1 MONTH AFTER......
Isang buwan na ang nakalipas at masayang masaya pa rin silang magkasama. Habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman ng dalawa para sa isa't isa at wala pa ring unang umaamin sakanila, sapagkat pinangungunahan sila ng takot na baka hindi sila pareho ng nararamdaman.
Mas pinili ni Miles na huwag munang umamin sa dalaga dahil baka kapag umamin siya ay magbabago ang pakikitungo ng dalaga sakanya.
Si Aliyah naman ay takot ring umamin kay Miles na baka hindi ma reciprocate ni Miles ang feelings ni Aliyah para sakanya. Pinili niyang maging magkaibigan muna sila at nag hihintay na lamang ng tamang panahon upang sabihin ang totoong naramdaman nito sa matalik na kaibigan.
________
"Hi girls!" Masaya at masiglang bati ni Shannel sa mga kaibigan nito habang nakakapit ang mga braso nito sa mga braso ng kanyang kasintahang si Ghian
"Ang saya mo ngayon ha" Pag sasalita ni Maye at pansin nito ang kasiyahan ng kaibigan
"Did something happened between you two ba?" Lokong sambit naman ni Miles at kinurot siya ni Aliyah sa tagiliran
"What?" Tawang tanong naman ni Miles at nakaharap ito kay Aliyah
"Wag mong igaya si Ghian sayo" Seryosong sambit ng dalaga at mahinang napatawa naman si Ghian
"Actually....." Pag sasalita ni Ghian at napatingin naman ang lahat sakanya
"Uy, Ghian ha grabe kana bai" Lokong sambit naman ni Claude at napatingin rin si Maye dito
"There's nothing wrong with it naman, right?" Ngiting sambit ni Ghian at tumingin kay Shannel
"Ano yan, Ghian ha" Seryosong sambit naman ni Maye at tiningnan ng masama si Ghian
"I broke her feminity" Direkta at kabang sambit naman ni Ghian at napaluwa naman si Jhio sa kanyang ininom
_______
FLASHBACK :
Masayang nag lalakad si Ghian sa hallway habang naka earphones ito at may binabasa.
Maya maya pa ay may nakita siyang pamilyar na mukha ng babae at lumapit siya dito ng kaunti upang ikumpirma kung tama ba ang kanyang iniisip na kakilala niya iyon.
"Ang ganda ganda mo na" Masayang sambit ng lalaki habang kausap ang dalagang nasa harapan nito
"Sus, miss mo lang ako eh" Ngiting sambit naman ng dalaga
"Miss naman talaga kita" Ngiting sambit rin ng lalaki
"Ang tagal na kaya simula nung huling kita natin" Dagdag pa nito
"I miss you too, Tantan ko" Ngiting sambit naman ng dalaga at niyakap ito.
Namuo ang mga kamao sa kamay ni Ghian nang marinig niya ang usapan ng dalaga at bigla itong umalis. Habang si Shannel naman ay hinatid ni Tanner sa condo nito upang masiguro na ligtas itong makauwi.
"Una na ako Tantan ha, ingat sa pag drive" Ngiting sambit ni Shannel at humalik ito sa pisngi ng lalaki