3 DAYS AFTER.....
.
.
.
.
_________Tatlong araw na simula nung mangyari ang kaguluhang nangyayari nung gabing yun. Magaling na rin ang mga sugat ni Miles at ilang araw nalang rin ay manganganak na ang dalagang si Aliyah. Nalaman naman nila Claude na buntis ito dahil hindi na natiis pa ng dalaga na itago ito sa mga kaibigan ng dating kasintahan at sinabi niya nga ang tungkol dito. Humingi naman siya ng pabor na huwag sasabihin kay Miles ang tungkol dito dahil ayaw niyang madagdagan ang problema ni dating kasintahan at natatakot ito na baka kunin sakanya ang anak nito.
"Miles" Pag tawag ni Denise sa pinsang nakaharap sa malaking salamin ng opisina nito na para bang malalim ang mga iniisip.
"Deej" Malungkot na tugon naman ni Miles sa pinsan nito.
"Sabi ko naman sayo na take a rest na muna" Pag alalang sabi naman ni Denise sa pinsan, sapagkat bago pa lang gumaling nung mga sugat nito.
"I don't want to stay at my condo....I miss my home, our home" Naiiyak na sambit naman ni Miles at kaagad naman nitong niyakap ng pinsan niya.
"Puso mo Miles, birthday mo pa naman bukas" Naaawang sambit naman ni Denise sa pinsan.
"I won't celebrate my birthday if we're still not together. I want to celebrate my birthday with her" Bigla na ngang bumagsak ang mga luha nito at hindi na napigilan.
"Tahan na pinsan ko, awang awa na ako sayo" Hinagod hagod ni Denise ang mga likuran ni Miles.
"For the last time, babawiin ko ulit siya" Matapang sa sabi naman ni Miles at sabik na sabik na mapasakanya muli ang dalaga.
"Nandito lang ako palagi, yung puso mo ha" Pinigilan naman ni Denise ang kaniyang mga luha dahil sa sitwasyon ng kaniyang pinsan.
Pinuntahan nga ni Miles ang dalaga sa hospital kung saan ito nag tatrabaho. Pag dating niya roon ay nag taka naman siya bakit hindi ito pumasok sa trabaho at nagulat naman siyang may isang nurse na nagsabi sakanya na inadmit ito.
"What happened to her?" Pag alalang tanong ni Miles.
"Kalma lang po. Buntis po si Doc at kailangan niyang manatili na muna dito sa hospital para mabantayan siya" Pag papaliwanag naman ng nurse sakanya.
"B-buntis?" Nauutal pang sabi ni Miles at akmang tatanungin pa sana nito ang nurse nang biglang may tumawag sakanya.
"Miles?" Pag tawag sa kaniya ng lalaking nasa likuran nito.
"Jeremy?" Gulat na tugon naman ni Miles.
"Anong ginagawa mo dito, Miles?" Takang tanong naman ni Jeremy.
"Hinahanap ko si Aliyah. I know na may kasalanan akong nagawa sayo, and I sincerely apologize for everything I did" Pag hingi naman ng tawad ni Miles sa binatang kaibigan ng dalaga.
"Apology accepted na Miles" Ngiting tugon naman ni Jeremy.
"Can I ask?" Tanong naman ni Miles.
"Yes, go on" Tugon naman ni Jeremy sakanya.
"Do you know kung whose child ang ipinagbubuntis ni Aliyah?" Takang tanong naman ni Miles.
"Ah, Aliyah told me na it's yo-" Naputol naman ang sasabihin ni Jeremy nang biglang may nagsalita sa likuran ni Miles.
"Kay Jeremy" Biglaang sabi naman ni Claude at napalingon naman siya dito.