Chapter 23 : Regretting everything

699 69 0
                                    

A FEW MINUTES LATER....
.
.
.
.
_________

Nakarating na sila Aliyah at Amiyah sa bahay nila. Pag pasok ni Aliyah ay bigla niyang maalala ang lahat ng pangyayari sa loob ng bahay na 'to. Malinis pa rin ito tulad ng dati dahil bago pa sinimulan ni Miles ang panunuyo sa dalaga noon ay nilinis niya muna ito.

Ang alagang pusa naman nila na si Lingling ay ibinigay muna ni Miles sa pinsan nitong si Denise upang maalagaan. Kitang kita ang mga litrato ng dalaga at dating kasintahan na nakapatong sa ibabaw ng drawer nila at pansin naman ito kaagad ng anak niya.

"Mommy, is she my momdy?" Wika naman ng batang nasa gilid niya habang niyayakap ang laruang manika nito.

"Yes baby" Ngiting tugon naman ni Aliyah sa anak niya.

"Why she's not here mommy? I thought if we will go home, I will finally meet her na?" Takang tanong naman ni Amiyah sa ina nito.

"She's resting baby" Pinigilan naman ng dalaga na hindi maiyak sa harap ng anak niya.

"She's tired po ba?" Inosenteng tanong naman ni Amiyah sa kaniyang ina.

"Yes baby, she's exhausted" Ngumiti naman si Aliyah dito sa anak at pinipigilan pa ring wag maiyak.

"Momdy is so cool pala, she's already beautiful and handsome at the same time" Sabi naman ni Amiyah habang kinuha ang picture frame ni Miles.

"She is, baby" Sabi naman ni Aliyah.

"I badly wanted to see her na po" Napabaling naman ang tingin ni Amiyah sa kaniyang ina at nakanguso niya itong sinabi.

Napatahimik naman si Aliyah sa sinabi ng anak at hindi alam kung ano ang gagawin.

"Baby, you should take a rest muna" Sabi naman ni Aliyah sa kaniyang anak at kaagad naman itong sumunod sakanya.

"Don't leave me here mommy ha?" Sabi pa ni Amiyah at tumango naman sakanya ang kaniyang ina.

"I'll stay" Ngiting sabi naman ni Aliyah at pumasok na sa kwarto ang kaniyang anak.

Nilibot naman ni Aliyah ang bahay dahil nga hindi niya pa ito masyadong nailibot noong huling pumunta siya rito dahil wala siyang oras sa mga panahong 'yon. Sa pag lilibot niya ay napunta naman siya sa isang kwarto, ngayon niya lang itong nakita at akmang bubuksan na sana niya ito pero naka lock ito.

Nag taka naman ang dalaga kung ba't naka lock ito at wala namang nasabi si Miles sakanya tungkol dito. Sa pag apak ni Aliyah sa isang doormat ay ramdam naman nitong may naapakan itong parang matigas na bagay. Kaagad niyang tiningnan kung ano ito at sa pag kuha niya sa isang doormat ay nakita niya ang isang susi, hindi niya alam kung para saan itong susi ngunit sinubukan niya ito sa isang naka lock na kwarto.

Sa pag subok niyang buksan ang pintuan ng isang kwarto gamit ang susing nakita niya ay nagulat siya nang bigla itong mag bukas.

Isa itong kwarto ng bata na may maraming mga laruang pambabae at mga stuff toys. Nagulat naman si Aliyah sa mga nakita niya, may halong lungkot at saya sa puso nito.

 Nagulat naman si Aliyah sa mga nakita niya, may halong lungkot at saya sa puso nito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
BEHIND (MIKHAIAH AU)Where stories live. Discover now