Pagpapatuloy....
.
.
.
.
_________"Jeremy?" Gulat na sambit ng dalaga.
"Hey, Aliyah" Ngiting tugon naman ng binata sakanya at tinulungan itong makatayo.
"What are you doing here?" Tanong naman ng dalaga sakanya at inabot ang mga kamay ng binata upang makatayo.
"I'm going to talk to Mr. Lim sana about sa company eh" Ngiting tugon muli ng binata.
"How about you? What are doing here?" Pabalik na tanong naman ng binata sa dalaga.
"Uhmm, I was about to discuss something important to my—I mean to Miles" Sabi naman ng dalaga.
"Ah ganon ba?" Sabi naman ng binata.
"Yes" Maikling tugon ng dalaga at tumango naman ang binata sakanya.
"Sige, I'm going na muna" Sabi naman ng binata at akmang aalis na sana ito nang pinigilan ito ng dalaga.
"Jemjem?" Sabi naman ng dalaga at napalingon naman ang binata sakanya.
"Yes? Do you need something ba?" Tanong naman ng binata sakanya.
"Uhm, can you go with me?" Tugon ng dalaga sa binata.
"Where?" Tanong muli ng binata.
"Somewhere, I guess?" Tugon naman ng dalaga sakanya.
"It's okay naman, I'll wait nalang hanggang sa matapos yang aasikasuhin mo" Dagdag pa ng dalaga at tinutukoy ang pag uusapan sana ng binata at ang ama ng kasintahan ng dalaga tungkol sa kompanya.
"No, I can come back naman here tomorrow eh" Ngiting sambit pa nito.
"Sigurado ka ba?" Tanong ng dalaga.
"Yes, let's go?" Ngiting tugon naman ng binata at tumango naman ang dalaga sakanya.
Tuluyan na ngang umalis ang dalaga at ang kaibigan nitong si Jeremy at napag isipan ng binata na bukas na lamang niya itutuloy ang pakikipag usap kay Mr. Lim.
_________
Maagang umuwi si Miles sakanilang bahay sapagkat plano nitong ayain ang nobya sa isang mamahaling restaurant na kumain.
Walang kahit isang tao sa bahay nila kahit ang dalaga ay wala dito, maliban nalang sa pusa nilang binili na si Haru. Nag taka naman si Miles dahil ang sabi ng kaibigang si Maye sakanya ay nag excuse muna ito sa trabaho niya dahil gusto ng dalaga na ipagdiwang ang kanilang anibersaryo.
Tinawagan ni Miles ang dalaga ngunit hindi ito sumasagot sa mga tawag niya at nag simula na itong mag alala. Pinuntahan ni Miles ang dalaga dahil sa condo nito at baka umuwi ito doon. Nang makarating siya doon ay nakita niyang papasok si Aliyah na may kasamang isang lalaki, kaya namuo ang mga kamao ni Miles dahil sa galit at selos dahil sa mga nakikita nito.
"Dapat sa'kin ang oras mo, hindi sa iba" Galit na galit na sabi nito sa sarili at bumaba ng sasakyan upang puntahan ang dalaga.
Nang papalapit na siya ay napansin naman siya kaagad ng dalaga.
"Miles" Kinakabahang sambit ng dalaga dahil ramdam niya at kitang kita niyang galit na galit ito at napalingon naman ang binata kay Miles.
Sa pag lingon ni Jeremy ay kaagad na bumungad sakanya ang isang napakalakas na suntok at natumba ito. Nagulat naman ang dalaga sa ginawa ng kasintahan at akmang tutulungan na sana niya ito nang biglang hinawakan ng kasintahan ang kwelyo ng binata at sinuntok muli.