Continuation........
.
.
.
.
_________"Guys! Stop asking" Pag saway naman ni Denise sa mga kaibigan ng pinsan na si Miles.
"She's not Miles" Dagdag pa nito at nagtataka naman ang lahat sa nasabi ni Denise at si Claude ay tahimik lang sa kilid ng nobya nito.
"Who is she kung she's not our friend, Miles?" Takang tanong naman ni Ghian.
"You really missed my sister, huh?" Ngiting tugon naman ng babaeng kamukha ni Miles.
"Let me introduce myself first" Dagdag pa nito at hinintay na lamang nilang mag pakilala ang babaeng kamukha ni Miles sakanila.
"I am Maureen Lim, the one who will manage and handle the company that dad gave to me" Ngiting pag papakilala nito sa sarili niya.
"And....I am also the twin of your best friend, Miles" Nagulat naman ang lahat sa sinabi ni Maureen at ang dalaga naman ay hindi parin naniniwalang may kambal ang dating kasintahan.
"Nice to meet you again, Maureen" Ngiting bati naman ni Claude sa kambal ng kaibigan.
"Nice to meet you again also, Claude" Ngiting tugon naman ni Maureen sa kaibigan ng kapatid.
"Mag kakilala kayo?" Takang tanong naman ni Maye.
"Yes, we knew each other since our childhood" Ngiting sagot naman ni Maureen at tumango naman si Claude dito.
"Ba't hindi namin alam na may kambal pala si Miles?" Takang tanong rin ni Sabrina.
"Hindi kasi siya mahilig mag kwento tungkol sa buhay niya" Tugon naman ni Claude kay Sabrina at napatahimik nalang sila.
Napansin naman ni Maureen ang dalagang si Aliyah na kanina pa tulala na parang wala sa sarili niya kaya nilapitan naman kaagad ito ni Maureen.
"Hey you" Sambit naman ni Maureen at nakabalik ulirat ang dalaga.
"H-hi" Nauutal na sambit pa ni Aliyah sa kakambal ng dating kasintahan.
"Are you sure na you're okay?" Alalang tanong naman ni Maureen sa dalaga.
"Y-yes" Tugon muli ng dalaga kay Maureen.
"Magkakilala kayo?" Tanong naman ni Shannel.
"We don't know each other, but we met earlier" Sagot naman ni Maureen.
"Kaya pala" Nakangiting tugon naman ni Maye.
"Mommy!" Tumatakbong pumasok naman ni Amiyah sa loob at tumungo sa kaniyang ina.
"Baby" Ngiting tugon naman ni Aliyah sa anak niya.
"I miss you po mommy" Niyakap naman ni Amiyah ang kaniyang ina.
"I miss you more baby" Niyakap rin ni Aliyah ang kaniyang anak.
Napangiti naman si Maureen sa mga nakita niyang nag yakapan ang mag ina.
"You have a daughter pala" Ngiting sambit naman ni Maureen sa dalaga at napalingon naman ang bata sakanya.
"Owp" Sabay na sambit at gulat na sambit naman ni Amiyah at ni Maureen habang nakaturo sa isa't isa at nang mag titigan ito.
"You are....." Pag sasalita naman ni Maureen at sinisigurado kung ito ba yung batang nilibre niya ng ice cream sa mall.
"You are the one who bought me ice cream!" Patalon talon dahil sa saya pa na sambit ng bata.