ANNIVERSARY GIFT.
.
.
.
.
_________Ngayong araw ang araw ng anniversary ng magkasintahang si Miles at Aliyah. Halos araw araw na umuuwi ang dalawa sa sariling bahay ng mga ito simula nung niregalo ni Miles ang isang bahay sa dalaga.
Wala pang pasok si Aliyah dahil masyado pang maaga at naisipan nitong ipagluto ang natutulog na kasintahan at ibigay ang regalo nito para sa kasintahan at isusunod niya naman yung tungkol sa pag bubuntis niya.
Pumunta ng kusina ang dalaga upang mag luto para sa pag gising ng kasintahan ay kakain na lang ito. Habang nag luluto ang dalaga ay may biglang nag chat dito.
"Cooking while using your phone, huh?" Biglaang sambit sa taong nasa likuran ng dalaga"Love, you're gising na pala" Ngiting sambit naman nito at akmang yayakapin na sana ang kasintahan
"Ops, tell me muna who's chatting you?" Iwas at naman nito sa yakap at nag tanong ito sa dalaga
"Si Jeremy love" Tugon naman ng dalaga sa kasintahan
"Hmm?" Humuhuning sambit ni Miles
"He's asking me if we can hangout ba" Tugon muli ng dalaga
"And?" Malamig na tono ng boses na sambit nito
"I said, I can't" Sabi naman ng dalaga
"This day is important to me kasi eh, for us" Ngiting sambit naman ng dalaga at napangiti na nito ang kasintahan
"I love you" Sambit naman ni Miles at niyakap ang dalaga
"I love you" Sagot rin ng dalaga
"Eat na tayo" Aya naman ng dalaga sa kasintahan nito at sumunod naman si Miles sa dalaga.
Nag simula nang kumain ang dalawa at tahimik lamang ang kapaligiran nila. Sa gitna ng tahimik na pag aalmusal nila ay biglang binasag ng dalaga ang katahimikan.