1 MONTH BEFORE GRADUATION
Pinili muna ng magkakaibigan na mag focus muna sa kanilang pag-aaral dahil isang buwan nalang bago ang kanilang graduation. Naging busy na si Aliyah at ang mga kaibigan nito dahil sa sunod sunod na activities na binibigay sakanila at dagdag pa yung mga papalapit na events sa university nila.
"Malapit na tayong grumaduate" Parang nalulungkot na sambit ni Maye
"Truelalu, magiging abala na tayo sa kaniya kaniya nating buhay" Tugon naman ng isang kaibigan nilang si Sabrina
"Mag kikita kita pa rin tayo ha?" Naka ngusong sabi naman ni Shannel
"Yes naman" Sabi naman ni Aliyah
"Mabuti pa at tapusin na natin tung ginagawa natin para makapag pahinga na tayo" May pagod sa boses na pag aya ni Aliyah at sumunod naman ang mga kaibigan sakanya
Abala nga sa pag aayos ang mag kakaibigan para sa event nanaman na darating sa university nila. Natapos nga nila ang kanilang activities pero may sunod sunod pa rin na gawain ang kailangan nilang gawin.
Sila Miles naman at ang mga kaibigan nito ay may banda ulit na gaganapin sa kanilang university, kaya naging abala rin ang mga ito sa pag practice.
Mahigit mag iisang linggo na ngang hindi nag kita kita ang mga ito dahil sa tight at hindi tugmang schedule nila. Namimiss man ni Miles at ang mga kaibigan nito ang mga dalaga ay hindi nila magawang puntahan ito dahil nirerespeto nila ang mga oras nito.
_________
FAST FORWARD
Ngayong araw ay ang araw ng Music Fest na event na gaganapin sa university nila. Maraming handaan ang nakapalibot sa loob ng isang lugar sa kanilang university.
Sa pag hahanda ng apat na member ng USW, kinakabahan ang mga ito ngunit may saya rin dahil sa wakas ay makikita na rin nila ang mga dalagang ilang araw na nilang hindi nakikita.
"Ready na kayo?" Wika naman ni Claude na leader ng USW
"I'm ready" Sambit naman ni Miles
"Me too" Tugon naman ni Ghian
"Ako rin" Sabi ni Jhio
"Okay, eenjoy lang natin ang gabing 'to" Ngiting sabi naman ni Claude at tumango naman sakanya ang tatlo
Nang nakapag handa na sila, ay kaagad naman silang lumabas sa backstage at sa pag labas nila ay kitang kita ang mga studyanteng nag sisigawan. Naupo muna ang apat upang mag bigay ng mensahe sa lahat bago mag simula