Fifteen

2 1 5
                                    

Dahan-dahan ang pagpasok ni Anya sa bahay. Makakahinga na sana siya nang maluwag ngunit nakatanga na pala sa sala si Arturo.

"Oh? Bakit parang nakakita ka ng multo d'yan?" usisa ni Arturo, while giving his sister a suspicious look. Tumayo siya sa kinauupuan at parang ininspeksyon din ang mga pinamili ni Anya.

"Wow. Pahingi." Nakangisi si Arturo nang tangkain na kunin ang snacks na tinutukoy. Ngunit maagap naman si Anya na nailayo iyon saka umiling.

"Kulang pa nga sa'kin 'to, eh." Hindi naman gusto ni Anya na maging madamot. But in this situation, it seems like she's been caught red-handed. Kailangan niya lang umiwas. Kaya naman, dire-diretso siyang pumasok sa kwarto niya na parang hindi inaalala ang reaksyon ng kanyang kapatid.


***


Tanghali na rin nagising si Anya. Ang bangayan sa ibabang palapag ng bahay niya ang bumulabog sa kanya. Parang seryoso iyon at naghi-hysterical si Irenea habang pasigaw namang nagpapaliwanag si Arturo. Hindi niya tuloy naiwasang magmadali para pumagitan.

"Sinabi ko naman sa'yo, mag-focus ka sa pag-aaral mo! Ano na ang gagawin mo ngayong nakabuntis ka? Paano na ang kinabukasan mo? Iharap mo sa'kin ang girlfriend mo para pag-usapan natin ang magandang gagawin kaysa ilihim n'yo pa sa'kin ng girlfriend mo ang nangyari!" litanya ni Irenea at kahit anong bagay na makita niya ay ibinabato niya kay Arturo.

"Ang kulit mo, ma! Hindi nga sa'kin ang PT na 'yan! Saka baka sa'yo 'yan! Kanina pa nga ako nagpapaliwanag, eh!" giit ni Arturo na umiilag sa bawat pagbato ni Irenea.

"Sira! Menopause na ako, paano ako magbubuntis niyan? Saka magkasama ba kami ng tatay ninyo?" asik ni Irenea.

Sa kabilang banda, sandaling napaisip si Anya at humarang na sa kaguluhan. Baka kay Shantel ang PT na nakita ng dalawa. But at the same time, hindi naman niya pwedeng ipaalam na kay Shantel iyon at nagdadalang-tao ito. Kabilin-bilinan kasi nito na gawin munang sikreto ang tungkol sa pregnancy nito.

"Mama! Bakit ba kayo nagtatalo?"

Sa pagtatanong ni Anya, agad na ginawa naman siyang shield ni Arturo kaya tumama sa kanya ang tsinelas at nasapul siya sa noo.

"Bakit ka humarang?" inis na tanong ni Irenea at tila humupa ang inis nang makitang tila nahihilo si Anya. Mabigat kasi ang tsinelas na tumama. Pang-mountaineering, to be exact.

"Okay ka lang?" pag-aalala ni Irenea. Napansin niyang nagkaroon ng bukol ang noo ni Anya at pinaupo niya kaagad ito.

"Kumuha ka ng yelo, Arturo!"

Nagmadali naman si Arturo at naiiling na pinakatitigan ang kanyang nanay at ate.

Nang humupa na ang tensyon, napag-isipan ng tatlo na mag-usap na lamang nang masinsinan.

Nakalagay lamang sa mesa ang PT at parang riritwalan na iyon ng tatlo dahil doon lamang nakatuon ang kanilang mga mata.

"Nag-break na kami ng girlfriend ko, saka hindi kami gumagawa ng mga bagay na ganyan. Labag 'yan sa Diyos," unang depensa ni Arturo.

"Mas lalo naman ako. Menopause na ko," gatong naman ni Irenea.

Makailang saglit pa, sabay na napatingin sina Irenea at Arturo kay Anya na hindi magawang umimik para depensahan ang kanyang sarili.

"Ate!" Arturo exclaimed. Napaigtad si Anya sa kinauupuan dala ng gulat.

"Sa'yo 'yan, tama? Umamin ka na! Nagtatalo na kami ni mama at ikaw lang ang dahilan!"

"Tama!" Niyanig ng boses ni Irenea ang buo nilang bahay. "At hindi malabong ikaw nga talaga."

"Una, mood swings. Pangalawa, naduwal ka kagabi at hindi kumain."

"Tama, tama! Tapos kagabi, may binili kang snacks kahit hindi ka mahilig sa mga gano'n. Naglilihi ka na yata! At ngayon naman, tanghali ka na gumising. Posibleng may morning sickness ka nga!" sabad naman ni Arturo. "Kay Gelo 'yan? Doon sa kapre mong ex?"

"Paano ka na niyan? Hindi mo ba alam na mahirap maging single mom? Sinabi mo na ba sa kanya 'yan?" Halos maiyak na si Irenea sa mga assumption nila ni Arturo.

But Anya remained silent. Masyado siyang na-overwhelm. Gusto niyang ipaliwanag na misunderstanding lang ang lahat pero clouded na ng maraming problema ang isip niya.

"Ate! Natatakot ka ba sa lalaking 'yon na itanggi niya ang baby ninyo? Hindi pwede! Makikita niya ang hinahanap niya!" mapanghamon na pakli ni Arturo.

"Kailangan niyang malaman, anak. Nandyan na 'yan, eh."

"Hindi. Hindi po," the only words that Anya could say at this moment.

Pero bago pa magpatuloy ang kanilang pag-uusap, may narinig silang kumatok sa pinto na agad namang pinagbuksan ni Arturo.

"Uy, Tita Leticia!" bati ni Arturo sa kanilang unexpected visitor.

Paulit-ulit namang napalunok si Anya nang mamukhaan niya ang ginang. Siya lang naman ang babaeng nakakita sa kanila ni Gelo sa eskinita at pinag-isipan pa sila ng kung ano. Kaya naman, mabilis siyang umiwas ng tingin at nagtakip ng mukha.

"Amiga, magandang tanghali. May sasabihin lang ako na bagay tungkol sa business na pinag-usapan natin sa chat," bungad ni Tita Leticia at bumeso kay Irenea. Agad din niyang napansin si Anya na parang nahihiya dahil nagtatakip ito ng mukha at panay ang pagyuko.

"Nakita kita. Oo, ikaw 'yon! Kailan ka pa dumating? Ikaw yata 'yong nakita kong may kasamang lalaki kagabi!" bulalas ni Tita Leticia saka hinawakan ang pisngi ni Anya para tumingin ito sa kanya nang diretso. "Ikaw nga 'yon! May kasama kang lalaki na matangkad. Bakit nga kaya doon kayo nagtagpo? At hindi rito sa bahay ninyo?"

Naibagsak ni Arturo sa mesa ang kaliwang kamay at saka dinukot sa bulsa ang cellphone.

"Tita, ito ba ang itsura ng lalaki?" Pinakita ni Arturo ang saved photo ni Gelo sa kanyang gallery na may pinamagatang "under my radar."

"Oo siya nga! Gwapo pa naman!" pagkumpirma ni Tita Leticia kaya mas lalong tumindi ang inis ng mag-ina kay Anya.

"Mama, misunderstanding lang ang lahat!" Sa wakas, ngayon lang nakapagsalita si Anya para ipaliwanag naman ang kanyang panig.

Handa na sanang maghuramentado si Irenea pero bigla na namang may kumatok sa pinto.

"Hay naku! Sino na naman ba 'yan? Hindi na nga tayo nagtitinda ng yelo, eh!" Naiinis na tumayo si Arturo habang kumakamot ng ulo at pinagbubuksan ng pinto ang panibagong bisita. Lalong bumigat ang kanyang loob nang makita kung sino iyon.

It was Gelo, smiling and has no clue about what's happening inside the house. May dala pa siyang mga pagkain dahil kadaraan lamang niya kay Shantel at sa iba niyang kaibigan para mamigay ng groceries na sponsored ng isang company na kinuha siyang endorser. Sayang naman kasi kung ma-expire lang ang iba sa mga iyon at hindi mapakinabangan. He wanted to do some charity, but it seems like it would just start a fire and a bad blood between him and Anya's younger brother. Sa unang tingin pa lamang, ramdam na niya ang hostility nito. Kaya pala grabe ang pagtataboy nito noon sa kanya sa Playful Dreams.

"Hi," magalang na bati ni Gelo. "I'm—"

"Mama! Dumating na ang son-in-law mo!"

Lumalim ang kunot sa noo ni Gelo dahil sa pagalit na sigaw ni Arturo.

"Son-in-law?"

Peace Be With You, Please Be With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon