Chapter 38

3.9K 62 10
                                        

T H I R T Y - E I G H T











Nasa field ako ngayon kasama si Bianca habang pinapanuod namin si Jade na nag uumpisa na mag training, soccer player kasi si Jade ng school kaya ito kami ni Juliana pinapanuod siya.

Tamang kain lang kami ni Bianca dito sa bleachers ng inorder niya na burger, fries, nuggets, and milktea.

Ang sarap talaga ng libre.

"Hanep! Feel na feel niyo ang pag tambay dito ah." saad ni Juliana sa amin ng makalapit ito sa pwesto namin ni Bianca.

Nakasuot siya ng Nike leggings short and short sleeve crop top, naka pony tail din ang buhok niya at may hawak na tumbler cup sa isang kamay.

"Sayang naman kasi porma namin ni Bianca kung hindi kami tatambay dito." sagot ko sa kanya.

Nag usap kasi kami ni Bianca na mag ootd kami habang pinapanuod namin si Jade na nag tri-training, nag dala pa kaming dalawa ng shades para feel na feel namin ang panunuod namin dito.

"Halata nga." Nakangiwing saad ni Juliana sa amin ng makita niya ang suot namin ni Bianca. "Anyway, watch mo din ako Mira ko, may practice kami for pride month event ng school." dagdag niya pa at hinalikan ako sa pisngi at pa simpleng inirapan si Bianca.

"Problema non?" kunot noong tanong sa akin ng katabi ko, nag kibit balikat na lang ako sa kanya at sinubuan siya ng nuggets.

"Fuck. Ang init." saad niya at pinaypayan ang sarili, habang nakatingin sa gawi ni Jade na kumakaway sa amin.

Umiling-iling na lang ako sa pagiging bading niya, makulimlim na nga tas sasabihin niya pa na mainit.








"Misis ko!" agad na tawag ko kay Faye ng masara ko ang pintuan ng opisina niya, sobrang na miss ko talaga siya lalo na ang busy ko kanina para mag prepare para sa gaganapin na pride month.

"Hi Hun, how is the singing practice going?" Tanong niya sa akin at sinalubong ako ng yakap, ang bango-bango talaga ng honey, my love, so sweet ko.

Hindi ko pa kasi na memeet yung mga member ng musical club, kaya kanina nag practice ako ng Feels Like by Gracie Abrams.

Ayoko mapahiya sa kanila lalo na at mukhang professional sila.

Plano ko kasi na ayun ang kakantahin ko next week pero hindi ko pa sure kung papayag sila.

"Ayos lang naman, wala din naman akong choice lalo na at si Iris na ang nakiusap sa akin na ako ang kumanta sa darating na event." saad ko sa kanya.

Bahagya naman itong tumawa at pinisil ang tungkil ng aking ilong.

"You don't need to practice because you're already good." Panguuto niya sa akin. "Mhh... Should I cancel the event?" Kunwaring nag iisip na tanong niya sa akin, habang nakatingin sa taas.

"Bakit mo naman ica-cancel?" Nag tatakang tanong ko sa kanya, kung ano-ano na naman ang pumapasok sa utak niya.

"I don't want you to struggle, hun." Sagot niya sa akin at mas hinigpitan ang yakap niya, agad ko naman siyang hinampas ng mahina sa braso niya na kinahina naman ng tawa niya.

"Loko ka! Akala ko naman kung ano, haha. Wag na, celebration ng mga kapwa bading natin yun." Sagot ko sa kanya at bigla na lang din siya natawa sa rason niya.

"Okay, then let's eat before I take you home later. I'm planning for us to eat at Bahagri Resto-Bar." Saad niya sa akin na agad ko din kinatango, miss ko na ang mga pagakin doon.

Nagiging date place na rin namin ni Faye yung resto-bar na yun.







"Baby..." Tawag ni Miss Pascual kay Jade na ngayon ay nakasimangot ng nakatingin sa kanya.

Addicted LoveWhere stories live. Discover now