KINABUKASAN
.
.
.
.
_________Nang makabalik sa ulirat si Miles ay kaagad niyang sinundan ang dalaga sa loob, kahit na masakit para sakanya ay ipagpapatuloy niya parin ang gagawin niya at gagawin niya ang lahat para lang bumalik sakanya ang dalaga. Malalim na ang gabi ngunit nasa labas lang si Miles ng condo ng dalaga habang hinihintay ang dalaga na lumabas. Hindi rin makatulog si Aliyah kaya naisipan niyang pumunta nalang sa condo ni Maye.
Sa pag bukas niya sa pintuan ay nakita niya ang dating kasintahan na nakatulog at hindi niya maiwasang hindi maawa rito. Kahit na nag alala pa rin siya kay Miles ay pinigilan niya ang sarili niya na wag lapitan ang dating kasintahan at dumeretso na sa pag pasok sa elevator.
Nagising naman si Miles dahil sa pag bukas ng elevator at nakita niya ang dalaga. Kaagad naman siyang tumayo upang habulin ang dalaga ngunit hindi niya na ito naabutan at tuluyan nang sumara ang elevator. Hindi niya na pa matiis ang dalaga at bumaba nalang siya sa mga hagdanan. Sa pag baba niya ay nakita niya naman ang dalagang papalabas na at sasakay na ng sasakyan, tumakbo siya ng mabilis para lang maabutan ang dalaga.
"Babi!" Sigaw na sambit ni Miles at tuluyan ng umandar ang sasakyan ng dalaga pero hindi pa rin siya huminto at hinabol niya pa ito.
Habang tumatakbo si Miles ay biglang sumakit ang puso nito at biglang natumba. Pilit niyang itinayo ang kaniyang sarili habang hawak hawak ang kaliwang dibdib nito. Hindi na nga naabutan ni Miles ang dalaga at akmang tatayo na sana ulit ito nang bigla namang natumba ulit ito.
"Miles!" Tumatakbong sigaw naman ng babae na nasa likuran ni Miles at nilingon niya ito.
"Deej..." Naiiyak na sambit naman ni Miles.
"Okay lang yan Miles. Tumayo ka muna jan" Inabot naman ng pinsan nito ang mga kamay niya at tinulungan si Miles na makatayo.
"Naiintindihan kita, pero bigyan mo muna siya ng oras" Sabi naman ni Deej at nag alala na nga ito sa pinsan niya.
"Sorry Deej, nasaktan ko siya" Sabi naman ni Miles at niyakap naman siya ng pinsan nito.
"Walang may kasalanan Miles. Tahan na" Pag alalang sabi naman ni Denise.
"Alagaan mo yung puso mo" Dagdag pa nito at tinuro ang puso ni Miles.
Hinayaan naman ni Denise na umiyak lang ang pinsan dahil naiintindihan nito ang pinagdadaanan ng kaniyang pinsan at naiintindihan rin naman niya ang dalaga kung bakit ayaw niyang makausap ang pinsan nito.
_________
Nakarating na nga ang dalaga sa condo ng kaibigan at naroon din ang lahat.
"Oh, Aliyah?" Sambit naman ni Claude.
"Girls" Pinipigilan ni Aliyah ang mga luha niya.
"Anong nangyari?" Takang tanong naman ni Sabrina.
"Wala na, wala na kami" Hindi na nga napigilan pa ng dalaga at umiyak na ito sa harapan ng mga kaibigan.
"Ano?!" Nagulat na sambit naman ni Jhio.
"Wait, why?" Takang tanong rin ni Ghian.
"Yung kaibigan niyo....nakita kong....m-may kahalikang iba, a-at nalaman kong g-ginamit lang niya pala ako" Nasasaktan na nauutol at putol putol pa na sabi ng dalaga.
Kaagad namang natulala saglit ang kaibigang si Claude at namuo ang galit nito sa kaibigang si Miles.
"Tangina" Murang sambit naman ni Claude.