Habang nagkakatuwaan ang magkapatid at ang kanilang ina, biglang may tumawag sa telepono ni Anya. Tiningnan niya ang screen at nakita niyang si Rhadson ang tumatawag.
"Sandali lang po," sabi ni Anya habang sinagot ang tawag.
"Hey, Anya. Kamusta ka na? Narinig ko ang nangyari sa'yo. Are you okay?" may pag-aalalang tanong ni Rhadson sa kabilang linya.
"Okay lang ako. Salamat sa pag-aalala. Kasama ko ang pamilya ko ngayon. Sina mama saka 'yong younger brother ko na si Arturo," tugon pa ni Anya habang pasimpleng tinitingnan ang reaksyon ng kanyang ina at kapatid. They looked at her as if they wanted to tease her at that moment.
"Siya na ba si Gelo?" Nalakasan ni Arturo ang kanyang boses na nakaabot tuloy sa pandinig ng binatang kausap ni Anya. "Kapag siya talaga 'yan, baka basagin ko bungo niyan."
"Wait, who's Gelo?" biglang naitanong ni Rhadson.
"Hindi si Gelo 'to. Kaibigan ko 'to." Inilayo ni Anya ang bibig sa screen habang hinihinaan ang boses. "Nakakahiya kayo."
Napilitan tuloy siyang tumayo at pumasok sa kanyang silid.
"Hello Rhadson, pasensiya na sa panggugulo ng kapatid ko. May pinapanood lang kasi siya at kung anu-ano ang nasasabi," apologetic na sambit ni Anya.
"Okay lang. Pwede bang bisitahin kita sa bahay ninyo?" Hopeful ang tono ng pananalita ni Rhadson.
"Uhm—magpapahinga muna ako. Saka isasara ko muna 'yong shop sa loob ng ilang araw. Medyo natakot kasi ako sa gumawa no'n sa'kin. Hindi ko naman akalain na 'di na safe doon."
"Alright, Anya. I understand. But if you need something, tawag ka lang huh?"
"Sige, Rhadson. Pero nakakahiya naman." Bahagyang napangiti si Anya pero tila wala namang spark ang pagmamagandang-loob ni Rhadson. Sa wari niya, nagpapakita lang ito ng pagmamalasakit dahil magkaibigan naman sila.
"Bye. Sweet dreams."
"Bye."
***
Lumipas ang ilang araw, mas naging maingat si Anya sa kanyang mga galaw. Sa tulong ng kanyang pamilya at mga kaibigan, unti-unting bumalik ang kanyang sigla at kumpiyansa. Ngunit sa kanyang puso, nananatili pa rin ang tanong kung sino ang nagtangka sa kanyang buhay at kung ano ang motibo nito. Malas niya, wala siyang nakalap na CCTV footage nang mangyari ang insidente dahil nagkataon na hindi pala gumagana ang naka-install na CCTV doon.
"Isa kaya 'yon sa mga loan shark na hindi ko nabayaran agad? Pero bakit kailangang atakihin ako nang gano'n. At bakit parang hindi iyon ang unang beses na nakita ko siya..."
Nakatunganga lang si Anya sa loob ng Playful Dreams. Naroon din si Arturo at nagtitimpla ng kape dahil umagang umaga sila dumating doon para hakutin ang ibang mahahalagang gamit ni Anya. Ang iba sa mga laruan doon ay balak na ibenta ni Arturo via live selling, nang hindi na malungkot ang kanyang ate.
"Kape mo." Inilagay ni Arturo sa mesa ang tasa ng kape habang nakapangalumbaba si Anya.
"Kapag wala pang progress sa nangyari sa'yo, hindi ka pa pwedeng mag-open ng shop. Okay?" sabi pa ni Arturo.
"Okay na okay." Nag-thumbs up lang si Anya kahit hindi niya gusto ang idea na pansamantalang isasara ang Playful Dreams. Parang nakakonekta na sa kayang negosyo niya ang puso't isipan niya. It's literally her life support.
"Dito ka lang muna ate. May kakausapin lang ako sa labas. May pinapakisuyo kasi ang classmate ko." Tumayo si Arturo matapos siyang uminom ng sariling kape. "Huwag kang lalabas, okay?"
Dalawang beses na tumango si Anya hangga't sa naglaho na nga sa paningin niya ang kapatid. Nagmuni-muni lang siya ng ilang minuto ngunit hindi niya inaasahang may kakatok sa pinto. Kinabahan siya sa mga naiisip, especially as she slowly approached the door, even though she had no intention of opening it.
"Sino 'yan? Closed kami ngayon," pasigaw na wika ni Anya.
"Si Gelo 'to..."
Anya felt an indescribable mix of nervousness and joy upon hearing the voice of her ex-boyfriend once again.
BINABASA MO ANG
Peace Be With You, Please Be With Me
General FictionPagkatapos ng anim na buwang pakikipag-date, napagtanto nina Anya at Gelo na hindi pala magwo-work ang kanilang relasyon. Nagkasundo silang maghiwalay at mag-focus sa kani-kanilang landas. Gayunpaman, nangako silang mananatiling mabuting magkaibigan...