“Saan ka naman nagpunta?”
Kusang napahinto si Anya nang marinig ang boses ni Arturo. Pinatay din nito ang TV at lumapit agad sa kanya.
“Sinabi ko sa'yo na susunduin kita. May ginawa lang kami sa school pero hindi ka naman nakapaghintay. Paano na lang kung may nangyari na naman sa'yo ate?” Bakas ang himig ng panenermon at pag-aalala ng kanyang kapatid.
“Pinuntahan ko si Shantel. kinumusta ko,” sagot pa ni Anya. “Iniisip mo ba na may kikidnap sa'kin? Kung mayro'n man, hayaan n'yo na lang ako, huwag n'yo na akong tutubusin pa.”
“Ang drama. Parang inaalala lang, eh. Masama ba ‘yon?” Arturo pouted and guided her to the dining area.
“Kakain na tayo.”
Naghihintay din pala sa hapag kainan ang nanay nilang tila may gustong sabihin. Parang malalagay siya sa hotseat kung nakadepende sila sa mood ng paligid. It was gloomy and filled with silence.
“Mama? Bakit po?”
Parang may pinaglalamayan. Parang may hindi tamang nangyari.
“Hihinto na ako sa next sem. Final na ‘yon. Matagal ko na rin siyang pinag-isipan.”
Kumunot ang noo ni Anya sa isiniwalat ni Arturo. Mas lalo siyang naguluhan dahil walang reaksyon si Irenea. All this time, parang siya na lang ang walang nalalaman sa sitwasyon.
“Ang bunso nating si Mimi, susundan ko na sa province. Magtatrabaho ako doon. Para naman hindi na nakakahiya sa tita ninyo. Ako na ang mag-aalaga sa kanya.” May bigat ang bawat salita ni Irenea. It seems like she's carrying a heavy burden that no one wants to shoulder too.
“Ano po ba talagang nangyayari? Bakit biglaan ang mga desisyon ninyo? Ikaw kanina Arturo, nag-e-eskwela ka pa, eh. Anong sinasabi mo na hihinto ka na? Saka parang noong nakaraan lang, okay pa. Sinasabihan n'yo nga ako na mag-aral ulit,” nababahalang tanong ni Anya.
“Kasi…” Huminga nang malalim si Arturo at sumimangot. “Lilipat na ako ng university. Pero hindi ako mag-iiba ng course. Kailangan, eh.”
“Pero bakit nga?”
“Kasi may lupa na tayo sa probinsya at may trabaho nang nakalaan doon si mama dahil magiging caretaker na siya isa pang property ng kumare niya!” masayang pagbabalita ni Arturo.
“Hinuhuli lang namin kung anong magiging reaksyon mo, ate! Parang na ‘it’s a prank’ ka namin nang wala sa oras! Isasama ka na namin doon, ate. Hindi mo na kailangang magpakahirap sa business mo na ‘yan.”
Tumatawa lang din si Irenea. At si Anya naman, nakaramdam ng inis, sa halip na tuwa dahil magandang balita nga naman na mayro'n na silang pag-aari sa probinsya. Dati pa naman nilang pinangarap iyon but despite all that, parang hindi siya masaya sa posibilidad na lalayo siya at maiiwan si Shantel. Isa pa, hindi niya rin kayang i-give up ang Playful Dreams nang dahil lang sa isang insidente. The timing isn't right.
“Huwag ka nang sad, ate. Ginu-goodtime ka lang naman namin, eh,” panunudyo ni Arturo at iniabot ang isang mansanas kay Anya.
Pagkatingin pa lang ni Anya sa mansanas, naduwal agad siya. Naalala lang niya ang bulok st inuuod na mansanas na itinapon niya noong nakaraan. Bigla rin siyang napa-walk out at dumiretso sa kanilang CR.
“Anong nangyari do’n? May sakit ba si ate?” tanong ni Arturo. “Hindi naman siya mainit kanina. Mukhang pagod lang.”
Umiling-iling si Irenea. “Baka nga may sakit. Pero kailangan ko muna siyang matanong.”
***
Samantala, malalim na ang gabi at malalim din ang iniisip ni Anya. Hindi siya pabor sa ideya na sasama siya sa kanyang pamilya at maiiwan niya ang pinaghirapan niyang negosyo. Ang gusto niya lang, isara ito nang pansamantala dahil sa gulo noong nakaraan. Iniisip din niya kung paano si Shantel sa mga oras na umalis siya.
BINABASA MO ANG
Peace Be With You, Please Be With Me
General FictionPagkatapos ng anim na buwang pakikipag-date, napagtanto nina Anya at Gelo na hindi pala magwo-work ang kanilang relasyon. Nagkasundo silang maghiwalay at mag-focus sa kani-kanilang landas. Gayunpaman, nangako silang mananatiling mabuting magkaibigan...