A FEW HOURS LATER.....
Masayang masaya na nag kantahan ang mag kakaibigan dahil dala dala naman ni Claude ang gitara nito. Sa gitna ng kanilang kantahan ay may babae namang biglang nag salita sa likuran nito at napatigil sila sa kanilang ginagawa.
"Aliyah" Hingal na hingal pa na sambit ng babae na para bang kakagaling lang nito sa pagtakbo.
"Deej, wala na kami ni Miles. Kung may gusto ka sakanya, sakanya mo na sabihin" Sabi naman ng dalaga at napailing iling na lamang ang ulo ni Denise.
"Hindi, wala akong gusto sakanya" Sabi pa ni Denise.
"Si Miles....." Naiiyak na sambit naman ni Denise.
"Isinugod sa hospital si Miles" Sabi naman ni Denise at tumawa naman ng malakas si Claude.
"Alam ko na yan HAHAHA. Ang drama talaga ng Miles na yun, ibang babae nanaman ang gagamitin para lang makausap si Aliyah" Natatawang sabi ni Claude.
"Claude" Seryosong sambit naman ni Maye.
"Oh bakit? Totoo naman ah, siguro isa ka rin sa mga naging babae niya no?" Sabi pa ni Claude at napabaling ang tingin sa dalagang si Denise.
"Hindi ako naging isa sa mga babae niya dahil pinsan ko siya! Pinsan niya ako!" Medjo mataas na ang boses ng dalagang si Denise dahil sa galit nito.
Naging tahimik naman ang kapaligiran nilang lahat nang marinig at malaman ng mga ito ang katotohanan.
"Denise?" Kaagad naman napalingon ang dalaga dahil may tumawag ito sa pangalan niya.
"Jeremy?" Gulat na tugon naman ni Denise.
Si Jeremy at Denise ay matagal ng hiwalay. Nag hiwalay ang mga ito dahil lang rin sa ipinagkasundo sa ibang lalaki at kinasal sa ibang lalaki ang dalagang si Denise. Alam ng dalaga na kasalanan niya ring hindi niya ipinaglaban ang pag iibigan ng dalawa at mas pinili nitong sundin ang kagustuhan ng ama. Ngayon na tapos na ang kaniyang problema at wala ng nag mamay ari sa puso nito ay hinihiling niyang sana ay maibalik pa nila ang dati.
"Magkakilala kayo?" Biglaang tanong naman ni Aliyah.
"Ye—" Naputol ang sasabihin ni Denise nang biglang mag salita ang binata.
"No hon" Nagulat naman ang lahat sa mga narinig mula sa binata.
"Ah oo, hindi. Nagkataon lang na nagkita kami sa kompanya" Sabi naman ni Denise.
"Anyways, hindi ako pumunta dito para pilitin kayo na puntahan si Miles sa hospital, nandito ako para ipaalam sainyo ang kalagayan niya" Sabi naman ni Denise at tuluyang ng umalis.
_________
FLASBACK.....
Nang makaalis na si Miles ay hindi naman nito napansin ang batang tumatawid habang hinahabol ang bolang nasa kalsada dahil umuulan rin.
Nang makita niya ang batang tumatawid ay pilit niyang itinabi ang kaniyang sasakayan sa gilid upang hindi mabangga ang batang nasa harapan nito. Sa pilit niyang sa pag tabi ng kaniyang sasakyan ay may nakasalubong naman itong isang sasakyan kaya kaagad na nag banggaan ang dalawang sasakyan.
Tagumpay nga siyang nailigtas ang bata ngunit hindi niya naman nailigtas ang kaniyang sarili.
Bigla namang naalala ni Miles ang mga panahong iniligtas siya ng nakakabatang kapatid ni Claude na si Chelsea. Napaluha na lamang si Miles dito at bigla ring naalala nito ang dalagang minamahal niya.