AFTER PROPOSING
.
.
.
.
_________Pag katapos na mag propose ng binata sa dalaga ay kaagad naman silang umuwi dahil may balita ring sasabihin ang binata para sa dalaga.
"Hon?" Sambit ng binata at napalingon naman ang dalaga sakanya.
"Yes hon?" Ngiting tugon naman ng dalaga sakanya.
"May sasabihin sana ako sayo" Kinakabahan na sabi ng binata.
"Ano yun?" Nag simula na ngang mag taka ang dalaga sa kasintahan dahil sa hitsura nito.
"Aalis kasi ako" Sabi naman ng binata sakanya.
"Saan papunta?" Tanong naman ni Aliyah sa binata.
"Sa Germany" Tugon ni Jeremy sa dalaga.
"Germany? Malayo yun ah? Anong gagawin mo dun?" Tanong naman ni Aliyah sa kasintahan niya.
"May aasikasuhin lang ako doon" Tugon ni Jeremy.
"Tungkol sa kompanya" Dagdag pa nito.
"Ilang araw ka naman manatili dun?" Tanong naman ng dalaga sakanya.
"1 year ako doon, hon" Nakayukong sabi naman ni Jeremy.
"Ang tagal naman nun" Malungkot na sabi ng dalaga.
"Pangako, pag balik ko lalakad kana sa harapan ng altar" Pag pangako naman ng binata kay Aliyah.
"Mag ingat ka doon ha?" Kaagad namang niyakap ng dalaga ang kasintahan at niyakap naman siya nito pabalik.
"Opo" Ngiting tugon naman ng binata.
"Mamaya na ba yung alis mo?" Tanong naman ng dalaga sakanya habang nakayakap parin ito.
"Oo hon, mamayang 4:00 a.m ang flight ko" Tugon naman ni Jeremy at hinarap ang dalaga.
"Sige hon, pahinga kana" Ngiting tugon ng dalaga sakanya at tumango naman ito.
Ang kaninang saya ng dalaga ay napalitan naman ng lungkot na may halong takot. Natakot ito na baka mangyari muli ang mga nangyayari noon, natatakot ito na baka sa isang iglap lang ay biglang mag laho ang kaniyang kasintahan tulad ng pag laho ng dati nitong kasintahan. Pilit na iwinawaksi ng dalaga ang nasa isipan nito.
________
KINABUKASAN.
Ngayong araw na ang alis ng kasintahan ng dalagang si Aliyah. Narito sila ngayon sa airport upang ihatid ang kasintahan paalis ng bansa at kasama ng dalaga ang mga kaibigan nito.
"Mag ingat ka doon hon ha?" Naiiyak na sambit ng dalaga at yakap yakap ang kasintahan nito.
"Oo, mag iingat ako. Alagaan mo ang sarili mo ha?" Ngiting tugon naman ni Jeremy sa nobya nito.
"Claude, ikaw na bahala kay Aliyah ha" Napabaling naman ang tingin ni Jeremy sa kaibigan nitong si Claude.
"Oo, mag ingat ka dun ha. Magagalit talaga si Miles sayo kapag hindi ka nag ingat" Nagawa pang mag biro ang kaibigan kay Jeremy, ngunit sa loob nito ay masakit sakanya na iiwan muli siya ng kaniyang kaibigan at hindi man lang sila nagkaroon ng oras para sa isa't isa dahil sa mga problemang nag daan.
"Ikaw din, wag kanang malungkot jan at babalik naman ako" Ngiting tugon pa ni Jeremy at lumapit sa kaibigan nito upang yakapin.
"Tanginaka, hindi ako malungkot" Pag tatanggi pa ni Claude dito.