KINABUKASAN
Maagang nagising si Aliyah upang ipagluto ng makakain ang manliligaw at nag luto na rin siya ng makakain ni Claude. Pag balik ng dalaga sa kwarto nila ay kitang kita niyang mahimbing pa rin ang tulog ng manliligaw
"Sleepyhead talaga" Sabi naman nito sa sarili at ngumiti
Bumalik naman kaagad ang dalaga sa kusina upang ihanda na ang kaniyang dadalhin para kay Claude.
Kaagad namang nag bihis si Aliyah at umalis na papunta sa condo ng matalik na kaibigan. Hindi niya na ginising ang manliligaw dahil mahimbing pa rin ang tulog nito.
Nagising si Miles dahil sa ingay ng cellphone nito. Pag gising niya ay kita niyang wala na ang dalaga sa tabi nito kaya kaagad itong lumabas at wala rin ang dalaga sa sala. Binuksan niya ang kaniyang cellphone at tiningnan kung sino ang nag chat.
Umupo naman ito sa sofa at nag tataka kung bakit pumunta ang dalaga sa condo ng kaibigan nito, dahil sa pagkakaalam nito ay ayos na ang kaibigan.
"What she's doing there nanaman?" Tanong nito sa sarili
Kaagad naman tinawagan ni Miles ang dalaga upang tanungin kung ano ang ginagawa nito sa condo ng kaibigan
_________
CALLING......
_________CALL
Miles : hello Ali ko?
Claude : hello?
Miles : Claude? Where's Aliyah?
Claude : ah, she's doing
something pa sa kusinaMiles : Can I talk to her?
Claude : She's busy pa kasi eh
Miles : Okay, I'll call again later,
I guess?Claude : Okay
_________
"Hays, why she didn't wake up me nalang para I can go with her" Napabuntong hininga na lamang ito.
Pag katapos kumain ni Miles ay napagdesisyonan niyang umalis na sa condo ni Aliyah upang sundan ang dalaga sa condo ni Claude.
Pagkatapos niyang mag bihis ay kaagad niya namang kinuha ang susi ng sasakyan niya na iniligay niya sa drawer ng table katabi ng kama ni Aliyah at umalis na.
Habang nag mamaneho si Miles ay may tumawag naman sakanya at tiningnan niya ito kung sino ito. Itinabi muna ni Miles ang kaniyang sasakyan sa kilid upang sagutin ang tawag