Seventeen

2 1 2
                                    

Habang papasok si Rhadson, parang bumagal ang oras para kay Anya. Ramdam niya ang tensyon sa bawat hakbang ng kanyang kaibigang matagal nang hindi nakita. Pumuwesto ito sa gitna ng sala at ngumiti sa lahat, without realizing that there's a bigger tension upon his arrival.

"Magandang hapon po sa inyo," magalang na pagbati ni Rhadson. "Pasensya na po kung nakakaabala ako. Dumaan lang po ako para kumustahin si Anya. Magkaibigan po kami."

"Kaibigan? Sabihin mo na sa'min kung ano ka ba talaga ng anak ko?" tahasang pagkwestiyon ni Irenea.

"I'm sorry po kung itatanong ko ito. Pero may masama po bang nangyari? I mean, if hindi maganda ang timing ko, pwede naman po akong umalis," apologetic na tanong ni Rhadson. Saka ibinaling ang tingin kina Anya at Gelo na mukhang center of the topic ng pamilya.

Nagkatinginan sina Anya at Gelo. Si Arturo, na nakatayo pa rin sa gilid, ay nagpakawala ng buntonghininga na tanda ng pagkainis sa sitwasyon.

"Sakto ang dating mo," sabi ni Irenea. "May pinag-uusapan kaming mahalaga tungkol kay Anya at kailangan naming malaman ang totoo."

Napatingin naman si Rhadson kay Anya, kitang-kita sa kanyang mga mata ang pag-aalala. "Anya, ano bang nangyayari? May problema ba?"

Bago pa makasagot si Anya, sumingit si Arturo. "Buntis ang kapatid ko at hindi namin alam kung sino ang ama. Kaya ito si Gelo, sinasabi niyang paninindigan niya raw ang ate ko. Kailangan namin ng malinaw na sagot."

Nagulat si Rhadson sa narinig. "Buntis si Anya?"

Parang pinukol ng nag-uulanang mga bato si Anya. She didn't know how to shut them off.

"Oo. At dahil kaibigan ka rin naman niya, baka may alam ka rin?" sagot ni Arturo. "Kasi pagkarinig pa lang ni ate sa pangalan mo, ayaw ka na niyang papasukin. Naisip ko, baka ikaw pala talaga ang tatay at hindi itong Gelo na 'to. Besides, may dala ka pang offering. Nagsabay pa talaga kayo. Ano naman sa tingin n'yo ang iisipin namin bilang immediate family?"

Kaya naman, huminga muna nang malalim si Anya bago magsalita. "Tama na! Hindi nga kasi ako buntis, kahit dalhin n'yo pa ako sa clinic para mapatunayan n'yo! Hindi ko alam kung bakit nagsasabwatan kayong lahat para ipilit na may nangyaring hindi totoo."

"At ikaw, Gelo," dugtong niya habang tinititigan ang lalaki. "Tinanong mo sana ako kung totoo, kaysa sabihin mo na handa mo akong panagutan, eh 'di mas lalo silang naniwala sa paratang na 'yon!"

Napalunok si Gelo at tumango. Then, he apologetically gave them a look. "Sorry, Anya. Akala ko kailangan mo ng tulong. I thought, talagang seryoso at hindi mo lang masabi."

Pumagitan naman si Irenea sa nagbabangayan. "Anya, sigurado ka bang hindi ka buntis?"

Tumango si Anya nang matatag. "Hindi po ako buntis, ma. Hindi ako si Virgin Mary na magkakaroon ng anak through the holy spirit. Besides, wala naman po akong asawa."

"Pero may boyfriend," sarkastikong pagsingit naman ni Arturo.

Humakbang si Rhadson papalapit kay Anya at mapagpaumanhin ding ngumiti. "Anya, now I finally understand why you don't want me to visit you."

Tahimik na tumayo si Anya at hinarap ang lahat. "Salamat sa inyo, pero kailangan ko munang mapag-isa para makapag-isip. Magsiuwi na kayo."

"Pati kami papaalisin mo?" 'di patatalong tanong ni Irenea sa anak.

"Iyong mga lalaki lang," paglilinaw pa niya.

"Kasama ako?" Pinandilatan naman siya ni Arturo.

Ah basta!" Naiinis na umakyat si Anya papunta sa kanyang kwarto. Pero, maagap naman si Gelo na pumigil. Kaya, mas lalong naguluhan ang lahat.

"Kailangan muna kitang makausap, please?" sabi ni Gelo nang malumanay.

"Pre, ayaw niya nga nang may kausap, 'di ba? Let her go," sabad naman ni Rhadson na napatayo na rin sa kinauupuan.

"Sino ka ba?" tila naiinis na tanong ni Gelo.

Makailang saglit pa, pumagitan na si Arturo sa dalawang kalalakihan. "Mga brad, huwag kayong mag-away dito. Doon kayo sa park o kaya sa basketball court, para mas maraming audience."

"Teka. May naisip akong mas magandang gawin." Si Rhadson na lang ang tila nagpakumbaba sa sandaling ito. "Kumain na lang muna tayong lahat."

Napasilip si Anya sa dalang pagkain ni Rhadson, gano'n din sa groceries ni Gelo. "Mabuti pa nga."

At parang sa isang iglap, nalusaw ang tensyon. Kaswal silang nakitungo sa isa't isa na parang walang nangyari.

Peace Be With You, Please Be With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon