3 WEEKS AFTER...
Tatlong linggo na ang nag daan simula nung may nangyari kay Miles at Aliyah. Simula nung araw na yun ay mas naging malapit na ang mga kaibigan ni Miles at kaibigan ni Aliyah sa isa't isa at ganoon din ang dalawa. Naging komportable na si Aliyah sa tuwing kasama niya si Miles.
_________
ALIYAH
Nandito ako ngayon sa library upang mag basa ng libro habang hinihintay ko ang mga kaibigan ko na bumalik dito, dahil may binili sila sa canteen. Hindi naman talaga 'to bago dahil sa tuwing pupunta kami dito sa library ay parang hindi sila mabubuhay kapag walang dalang pagkain dito sa loob ng library. Tahimik akong nag babasa nang biglang may babaeng sumulpot sa harapan ko at napatigil naman ako sa pag babasa.
"Hi Ms. Arcelia. Milk for you?" Ngiting sabi nito sa akin habang binibigay sa akin ang isang bottle ng gatas "Thanks for the milk" Sabi ko naman sa babaeng kaharap ko ang nginitian ko ito "Hmm. Let's talk later, ig?" Sabi nito at tumango naman ako "We have practice pa kasi eh" Dagdag naman nito "Okay, sure" Ngiting sabi ko naman sakanya "Study well, Ms. Arcelia" Sabi nito sa'kin at kinindatan ako "I will, Ms. Lim" Sabi ko rin sakanya at nginitian lamang ako at tuluyan ng umalis.
"Hoy!" Nagulat naman ako sa boses na nag mula sa likuran ko "Please lower your voice, nasa library tayo" Inis na bulong ko kay Maye dahil nagulat ako.
"We saw it, Aliyah" Mapang asar na sabi ni Sabrina "Saw what?" Tanong ko naman sakanila "Yung totoo Aliyah, what's your real score?" Tanong naman ni Maye na pinagtakhan ko "Real score? Nino?" Tanong ko sakanila.
"Sino paba? You and Miles" Sabi naman ni Shannel at ngumiti ngiti ito "Uhm, we're just friends" Sabi ko naman sakanila "Friends lang ba talaga?" Mapang asar ulit na tanong ni Maye "Yes" Ikling sambit ko at kitang kita sa mga hitsura nila na hindi na naniniwala sa'kin, kaibigan nga lang ba?
Saglit na tumahimik ang aming kapaligiran nang biglang may bumasag sa katahimikan "Hey guys, you're here din pala" Sambit ni Ghian "Oh Claude, Jhio and Ghian, hi" Sabi ko naman "Hi Claude" mapang akit na sabi ni Maye "Stop flirting with me Ms. Reyes, we're here sa library. Do it outside the school" Sabi naman ni Claude at inirapan lamang siya ni Maye.
"Ang landi ninyo" Sambit naman ni Sabrina "Landiin mo rin ako" Pag salita ni Jhio "Iw! Mandiri ka naman" Diring diri na sabi ni Sabrina "I'll make you fall in love with me, Sab" Seryosong sabi ni Jhio at nag titigan naman si Claude at Ghian dahil alam nilang kapag nag sasalita ito sa English ay talagang seryoso ito.
"Then, do it if you can make me fall in love with you" Matapang naman na sambit ni Sabrina "I will Ms. Santos" Matapang rin na sambit ni Jhio "I swear, I will never fall in love with you" Sambit ni Sabrina "Oo, pogi ka per-" Naputol ang sasabihin ni Sabrina nang biglang ngumiti si Jhio at ang mga kaibigan nila sakanya "Pogi? Hm?" Pang aasar na sabi ni Jhio.
"Nako, natimbong ka Sab" Sabi ni Maye na nang aasar din sa kaibigan "Halata kana bhie" Sabi rin ni Shannel at tumawa lamang ako sakanila at ganoon rin ang dalawa na si Claude at Ghian "Argh! Nevermind!" Mahina ngunit iritang sabi ni Sabrina dahil nasa library pa rin kami na nag uusap.
"May napansin ako" Pag iiba ni Maye sa usapan "Ano naman yun?" Tanong ko rito "Ba't kayo lang Claude? Where's Miles?" Tanong ni Maye "Hindi ko alam kung saan yun" Sambit naman ni Claude.
"May practice pa daw" Biglaang sabi ko at napatingin naman silang lahat sa akin "Practice? Saan?" Tanong naman ni Maye "Hindi ko alam" Sabi ko naman sakanila.