5 DAYS AFTER
Pag-katapos ng kanilang outside school activities ay umuwi na agad sila. Ilang araw nalang ay babalik nanaman sila sa kanilang unibersidad at sa pag babalik nga nila ay sinabihan ng Dean ng unibersidad sila Claude na may gaganaping event sakanilang unibersidad at kasali ang kanilang banda na gaganap sa kanilang unibersidad. Habang maaga pa ay nag handa na sila para sa nalalapit nilang event
___________
CLAUDE
"ano guys? practice na tayo?" sabi niya sa kaniyang mga myembro dahil siya ang leader sakanilang banda "yes, I am. I don't know to others, are you guys are ready na ba?" pag sagot ni Miles at pag tatanong niya sa mga ibang myembro ng USW "we're always ready, guys" sabi ni Jhio at tumango lamang si Ghian bilang pag sang-ayon "so ano? tara na? simulan na natin" pag aya ni Claude sakaniyang mga myembro at pumasok na sa isang music room.
Naging abala nga sa pag practice ang apat. Habang sila ay nag papractice para sakanilang event ay di naman sadyang mapadaan ang apat na kikay sa music room, narinig nilang may kumakanta at agad nila itong pinakinggan at sumilip labang sa window nang patago upang hindi sila makita ng mga ito.
__________
ALIYAH
"ang pogi ni Claude" sabi ni Maye "mas pogi si Ghian, yung soon to be bebe ko" pag sabi naman ni Shannel habang nananapak "sino yang isa? mukhang hindi naman yan myembro ng USW eh" sabi ni Sabrina "hoy, grabe ka naman kay Jhio, ang pogi nga ng datingan niyan oh" sabi naman ni Maye "hindi halata, akala ko kasi staff eh" sabi naman ni Sabrina at tumawa.
ako naman ay abalang pinagmasdan at pinakinggan na kumakanta si Miles "she's good at singing and so attractive, kaso ang sungit niyang tingnan at so nakakainis" mahinang sabi ko sa sarili ko at bahagyang narinig naman ito ng mga kaibigan ko.
"ehem, baka matunaw si Miles niyan" sabi ni Maye at napatingin din sila Sabrina sa'kin "huh? wdym?" sabi ko at tumingin sakanila "sus, crush mo lang si Miles eh" pang aasar na sabi ni Sabrina sa'kin "wow, seriously? why would I? I don't like her and I don't have any reasons to like her, duh" sabi ko naman sakanila and I rolled my eyes.
"Aliyah?" nabigla ako nang biglang bumukas ang pinto "oh, hi Claude" pagbati ko sakanya "hello, kanina pa ba kayo rito?" pagtatanong niya sa amin "ah, hindi naman" sagot naman ni Maye "ah, ganon ba" sabi naman ni Claude "oo" sabi ko naman sakanya.
_________
MILES
Nag paalam si Claude sa amin na kukuha muna siya ng makakain namin sa labas. Habang abala kami sa practice ay pansin ko kaagad si Claude na parang may kinakausap sa labas kaya kaagad ko itong sinundan sa labas.
"hey, guys" pangunguna ko nito at bigla namang silang nagulat "h-hello Miles, ang pogi!!!" sabi naman ni Maye kay Miles "haha, cute. anyways, thankyou ms?" pag sabi ni Miles kay Maye "Maye nalang, Miles" sabi naman ni Maye sakanya "thankyou, Maye" sabi naman ni Miles at napangiti si Maye.
Habang abala si Claude sa pagpapakilala kay Miles sa mga kaibigan ni Aliyah, ay agad namang tumungo ang iba pang kaibigan ni Claude at pinakilala niya rin ang mga ito. Hindi parin makapaniwala ang mga kaibigan ni Aliyah na nakikipag kaibigan ang USW members sakanila. Habang si Ghian at Shannel naman ay napansin ng mga kaibigan na kanina pa ngumingiti ang dalawa sa isa't isa na para bang matagal nang magkakilala, hindi naman ganoon katagal dahil nagkakilala lang sila nung may outside school activities at najita ni Ghian si Shannel sa isang small beach store. Maya maya pa ay nilipat ni Miles ang kaniyang tingin kay Aliyah na kanina pa hindi umiimik.