AFTER 1 YEAR....
.
.
.
.
_________Isang taon na ang nakalipas simula nung sinagot ng dalaga ang binata. Kahit na mag limang taon na ang pag iibigan ng dalawa ay hindi pa rin magawang tawagin ni Amiyah bilang tatay niya dahil ayaw niyang palitan ang momdy niya, sapagkat naniniwala itong makikita niya rin ito balang araw.
"Hon, pasok na ako sa work ha?" Ngiting sambit naman ni Jeremy sa nobya nito.
"Sige po, mag ingat ka ha" Ngiting tugon rin ng dalaga at tumango naman sakanya ang kasintahan.
Kaagad namang umalis ang binata upang tumungo sa kompanya. Sa pag alis ng binata ay ang pag dating naman ng mga kaibigan ni Aliyah.
"Hindi talaga ako sanay sainyong dalawa" Parang nandidiring sambit pa ni Maye.
"Masanay kana" Mapang asar na tugon naman ni Aliyah.
"Tabi, nasaan ang inaanak ko" Pag pasok naman ni Maye sa loob at kaagad niyang binuhat ang batang nag lalaro sa sala.
"Ninang!" Sigaw na sambit naman ni Amiyah.
"Mas bet ko pa yung tita" Sabi naman ni Maye at napatawa nalang ang mga kaibigan nito sakanya.
"Okay po tita" Ngiting tugon naman ni Amiyah at napangiti sakanya ang dalagang si Maye.
Pinapapasok na ni Aliyah ang mga kaibigan nito at pinaupo sa sala. Binigyan niya naman ng makakain ang kaniyang mga kaibigan at nag kwentuhan ang mga ito. Nang abala ang lahat sa pakikinig sa kwento ay tumabi naman si Maye sa kaibigang si Aliyah at may itinanong ito sakanya.
"May balak ka bang puntahan ngayon?" Tanong naman ni Maye sa kaibigan.
"Meron" Ngiting tugon naman ni Aliyah sa dalaga.
"Akala ko nakalimutan mo na eh" Sabi naman ni Maye.
"Hinding hindi ko makakalimutan ang kaarawan ni Miles, Maye" Ngiting sabi naman ni Aliyah.
Unting unti na ngang nakausad ang dalaga sa dating kasintahan pero hindi niya pa ring makalimutang dalawin ang puntod ng dating kasintahan at bilhan ito ng bulaklak.
"Kung kailan wala na siya, tsaka naman naging maayos ang kaarawan niya dahil lagi mo siyang dinadalaw" Sabi naman ni Maye at naalala muli nito ang araw ng kaarawan ng kaibigan at ang araw ng pagkawala ng kaibigan.
"Hindi ko na rin siya nasamahan na i-celebrate ang kaniyang birthday" Malungkot na sambit naman ng dalaga.
"Okay lang yan, ang mahalaga ay may naiwan naman siyang magandang bata sayo" Pabirong sabi pa nito at tinutukoy si Amiyah.
"Masaya na rin ako ngayon dahil nakapag pahinga na siya sa lahat ng pagod at sakit na pinagdaanan niya" Sabi naman ng dalaga.
"Yung Claude ko kaya?" Sabi naman ni Maye na hindi makausad sa kasintahan.
"Subukan mo kayang mag mahal ulit?" Sabi naman ni Aliyah sa kaibigan.
"Hinding hindi ako mag mamahal muli hanggat sa wala pa rin akong balita tungkol kay Claude" Tugon naman ni Maye at tumango tango naman sakanya ang kaibigan.
"Sabagay. Kumusta na kaya yun?" Sabi ni Aliyah.
"Sana ayos lang siya" Dagdag pa nito.