parang stalker lang.. "Ano naman ang problema mo run?"

"Hindi talaga ako nagpakilala sa'yo agad because of her... I don't want to talk to you when she's around... I'll be just jealous because I KNOW that YOU LIKE HER Alex..."

"Huh?? Eh ano naman kung andun si Jam? Kai-!" Hindi na nya ko pinatapos at nilagay nya yung kanang kamay nya sa labi ko para pahintuin ako. Tinanggal nya to kagad pagkatapos kong tumigil habang ako naman ay sobrang nawei-weirduhan na kay Aira.

"So that's her name huh? Jam.... Girlfriend mo na ba sya Alex?! What happened to your promise to me before huh?? I'm supposed to be the one with you... LIKE YOU SAID nung high school tayo, right ALEX?!"

Naramdaman ko na naman yung kaba dahil tumataas yung boses ni Aira. Napaikot ako at napaatras habang sunod lang sya ng sunod sa'kin. Di nagtagal ay napasandal na ko sa kotse nya, at dumikit sya sa'kin dun. Nakatingin lang sya sa mukha ko habang takot na takot na ko sa itsura nya...

MY ACCELERATED CRUSH (Filipino - Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon