Twenty

5 1 1
                                    

Matapos ang pag-uusap nila ni Rhadson, napagpasyahan ni Anya na silipin saglit ang Playful Dreams. Bago pa man makarating, isang pamilyar na babae ang humarang sa kanya at ngumiti.

"Long time no see, dear!" bati ng middle aged woman na sumalubong sa kanya.

Alanganin naman ang ngiti ni Anya habang inaalala kung saan niya nakikita ang babaeng iyon. Slowly, she finally remembered how they met. Customer niya ito dati sa Playful Dreams at madalas na bumili ng laruan ang kanyang anak na babae.

"Kumusta po? Pati po ang anak ninyo?"

"Ang anak ko?" Naging mapanindak ang tono ng pananalita ng ginang.

"Opo." Bahagyang napaatras si Anya at tila naging alarming sa kanya ang pagbabago ng mood ng babae.

"Wala na siya."

"Ano pong ibig n'yong sabihin? Lumipat na po ba kayo ng bahay? Hindi na po ba kayo rito nakatira?"

"Lumipat na kami. Sige, mauuna na ako, mag-iingat ka palagi."

A warning stare made Anya's heart race for a while. Saka lamang siya nakahinga nang maluwag nang lumagpas na sa kanyang daanan ang ginang.

Naiiling siyang dumiretso sa Playful Dreams hanggang sa inayos na niya ang ilang gamit doon. After half an hour, biglang namatay ang lahat ng ilaw sa loob. Anya turned on the flashlight of her phone. Nakisilip siya sa kapitbahay nang buksan niya ang siwang ng bintana. May kuryente naman ang iba.

Lalabas sana siya ngunit hindi na niya mapihit pabukas ang pinto. Nagtataka siya kung bakit gano'n ang nangyari. Wala siyang spare key para mabuksan ang main door kapag na-lock siya sa loob.

Kaya naman, naisip niyang tumungo sa exit door. Naka-lock din iyon!

"May tao ba rito? Pakiusap? Bakit n'yo ginagawa 'to?" tanong niya sa pasigaw na himig. Kung anu-ano na ang naiisip niya sa mga sandaling iyon at naisipan na niyang tawagan sina Arturo at ang nanay niyang si Irenea. Unfortunately, hindi sila sumagot sa paulit-ulit niyang tawag sa mga ito.

Si Shantel naman ang tinawagan nito ngunit hindi rin sumagot. Si Rhadson na lang ang huli niyang naiisip na tawagan. Hindi rin ito sumasagot.

Instead of giving up, sinubukan pa rin ni Anya na maghanap ng iba pang paraan upang makalabas sa loob ng Playful Dreams. Sa pag-aalala at pagkabahala, mabilis niyang kinuha ang isang lumang laruan mula sa isang kahon at sinubukang gamitin ito upang buksan ang pintuan, ngunit walang nangyari.

Sa gitnang bahagi ng kanyang pag-aalala, narinig niyang bumukas ang pinto ng tindahan mula sa likod. Bigla siyang napatingin doon, umaasang may dumating na makakatulong sa kanya. Ngunit nang buksan niya ang ilaw ng kanyang cellphone, wala siyang nakita kundi ang dilim ng silid.

Nagmamadali siyang lumapit sa exit door. Sa halip na matakot, ginugol niya ang kanyang oras sa pag-iisip ng anumang solusyon. Subalit nang subukan niyang gamitin ang cellphone flashlight upang maghanap ng alternatibong daan, napansin niyang tila may mga anino na gumagalaw sa paligid.

Ilang minuto pa ang lumipas at hindi pa rin siya nakakahanap ng solusyon. Ang kaba at takot ay lumalala habang tinatawagan niya ulit ang kanyang mga kaibigan at pamilya. Muli niyang tinangkang tumawag kay Rhadson, ngunit hindi pa rin ito sumasagot.

Habang nakayuko siya at nagpapahinga sa isang sulok, biglang nagbukas ang ilaw ng buong tindahan. Napansin niyang lumalabas mula sa isang sulok ang isang pamilyar na taong hindi niya inaasahang makikita niya sa sarili niyang space—ang babae na kanyang nakita kanina. Ang pag-aalala ni Anya ay napalitan ng mas matindi pang takot. Ang babae ay pinupukol siya ng mga tingin na parang naglalaman ng matinding poot sa kanya.

"Bakit? Bakit n'yo ako pinaglalaruan nang ganito? Ano po bang nagawa kong kasalanan?" tanong ni Anya na nagmamadali na lumapit sa babae.

Wala siyang nakuhang sagot. Sa halip, hinawakan nito ang isang bagay na itinago sa likuran nito, isang lumang laruang panda na katulad ng binili ng kanyang anak na babae noon.

"Sinabi ko na sa iyo... wala na siya," sabi ng babae sa isang malamig na tinig. "Kasalanan mo 'yon!"

"Hindi ko kayo maintindihan!" tili ni Anya hangga't sa na-corner na siya ng babae at sinakal siya. She's intended to be killed at any circumstances. Hindi siya makalaban hangga't sa nawalan na siya ng malay.

Peace Be With You, Please Be With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon