Chapter 28 - New Acquaintances

142 6 1
                                        

*Nimpha POV*

"Who are you?" Kunot-noong tanong ko dito.

"I am Cesia princess." Ani nito.

"Bakit mo ko kilala?" Seryosong tanong ko dito. Bakit alam niya na prinsesa ako? Wala naman akong sinabihan kung sino talaga ako?

"Hoy Cesia ang daming customers kaya doon tumulong ka kaya----omo is she the princess?" Napatingin naman ako sa bagong dating. Another unfamiliar face.

Who are they?

Bakit kilala nila ako?

"Namahimik ka nga. Rumespeto ka sa prinsesa."

"Bleh bleh ikaw kaya ang rumespeto. Dalawang prinsesa na kaya kasama natin."

"Isip bata."

"Nagbabangayan na naman ba kayo haha." Napabaling ang tingin ko sa bagong dating ulit nang marinig ang sobrang hinhin nitong tinig. Para lang akong nakikinig ng musika sa ganda ng kanyang tinig. Nakakainggit naman. Hmp.

"Alam mo kasi Prinsesa Sereia iyang babaeng kontrabida na yan lagi nalang akong pinagsasabihan. Hindi ko naman siya nanay para sermonan ako." Ani naman ng pangalawang bagong dating. Prinsesa Sereia? Prinsesa siya? Saang kaharian kaya?

"Namahimik ka na nga Frea. Hindi magtatagal at tatawagin ko na talaga dito si Riyah para busalan ng snowball yang maingay mong bibig." Seryosong wika nung Cesia sa babaeng nagngangalang Frea.

Teka, bakit ba ako nanunuod sa live na bangayan nila?

"Wag mo na silang intindihin ganyan na talaga sila noon pa. Ako nga pala si Sereia Merllux, ako ang prinsesa mula sa kaharian ng Merlian. Ikinagagalak kong makilala ka Prinsesa ng Crystallia Kingdom." Nakangiting pakilala ni Sereia. Bakit ang ganda niya at napakahalina ng tinig. Sinalo na ba niya lahat ng blessing at walang tinira?

"Sabi sayo eh ma sta-starstruck din yan kay Sereia katulad natin noong magising siya." Rinig kong ani ni Frea kay Cesia. Akala ko ba magkaaway ang dalawang yan?

"Hahaha masanay ka na sakanila. Ngunit sa aking palagay ay mas mahahalina ka kay Zhaira kesa sakin." Ani pa ni Sereia saakin. Zhaira? Sino naman yun? May kilala akong Zhaira pero naroon siya sa mortal world ngayon. Kamusta narin kaya siya?

"Bakit alam niyo na prinsesa ako? Wala naman akong pinagsabihan ng tungkol sa pagkatao ko ah?" Nagdududang wika ko sakanila.

"Alam mo kasi mahal na prinsesa. Pagdating sakanya, walang impossible. Lahat alam niya. Hindi nga namin malaman-laman kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Kahit naka seal ang kapangyarihan niya ay makapangyarihan parin ito pano pa kaya kapag na unseal ito." Kwento naman ni Frea.

Sinong siya naman ang tinutukoy nila?

Kanina may sinabi silang pangalan na Riyah, tapos Zhaira at ngayon yung 'siya' na tinutukoy nila.

"Iisa lang sila mahal na prinsesa." Napatingin naman ako kay Cesia ng magsalita ito. Napakunot-noo naman ako sa sinabi nito.

Did she just read my mind?

"Oo mahal na prinsesa. Nababasa ko nga ang nasa isip mo. Si Riyah, Zhaira at siya na tinutukoy ni Prinsesa Sereia ay iisa. Siya si Prinsesa Zhaira Diamond White ang Prinsesa ng Enchanted Kingdom." Ani ni Cesia. Kung ganun sila ang dalawang prinsesang sinasabi ni Kia noon? Na natagpuan na ang mga prinsesa ng mga kahariang kanyang nabanggit?

"I guess I won't be introducing myself anymore." Ani ng isang malamig na tinig. Pansin ko pang nagitla ang dalawang nagbabangayan kanina nang marinig ang bagong dating. Maski ako mga beh nanindig ang balahibo sa narinig. Parang yelo sa sobrang lamig eh.

NIMPHA || The Missing WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon